Monday ....
"Oh, ingat kayo sa pagtawid sa daan ha. Zoe, ikaw mas nakakatanda kaya huwag pababayaan ang bunso." Bilin ni mama bago kami bigyan ng tig-isang kiss ni bunso."Aye!Aye Mamsy!" Pag-aasure ko naman.
Pasukan na naman!
Kailangan maaga kayo. Lalo na ngayon second week ng pasukan, kailangan mag-adjust ng oras sa pagtulog kung noong bakasyon late ka pa kung matulog pwes, ngayong pasukan agahan niyo na ang pagtulog dahil for sure yung iba jan dapat 4:00 pa lang gising na dahil malayo pa ang iba-byahe makarating lang ng school! Late na ako mag-advice sa inyo nga katoto. Sundin niyo po iyan, promise effective po. Kapag maaga natulog, maaga ding gigising.Gayahin si Haris Zoe! Char..
Anyways, on the way na kami ni bunso papuntang school. Masakit man sa damdamin na iwan ang pinakamamahal kong kama at ang malambot kong katabi na si stitch ay wala akong magagawa. Time check 6:00. Oh diba, saktong-sakto.
Grabe, makikita ko na naman ang pagmumukha ng mga classmates at teachers ko. Samantalang si tae nakikita ko nga, madalang naman makausap.
Aray! Nakakainis naman itong jeep na ito. Umagang-umagang siksikan na nga, maka-preno naman wagas! Pati ba naman siya, gigisingin ako sa katotohanan na hanggang bestfriend lang ang kayang ibigay sa akin ni Tae.
Tama! Aral pala ang pinunta ko sa school. Hindi naman siya eh. Kiber ko ba kung papansinin niya ako o hindi. Where in the first place aral dapat ang priority ko.
Itong kapatid ko naman, walang kwentang katabi. Char! Di! kasi naman lalamunin na siya ng headphones niya kakarinig ng music at fine'feel pa ang kanta habang pikit ang mata. Di man lang niya inisip na baka mailagpas kami nitong jeep. Di man lang niya ako kausapin.
Ah, baka nire-reserve niya yung laway niya later sa pag-recite. Good!
Huminto na nga ang jeep sa tapat ng school. Siyempre bumaba na rin kami ni JR. Oy! Huwag kayo ah. Baka sabihin niyo nag-1, 2, 3 kami ni bunso ha. Actually kanina pagkasakay namin inabot ko na ang bayad.
"Bye JR. Ingat ka jan. Aral ng mabuti." Bilin ko kay JR na patungo na sa classroom nila.
"Opo ate. Salamat, ikaw din po mag-ingat." Paalam niya naman sa akin.
Nagmuni-muni muna ako bago pumunta sa class room namin. Paano, tinatamad akong maglinis sa respected area na binigay sa amin eh. Para daw araw-araw linisan. May log book pa na kung saan ay isusulat namin ang name namin at what time ba kami pumasok.
Maya na yan, napadpad na ako dito sa Science building eh. Tatambay muna ako ng 30 minutes sa botanical garden. 7:30 pa naman ang klase eh. Matignan nga ang relos ko, Ayan 6:28 pa Lang naman. Oh edi may less than 1 hour pa ako na maglilinis.
Konti pa lang ang estudyante maging dito sa Science building. Tahanan ng mga star section.
Nang maka-upo ako sa isa sa bench ng shed na may round table. Naramdaman ko ang napaka-fresh na simoy ng hangin. Kaya di ko na napigilan ang aking sarili at isinandal ang likod ko sa round table at napapapikit. Sinasamsam ang ihip ng sariwang hangin.
Tok!..
Mga sampung segundo akong nanatiling nakapikit, nang may bumato sa akin ng maliliit na bato mula sa di kalayuan. Naimulat ko bigla-bigla ang aking mga mata upang mahuli kung sino ang may kagagawan nito. Tsss.
Ngunit pagmulat ko, wala na ang loko-loko. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at wala namang tao. My gaaaahd. Agad akong kinilabutan dahil sa pangyayari. Pero hindi pwede, maaring estudyante lang iyon bumato sa akin dito sa Science building. At kapag nakita niya akong natatakot for sure matutuwa iyon.
BINABASA MO ANG
Choosing between First Love and True Love
Fiksi RemajaAting alamin ang mapaglarong tadhana ng ating Bidang babae na confused na confused kung sino ba ang pipiliin niya between his two love na parang mahal ko o mahal ako ang drama sa buhay.