Chapter 22: Sa akin ka sasama o Sa kanya

0 0 0
                                    

Hihi! Happy 200+ reads!
Super thank you sa mga masipag at matiyagang nagbabasa ng story ko. Lots of Love! Muaaaaah!♡♡♡

Haris Zoe's POV

Habang nasa sakayan ng jeep at kaunti pa lamang kami...

"Ate next week ay Division meet na at nag-meeting din kami kahapon na mga MDAT na magpe-perform daw kami. Mga tatlo atang performance then basta ganun." Pagsisimula ni JR.

"Ah, ganun ba? Eh, kamusta naman? May banda na kayo diba?? Pwede malaman ang mga songs na kakantahin niyo??" Ngiting tanong ko.

"Di pwede! " ayan balik suplado na naman so bunso.

"Sige na.  Sige na.  Sige na. Please. Sekreto lang natin." Saka ako nag-pose ng parang nangangako.

"Di nga pwede ate." Poker face niyang sagot.

"Ang  duga naman neto. Tssss." Saka ako nasimangot.

At kahit hindi pa puno ang jeep ay umalis na rin ito..

❤S❤A❤
❤S❤C❤H❤O❤O❤L❤

"Tssss lukot na naman and mukha mo ate.  Smile ka na lang jan,  ampangit mo na nga nakasimangot ka pa."

Aba, nang-aasar ba itong batang ito?!!!
Minuwestra ko ang dalawa kong daliri at ihinarap sa mga mata ko at itinuro sa kanya.

Mga nangungusap na aksyong, 'humanda ka maya sa bahay JR ha.'

As usual tuloy pa rin ang klase namin sa umaga hanggang hapon.

Lunch time na at kasabay ko si Tatum, hindi lang iyon mas dumami na ang aming pamilya. Este ang barkada dahil nasama na rin sa amin sina Gab, Dayan and Luigi ang boyfriend niyang kateam mate ni Tatum din ng foot ball.

Since hindi na din ako sinasamahan ni Sycthe sa pwesto namin naisipan ko na lang na, sumama at maki-table kina Gab and Dayan tutal pipilitin lang din naman nila ako na maki-sabay sa kanila.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at tahimik lang. Nakakarindi ang katahimikan mabuti na lang at si Gab ang nagbigay buhay sa hapag kainan dito sa pwesto namin.

"Yeeeeez, guys next week na talaga ang Division meet. Excited na ako. Nararamdaman ko na...." Saka siya umaktong parang nakukuryenteng ewan.

Tanging halakhakan kami, tutal canteen naman dito kaya okay lang naman ang tumawa ng malakas. Sumigaw nga kami last time eh,  noong magkakasama kaming buong team.

"Kyaaaaaaaaaaaaaah! Sycthe! Ang hot mo po" dinig kong sigaw ng mga girls sa may table malapit sa entrance ng canteen.

"How to be yours ba?? Yieeeeeeeeeh. Akin ka na lang. Anyways, galing niyo kahapon sa practice niyo ha." Sigaw nung isa, ewan ko third year student ata.

Kainis di ko siya makita dahil nakatalikod ako sa pwesto ng dinaanan niya. Di ko marinig kung ano ang sagot o reaksyon ng tukmol na Taeng paparating mula sa mga sigawan ng mga higad este!  Kababaihan!

'Tsssss, malamang napuno na naman ng hangin ang ulo ng lalaking iyan Zoe! Conceited ata yang na-bestfriend mong iyan.'

Oh edi shing!

"Yo! Tombs!" Si tae na umakbay at saka ginulo ang buhok ko. Bahagyang tumalbog ang puso ko ng marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. At magulo na nga ang buhok ko ginulo pa!

"Yo! Musta?Buti nakaalala ka pa?" Tanong ko pabalik at mabuti na lang tapos na akong kumain.

Late ko nang marealize na Ang sagwa naman ng panghuli kong tanong.

Choosing between First Love and True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon