Faye Pov.
Kinakausap ako ngayon ng Boyfriend kong si Lester ngayon sa paborito naming lugar ang park. Dito kami nagsimulang nagkakilala at dito ko rin siya sinagot, napakaraming alala ang meron ako ngayon dito sa park na ito. Napaka importante nitong lugar na ito sa akin at 4th anniversary namin ngayon. Pero ngayon sa hindi inaaasahang pagkakataon, dumating yung punto na kinatatakutan ko. Ang iwanan ako ng taong mahal ko.
"Ayoko na faye" mahinang sabi sa akin ni Lester. Iyak lang ako ng iyak sa harapan niya at wala narin akong paki alam pa kung maraming tao na ang nakatingin sa akin.
"Lester hindi magandang biro yan diba?" mahina kong sabi sa kanya halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak ko.
"I'm sorry Faye. May mahal na akong iba" halos hindi makatingin sa akin si Lester ng sabihin nya sa akin iyon. Shit tagos na tagos ito sa puso ko.
"Hindi naman totoo yan diba? Bi ako parin ang mahal mo diba? Ang... ang sabi mo after nating grumaduate ng college papakasalan mo na ako. Lester isang taon nalang eh. Isang taon nalang" halos manghina ang tuhod ko ng sabihin ko sa kanya iyan. "Lester nangako ka sa akin eh, ano to?" hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas para kausapin siya.
"Sorry Faye, kung hindi ko tinupad yung pangako ko sayo. Patawarin mo ako" Akmang lalapitan niya ako ng bigla ko siyang tinulak ng malakas dahilan para mahiga siya sa sahig. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Wag mo akong ma-sorry sorry Lester!"
Hindi parin siya tumitingin sa akin, hindi parin siya tumatayo. Napakasakit nito at sa mismong anniversary pa talaga namin siya nakipag break. Fvck!
"I don't want to see you again! Damn you!" halos lahat na ng mura gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa dahil may konting kurot parin sa puso ko na mahal na mahal ko siya. Ngayon paano na ako nito? Great, ng dahil talaga sa kabaitan ko hindi ko man lang magawang masampal o masuntok si Lester. Nakakainis.
Sa natitirang lakas na meron ako nag lakad na ako paalis ng park, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pagod narin ako kakaiyak at mugtong mugto narin ang mga mata ko hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan ko kailangan ng katahimikan sa puntod ni papa.
Umupo ako sa damuhan at nilinis ko ang lapida ni papa. Napapikit ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Miss na miss ko na si papa, wala ng nagtatanggol sa akin kapag nasasaktan ako.
"Papa...." hindi ko na mapigilang umiyak, napakapit ako sa mga tuhod ko at sinandal ko ang ulo ko doon. "I miss you papa, sana bumalik kana" Iyak parin ako ng iyak. Halos isang oras rin ako dito sa puntod ni papa at napag isipan ko ng umuwi. Kailangan ko ng mag pahinga, ayokong masaktan forever ng dahil lang sa pakikipag hiwalay sa akin ng hinayupak na Lester na yon.
Nang makauwi ako sa bahay biglang sumalubong sa akin si mama na halata sa mga mata niya ang pag aalala. "Faye" mahinang sabi ni mama sa pangalan ko. Napatingin ako sa kanya at may namumugto nanamang luha sa mga mata ko. Biglang hinawakan ni mama ang mga kamay ko.
"I already know what happened anak, andito lang si mama" sa hindi inaasahang pagkakataon bigla nalang tumulo ang mga luha ko at yumakap ako kay mama ng mahigpit na mahigpit. "Iiyak mo lang yan anak"
"Mama...." para akong isang bata na 5 years old na nag susumbong sa nanay. even though my father left us because of a car accident, I am so lucky and blessed that I have my mother besides me. "I love you ma"
Umakyat na ako sa kwarto ko upang magpahinga. Now what? Kailangan kong maging matatag sa pag iiwan sa akin ni Lester. Kaya ko to. Kayang kaya ko to because I have my mother besides me, my father that who always guide even if his now in Heaven with God and my sister who is in spain who loves me very much.
-next updated
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...