Chapter 4

728 18 0
                                    

Faye Pov

"Ikaw?"
"usted?" (Ikaw)

Halos sabay naming sabi ni Rio, hindi ko maintindihan ang sinabi niya kasi Spanish pero based sa facial expression niya parang parehas lang kami ng tanong.

"Do you know each other already?" Curious na tanong ni ate. Palipat lipat pa siya ng tingin sa amin ni Rio. 

"Lo vi ayer en la plaza" (Nakita ko na siya sa plaza kahapon) sabi ni Rio, shit eto nanaman yung pagsasalita ng Spanish eh. hindi ko maintindihan. tumikhim naman bigla si Tita jackie kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Ngumiti sa amin si Tita jackie na parang may ibang pinaparating. Oh no, hindi maganda to.

"Im glad that you already know him my son" sabi ni Tita Jackie sa anak niya. Napatingin ako kay ate na tuwang tuwa sa nakikita niya ngayon, may binabalak ba sila sa amin ni Tita Jackie? Ay patay.

"Mom, I saw her yesterday but I don't know her name" sabi ni rio. Magaling talaga siyang mag english ah. Napatingin naman sa akin si Rio na para bang sinusuri ako, teka may mali ba sa suot ko?

"Río, Faye fue la forma en que mi hermano" (Rio, si Faye nga pala ang kapatid ko) sabi sa kanya ni ate. Tinignan naman ako ni Rio at dinedma lang niya ako. Abay bastos pala itong gagong to ah. Sabagay kahapon nga noong binunggo niya ako hindi man lang niya ako tinulungan tumayo. Ano pa bang expect ko a ugali niya. 

"Ate farrah, por lo que era el hermano? Afortunadamente estaba aquí?" (Ate Farrah, so siya pala ang kapatid mo? Buti andito siya?) sabi ni Rio, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Yes" sabi naman ni ate Farrah. "For a vacation"

"¿Usted sabe que yo no soy tu hermana hacer?" (Alam mo bang hindi ako kilala ng kapatid mo?) sinabi ni Rio kay ate, hindi ko sila maintindihan. Meron pang sinabi si ate kay Rio pero sa huli hindi na muling nagsalita pa si Rio.

Siniko ko si ate at bumulong ako sa kanya. "Ate ano daw yung una nyang sinabe?" kumunot pa ang noo ko.

"Sabi niya na ikaw pala ang kapatid ko" pagpapaliwanag ni ate. 
"Ahhh" yun nalang ang sinabi ko kay ate ko.

"Así que, venga. Vamos a nuestra casa para nosotros para comer bien" (So, halina kayo. Pupunta pa tayo sa bahay namin para makakain na rin tayo) sabi ni tita, based sa expression ng mukha niya parang pupunta na kami sa kanila. Nauna ng umalis si Rio at nagsuot pa siya ng shades. Akala mo naman porket gwapo ay nevermind na nga lang.

"Tita masungit yata yung anak niyo" sabi ko kay tita. Tumawa lang siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa doon. hay nako, sinundan ko nalang sila sa labas at sumakay na kami sa kotse ni Tita jackie. Nasa likod kami ni ate at si Rio naman ang nagdadrive ng sasakyan ngayon. Habang nasa byahe tahimik lang si Rio at may nakasaksak pang earphone sa tenga niya. 

Halos 30 minutes din ang byahe papunta sa bahay nila Tita Jackie. Ng makarating kami, agad bumungad sa akin ang napakagandang garden ng bahay nila. Parang hindi nga ito bahay eh. Para syang masion.

"Tita ang ganda po ng bahay niyo" sinabi ko kay tita.
"oh really? Thank you hija. Halina kayo at pumasok na tayo sa loob." pag aaproach sa amin ni Tita. Una ng pumasok si Rio sa loob ng bahay nila na hanggang ngayon eh hinddi parin nagsasalita. Tahimik lang ba siya? Baka mapanis pa laway noon ah.

"Pagpasensyahan muna yang si Rio ah?" sabi ni Tita Jackie.

"Ok lang po" I smiled to her. "tita ganon po ba talaga ang anak niyo? Tahimik lang ba palagi?"

Ngumiti nalang si tita sa akin at pumasok na siya sa bahay, ano ba yan seen zoned ako doon ah.

"halika kana Faye" pag yayaya sa akin ni ate na pumasok na sa loob ng bahay nila Tita Jackie. Ng makapasok na kami tumambad agad sa akin ang magara nilang sala set. Mansion nga talaga itong bahay nila kumpara sa bahay namin sa pilipinas. Pure white and gold ang motif ng kanilang bahay. Yayamanin. Napatingin naman ako sa kanilang chandelier mukhang mamahalin nga. Sa sobrang pag hahanga ko sa bahay nila Tita Jackie hini ko namanalayan na tinitignan na pala ako ni Rio. Bigla siyang tumikhim upang magising ako sa realidad.

"What are you doing?" masungit niyang tanong. Bulag ba siya? Hindi ba niya nakikita na tinitignan ko ang bahay nila. Hindi ko nalang siya sinagot, teka nga ba bakit ba ako iniwan ni ate dito. Eh hindi ko naman kabisado ang bahay na to ah.

"if youre looking to ate Farrah she is in the kitchen with my mom. They prepairing our foods" Kalmado niyang sabi. Buo ang boses niya, kung makapagsalita siya parang kontrolado niya ang bahay dito. 

"Ok, but wheres your kitchen?" tanong ko kay Rio.
"Follow me" 

sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kusina nila at tumambad sa akin ang isang antique dining table at napakadaming nakalapag sa lamesa ng pagkain. Halos nagulat pa nga sila Tita Jackie at Ate ng makita kaming magkasama ni Rio.

"¿Qué?" (Ano?) nagtatakang tanong ni Rio. Kumunot pa nga ang noo niya.
"None" ngumiti si Tita sa amin ng makahulugan. Ano bang meron kay tita at parang hindi ko sya feel ngayon lalo na't kapag ngumingiti siya.

Kumain na kami at tahimik lang lahat kami, napaka disiplinado ni Rio. At kahit na only child lang siya ni Tita Jackie hindi niya ugali ang spoiled brat.

"Faye, gusto mo bang maglibot libot pa sa madrid?" Tanong ni Tita Jackie. Bigla naman akong napahinto sa pagkain ko ganon din si Rio. Si ate busy lang sya sa pagkain niya.

"Uhmm, opo tita"
""So, gusto mo bang sumama sa amin ni Rio bukas?"

Halos maibuga na ni Rio ang kinakain nyang stake sa mukha ng nanay niya sa pagkagulat. Don't tell me marunong siyang magtagalog? Parang hindi man halata sa kanya ah.

"Mamá lo absurdo?" (Mom anong kalokohan to?) iritang sabi ni Rio, ayan nanaman ang pagsasalita niya ng Spanish.
"No, yo sólo quiero ser amigos cercanos de Faye" (Wala, gusto ko lang naman na maging close kayo ni Faye) hindi ko sila maintindihan. Pero habang tinitignan ko sila parang naiinis si Rio.

"Tía Jackie que simplemente no quieren incluir Faye, después de todo, a su vez, déjame en la primera semana en el trabajo, así que estoy sólo el magtotour con él aquí en Madrid" (Tita Jackie huwag niyo na lang pong isama si Faye, tutal naman ay nag leave naman ako ng 1 week sa trabaho kaya ako nalang po ang kasama niyang magtotour dito sa madrid) sabi ni ate hindi ko sila maintindihan bahala sila. Natahimik nalang ulit sila. Ng napatingin ako kay Rio bigla lang niya akong tinignan ng malamig at blanko na expression. Ano bang problema niya?!

Halos dalawang oras din kaming nagtagal sa mansyon ng mga Fernandez, nalaman ko na business man pala ang tatay ni Rio, at isa sila sa pinaka mayaman dito sa Spain. Marami rami rin kaming napagkwentuhan nila Tita Jackie at Ate farrah. Hindi na muling lumabas si Rio sa kwarto niya pagkatapos niyang kumain. Ang sabi naman ni Tita may sariling mundo raw ang anak niya at after talaga ng shooting niya gusto lang niya na magpahinga sa bahay.

"Tita asan po ang restroom niyo? Pwedi pong makigamit?" Tanong ko kay tita.
"Ah daretso ka lang dyan tapos kumanan ka at makikita mo na ang cr dyan"
"Ah sige po. Thankyou po."

Habang papunta ako sa banyo meron akong nakita na pinto, hindi naman ito nakasara kaya gusto kong makita. Pero takte, hindi ko naman bahay to para pumasok bigla bigla sa loob eh. Pero shit! Dahil may dugo ako ng chismosa at dakilang usisera kung baga bigla akong pumasok sa kwarto. BUmungad sa akin ang punong puno na mga toy clollections at anime. Halos mapuno na nga ang kwartong ito dahil sa may action figures na laruan. tinignan ko ang isang set ng laruan na punong puno ng pokemon, hahawakan ko sana ang isang pokemon ng may biglang magsalita sa likod ko.

"What are you doing here?" inis niyang sabi. Halos mapatalon ako sa gulat. Yung boses niyang yon, kalmado lang pero nakakatakot na. Humarap ako sa kanya pero hindi ko siya matignan sa mukha, nahihiya ako sa ginawa kong pagpasok ng basta basta sa kwarto niya.Damn you rio Fernandez isa kang nakakatakot na tao. Halos hindi ako makapag salita ng mapatingin ako kay Rio. Oh no, I'm really dead now.

-next update



Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon