Faye Pov.
Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Ang bigat parin ng pakiramdam ko ngayon, aaminin ko na hindi naman ako agad agad makaka move on sa pakikipag hiwalay sa akin ni Lester. Masakit parin yon, at aamin ko man mahal ko parin siya. Damn ang tanga tanga ko talaga. Bakit kasi nagmahal pa ako sa isang hayop eh. Nakakainis talaga!
Kinuha ko sa study table ko ang isang scrapbook na binigay sa akin ni Lester noong first anniversary namin. Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang first picture naming noong naging official kami, mapait akong tumawa at feeling ko babagsak nanaman ang mga luha ko. Ang oa mo na Faye.
Para maiwasan ang kashitan na mangyayari bigla ko nalang nilapag sa kama ang hawak kong scrapbook at bumaba na ako para kumain. Bakasyon na pala ngayon at buti nalang hindi ko na muna makikita si Lester sa school. At gusto ko nalang maging busy sa buhay ko ngayong bakasyon.
Bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng matinding gutom, naalala ko hindi pa pala ako kumakain simula kahapon dahil sa kakaiyak ko. Hay nako, when shit happens nga naman oh.
"Goodmorning ma" bati ko kay mama, ngumiti ako ng pilit para hindi na siya mag alala pa.
"Goodmorning din anak, are you now feeling better?"
"Yes ma" maikli kong sabi sa kanya at kumuha na ako ng pagkain sa lamesa. Ang gusto ko lang ngayon ay kumain. Gutom na gutom na ako.
Habang kumakain ako biglang nagsalita si mama "Your ate Farrah wants you to have a vacation in spain" halos mapatigil ako sa kinakain ko ng sabihin yon ni mama.
"What?" halos gulat kong sabi sa kanya, hindi parin ako kumukurap. Ano nanaman ba itong balak ni mama at ate? Damn! "But why ma?"
"Nasabi ko na kasi sa kanya yung sa paghihiwalay niyo ni Lester, at dahil vacation niyo naman gusto ni ate mo na 1 month ka sa spain para hindi ka magmukmok dito sa kwarto" pagpapaliwanag ni mama. Naiintindihan ko naman sila eh, dahil mahal na mahal nila ako. Pero hindi ko expect na darating sa punto na kailang pa nilang gawin ito sa akin.
"Ok lang naman po ako dito ma eh, tska paano nalang kapag aalis ako? Sino bang makakasama mo dito sa bahay oh?" Pag alala kong sabi sa kanya. Ngumiti si mama at biglang nag salita.
"Anak kaya ko naman to eh, tsaka andito naman si Yaya Luz"
"Pero ma....." hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ng biglang nagsalita si mama.
"Anak please, para sayo rin ito. At ang gusto lang namin ni Ate Farrah mo na maka move on kana agad kay Lester kahit na mahirap. At sa sitwasyon mo naging kayo for four years alam kong hindi madali yon para sayo. You deserve to be happy Faye" Nakangiting sabi ni mama. Tumayo ako sa upuan ko lumapit kay mama para yakapin ko siya.
"I love you mama"
"I love you too anak, oh before I forget gusto kang makausap ni Ate mo." tumingin ako bigla kay mama "Sige na anak kausapin mo na si ate mo. Habang hindi pa siya tulog sa spain"
"ok ma" ngumiti ako kay mama at tinapos ko na ang kinakain ko.
Binuksan ko ang laptop ko at tinignan ko kung online ba si ate. Ang good to know that she is online.
"Ate" Pag tawag ko sa kanya ng inaccept niya ang video call ko.
"Hey sissy" masigla niyang sabi, hyper talaga ito kahit kailan. "Are you feeling better now?"
"Yes naman ate" ngumiti ako ng pilit sa kanya.
"Wushuuuu" bigla niyang sabi. "Faye alam ko dika pa ok no! Sino ba namang tao ang mamaka move on agad agad?!"
"Hay nako ate, alam mo naman pala tapos magtatanong tanong kapa adik lang!"
Natawa siya sa sinabi ko. "Hay nako sissy, miss na miss na kita. By the way tignan mo yung yahoo mo, I already book you a flight and be ready because next week na ang flight mo"
Bigla akong nagulat sa sinabi ni ate. "What the hell ate?!" sigaw ko sa kanya "Bakit next week na agad?" gagad kong tanong sa kanya.
"Syempre naman. Gusto makalimutan mo na agad yung hinayupak mong ex no"
I just rolled my eyes, si ate talaga. "Ano pa nga bang magagawa ko no ate?"
Tumawa lang si ate sa sinabi ko. Marami pa kaming napag kwentuhan at hindi na namin namalayan ang oras dahil 12 am na pala sa spain. Nagpaalam na sa akin si ate dahil kailangan niya pang magpahinga dahil may trabaho pa daw siya bukas.
Binuksan ko ang facebook ko at bumungad sa akin ang post ni Lester na kasama ang girlfriend niyang bago, may nakacaptionpa talaga na "MY WORLD". Wow ah! As in wow! Ang bilis makahanap ng girlfriend si gago. Kung makapag palit ng girlfriend parang nagpapalit lang ng brief. Sarap niyang bigyan ng malutong na mura. Bago pa ako tuluyang mabadtrip, nilogout ko nalang ang fb ko. Ayokong simulan ang araw ko ng bad mood ko.Ang mabuti pa mag reresearch nalang ako ng iba't ibang lugar sa spain. Shit, isa sa mga pangarap kong puntahan na lugar ang Spain. Excited na excited na talga ako.
Habang nag bobrowse ako sa internet bigla nalang lumitaw ang isang picture ng lalaki, hindi ko alam parang Spanish Artist sya or model. Napaka gwapo niya. Perfect shape ang mukha niya. He has a red lips, and good eye brows, yung kulay ng mga mata niya parang color blue. Shit napaka perfect naman ng lalaking ito. Dahil sa curiosity bigla nalang akong nagsearch ng famous people na Spanish, pero dahil sa may balat yata ako sa likod napaka malas ko, bigla nalang naglowbat ang laptop ko at nawalan din bigla ng power. What the Fvck! Nakakainis naman oh.
Sino kaya yung lalaking yon? Shit my curiosity kills me now. My ghad! Kapag nagpunta ako ng Spain sana makita ko siya. Sana..... Sana.....
-next update
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...