Chapter 2

997 19 0
                                    

Faye Pov.

Ngayong araw na ang pag alis ko papunta ng Spain. Shit kinakabahan ako na naeexcite, eh paano naman kasi ako lang mag isa ang pupunta doon at susunduin nalang daw ako ni ate sa airport. Halos isang linggo ko narin hindi nakikita ang hinayupak kong ex, napaka saya ko talaga dahil kahit papa-ano hindi ko narin siya naiisip. Hinatid ako ni mama at ang bestfriend kong si Kim sa airport.

"Anak, mag iingat ka ah? Tawagan mo ako kapag nahanap mo na yung ate mo sa airport" halos nag aalala pang sabi ni mama. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Yes ma, tatawagan ko po agad kayo kapag nasa Spain nako. Mamimiss kita."

Niyakap lang ako ni mama. "Ang anak ko talaga dalaga na pero nagiging baby parin pala minsan" tumawa nalang ako sa sinabi ni mama.

"Best, sana maging masaya ka sa bakasyon mo sa Spain" nakangiting sabi ni Kim. "Sana pag balik mo dito nakalimutan mo na siya at may dala kanang gwapong lalaki na spanish" 

"Adik ka talaga best!" naiiling kong sabi sa kanya kahit kelan talaga yung bestfriend ko minsan puro kalndian ang iniisip eh. "Pumunta ako doon para mag bakasyon at mag aliw aliw, hindi para makahanap ng boyfriend haler!" I rolled my eyes to her. 

"Whatever Faye Mariano, basta pag may pinakilala sayo si Ate Farrah na poging modelo doon kung hindo mo siya bet ipakilala mo nalang sa akin ah?" Masiglang sabi ni Kim.

"Kalan kana nanaman no? Hahahaha" natatawang sabi ko sa kanya. bigla naman kumunot ang noo niya.

"Anong kalan?" nagtataka niyang tanong.

"Edi KALANDIAN! Hay nako best maganda ka sana slow kana man minsan"

"What the hell Faye!" napasigaw niyang sabi. Tumawa nalang kami ni mama sa inaasal ng bestfriend ko. Nagpaalam na ako sa kanila at kailangan ko ng pumunta sa loob ng airport. 

Buti nalang pinaupo ako sa may bintana ng Flight attendant, habang hindi pa puno ang mga passengers sa loob ng eroplano bigla nalang nag vibrate ang cellphone ko. Halos itapon ko na ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang nagtext. Guest who?! Edi si Lester. Gago ba to?

Lester: I'm sorry for what I've done to you.

Hindi ko nalang siya nireplayan baka mastress lang ako sa kanya. At after 10 minutes lilipad na ang eroplano. I'm so excited to visit Spain and to see my sissy again. At dahil matagal pa ang biyahe natulog muna ako sa eroplano. Ang sarap sa feeling na wala kang iniisip na problema. Haaaay

Halos isang araw rin ang biyahe papuntang Spain, actually sa Madrid ang punta ko ngayon. Ilang oras nalang nasa madrid narin ako. Ng makalapag na ang eroplano halos hindi ako magkanda ugaga palabas ng airport, miss na miss ko na talaga si ate ko.

Ng nasa labas na ako ng airport nakita ko na agad ang ate ko na si Ate Farrah. "Ateeeeeeh!" sigaw ko sa kanya, grabe miss na miss ko na siya. Lalo siyang gumanda dito sa Spain ah. Halos 1 year rin kaming hindi nagkita ni ate.

"Hi sissy, I miss you so so so much" pagyakap sa akin ni ate.

"Ikaw din ate namiss din kita ng sobra sobra" 

Niyaya ako ni ate na kumain sa pinaka malapit na restaurant dito sa madrid, shit napaka ganda talaga dito. Parang nanaginip lang ako. Halos nga daanan namin pinipicturan ko. Mapupuno nanaman niyang ng pictures ang mga social media accounts ko.

"Were here!" masiglang sabi ni ate. Isa itong 5 star restaurant ah. "Bumaba na tayo ng kotse" sabi niya sa akin. Nag aalangan pa nga akong bumaba dahil alam ko na napkamahal dito sa Spain. Pwedi naman kahit doon lang sa unit niya kami kumain eh.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon