Faye Pov.
Three days ago, simula ng mabugbog si Rio hindi muna siya nakapagshoot. Dahil sa sobrang dami niyang pasa sa mukha, adik kasi ng lalaking ito. Alam naman niya na puhunan niya ang mukha niya, magpapabugbog siya bigla. Minsan talaga hindi ko maisip kung anong klase ng utak meron si Rio.
Sa bilis na paglipas ng mga araw, nararamdaman ko na rin na malapit ng matapos ang bakasyon ko dito sa Spain. Nakakalungkot naman. Kung pwede lang na i extend yung tourist visa ko dito gagawin ko. Kaso sobra naman mahal ang bayad. Hindi na masyadong afford ni Ate at Mama sa akin yon, at may hiya rin naman ako sa kanila.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo Faye" tanong sa akin ng kaibigan kong si Kim. Were having a skype right now.
"Hindi naman"
"Wew, kasing lalim yata ng balon yang iniisip mo bakla eh."
"Anong bakla ka diyan! Sira ka talagang babae ka" inis kong sabi sa kanya. Tawa lang siya ng tawa. "Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo no?"
"O well!"
Napakamot nalang ako sa kilay dahil sa asal ng bestfreind ko. Hindi ko nga alam kung bakit naging bestfriend ko itong abnormal na to.
"Faye, sino pala yung boylet na kasama dun sa picture na pinost mo sa IG? Ikaw ah! Nagbakasyon ka lang diyan sa Madrid nakahanap kana ng boyfriend. Ako nga nagbakasyon na sa buong mundo wala man lang akong nahanap na boyfriend" sabay pout ng lips niya. Natawa ako sa sinabi niya. "What's funny?"
"Ikaw Kim, hanggang ngayon pa naman kalan parin yang nasa isip mo. Hello? Hindi ko boyfriend yon. Mortal enemy ko nga dito yun eh"
Bigla naman kumunot ang noo ni Kim. "Mortal enemy?"
"Yes"
"Teka nga lang bakla, naguguluhan yung full bangs ko sa sinabi mo" inayos niya bigla yung bangs niya. Natawa ako sa ginawa niya. "Eh kung mortal enemy mo siya, bakit mo siya kasama sa picture mo? Tsaka sino ba yun ah? Infernes gwapo" kinikilig pang sabi niya sa words na sinabi niya. Parang siyang inta na binuhusan ng asin infairnes
"Si Rio yon, kasama ni Ate Farrah sa showbiz"
Tango lang ng tango si Kim, hindi siya nagsasalita parang gusto niya pa na mag explain pa ako sa kanya. I just gave her a sighed. "That's all. Thank you hahaha" natatawa kong sabi sa kanay.
"What the hell!" inis niyang sabi. "Yung lang ang kwento mo sa akin? Kapag talaga pagka uwi mo ng pilinas kakalbuhin kita kapag hindi mo nakwento sa akin yung Rio."
"Aba'y talagang haha"natatawa kong sabi sa kanya. "Tinatamad kasi akong magkwento eh"
"Wala naman pagbabago don sa sinabi mo eh. Always ka naman tamad"
Halos tatlong oras rin kaming nagkwentuhan ni Kim sa skype, grabe siya. Palagi nalang niyang tinatanong si Rio. Ipakilala ko pa nga raw siya sa kanya eh. Siraulo talaga itong bestfriend ko. Hanggang sa nagpaalam na siya, dahil may gagawin pa raw siya. Grabe I really miss my bestfriend now.
Nang maging blank ang screen niya pinatay ko na ang laptop ko. Napatingin ako sa oras, Gabi na pala. Teka lang bakit wala pa si Ate? Napatingin ako sa wall clock, past 10pm na pala. Kailangan ko ng tawagan si Ate. Pero wala ito sa tabi ko. Damn! Saan naman kaya yun?!
Hinanap ko ang cellphone ko ang cellphone sa sala pero hindi ko makita, saan na ba yon? Nagtungo narin ako sa dining area hindi ko rin makita.
"Hindi naman malaki masyado ang unit ni Ate pero bakit hindi ko makita ang phone ko?" halos kausapin ko na nga ang sarili ko eh. Napakamot na rin ako sa ulo ko. Grabe, para naman buong araw akong hindi nag suklay niyo eh.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...