Faye Pov.
Sinabi ko kay Rio na nasa park na ako. 5pm palang at sakto naman na nagsisiuwian na ang mga bata. Bitbit ko ang mga maleta ni Rio at ang kanyang passport.
Napalunok naman ako bigla, kahit na sobrang bigat nitong gagawin ko kailangan talaga. Siguro kapag natapos ko itong gawin, sigurado lang na ikamumuhihan na ako ni Rio.
Tinext ko na si Rio na nandito na ako. Ilang minuto pa akong naghintay ng dumating na sya gamit ang kotse na binili niya.
Habang papunta siya sa akin ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Baby girl I miss you." sambit niya at niyakap niya ako at hinalikhalikan niya ang buhok ko.
Napapikit naman ako sa ginawa niya.
"Bakit gusto mo na mag usap pa tayo dito sa park?" sambit niya at umupo kami sa wooden bench.
Hindi ako sumagot at napatingin naman siya sa mga maleta na nasa tabi ko.
"Teka mga maleta ko yan ah." sambit niya at tinignan naman niya ako ng nagtataka. "Anong ibig sabihin nito Faye?"
Hindi parin ako kumikibo, binigay ko sa kanya ang kanyang passport at plane ticket pabalik ng Spain.
"Ano to?!" halos tumaas na ang tono ng boses niya.
"Rio tigilan na natin to." mabilis kong sabi sa kanya, parang isang malakas na sampal sa akin yon dahil sa binigkas ko. Sobrang sakit nito.
"What? Are you trying to bluff me?" pagak na tumawa si Rio.
"No, I'm serious Rio."
Nagbuga naman ng nakakairitang paghinga si Rio. "But why?" sambit niya.
"Ayoko na." sambit ko at pilit na nilalaban ang emosyon ko.
"No, hindi totoo yang mga sinasabi mo."
"Rio, ano bang pinagsasabi mo ah? Tanga ka ba! Diba narinig mo naman ang sinabi ko." galit kong sabi sa kanya.
"No Faye, hindi totoo yan. Alam ko na mahal mo pa ako. Sa anong dahilan kung bakit mo ako gustong bitawan?" halos basag na niyang sabi.
"Sinabi ko na diba?! Ayoko na! Tapusin na natin ang walang kwentang relasyon na to!" sigaw ko sa kanya. Napaawang ang labi niya sa sinabi ko.
"For almost three years that were together, sasabihin mo lang na walang kwenta ang relasyon natin?"
Hindi ko siya inimikan sa sinabi niya, napapikit nalang ako. Hindi ko na kaya, dahil ako mismo gustong sampalin ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko kay Rio.
"Lahat ng sakripisyo na ginawa ko sayo, wala parin bang kwenta yon?" halos bulong niyang sabi.
Ofcourse not Rio, mahalaga iyon sa akin. Ikaw at ang tatlong taon na pinagsamahan natin. Sobrang halaga non. Gusto kong sabihin sa kanya iyon pero ayoko.
"Oo walang kwenta lahat ng yon!" sigaw ko sa kanya at dinuro ko pa ang mukha niya. "Ayoko na Rio, tama na. Tapusin na natin to." sambit ko at tumayo na ako.
Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit mula sa likod ko at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Faye, huwag mo akong bitawan please. Mahal na mahal kita." halos nagmamakaawa niyang sabi.
Mahal na mahal rin kita Rio, God knows how much I love you. Pero hindi ko sinabi yon, umiyak nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi ko.
"NAgkulang ba ako sayo Faye?" tanong niya. Unti unti akong umiling sa sinabi niya.
Nangyari nato noon diba? Yung panahon na hinahabol habol pa niya si Amanda. History repeats for the second time.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...