Chapter 17

602 14 0
                                    

Faye Pov.

Nagising nalang ako dahil sa pagyugyog ni Rio sa braso ko, takte naman eh. Panira ng tulog. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nasilayan ko agad ang mukha ni Rio, the f! Ayan nanaman yung killer smile ng mokong na to. Nababaliw nanaman ako nito.

"Hey baby girl, were here. Wake up." masiglang sabi ni Rio. Teka nga nakainom ba ng energy drink tong lalakeng to. "Halika na baby girl, it's already 4 in the afternoon. Let's go"

"Ano?! 4 oclock na?" gulat kong sabi sa kanya. He's now looking at me weirdly and then he nod at me. Napakusot ako bigla ng mata. At binaling ko ang tingin ko sa paligid kahit nasa loob pa kami ng sasakyan. Teka lang dinala niya ako sa amusement park? Sa amusement park lang kami pumunta pero umabot pa halos 5 hours ang biyahe namin?! Ni hindi pa nga kami naglunch eh.

Dali dali akong bumaba ng kotse at suriin ang amusement park. Grabe halos mapapanganga nalang ako sa buong paligid. Napakaganda talaga dito.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ni Rio sa kotse niya at tumabi bigla sa akin, napabaling ako ng tingin sa kanya at bigla siyang ngumiti sa akin. Shit yung pagtibok nanaman ng abnormal kong puso.

"Are you hungry baby girl?" tanong sa akin ni Rio. Nag nod ako sa kanya. Sinuot niya muna ang salamin niya bago kami pumasok sa may entrance ng amusement park.

Halos nakanganga nalang talaga ako pagkapasok ko ng amusement park. Yung tila ba panaginip lang ang lahat.

"Ang ganda" bulong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda" bulong ko.

"Just like you" sabat naman ni Rio, shit to. Bigla tuloy namula yung pisngi ko. Kainis. "Hey you're blushing baby girl"

"Hindi kaya no" pagmamaang maangan ko. "Mainit lang kaya namumula ang pisngi ko" tae Faye?! At kelan pa uminit dito sa Spain. Adik ka talaga.

"Hmmmm.." bigla tuloy napahimas sa baba si Rio, sinamaan ko siya ng tingin. "What?"

"Wala! Nagugutom na ako" inis kong sabi kay Rio. "Bakit ba hindi tayo kumain ng lunch? Tsaka bakit 4pm na tayo nakarating na amusement park na ito. Ganito ba kalayo ang amusement park sa Madrid?" kunot noo kong sabi sa kanya.

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. "Baby girl, ang himbing kaya ng tulog mo no kaya ayaw na kitang gisingin baka sapakin mo pa ang gwapo kong mukha."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Ang kapal mo"

"And besides.." muli siyang nagsalita "Were here at Barcelona. Sa tibidabo amusement park"

What?! Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya, nasa Barcelona kami?! As in for real?!

"Gaano ba katagal ang byahe?" tanong ko kay Rio.

"Almost 5 hours." walang gana niyang sabi habang inaayos niya ang buhok niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Teka eto nanaman tayo eh, ang hilig mangalas ng buto.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon