Faye Pov.
"Hi bessssss! I really really miss you sosososo much!" sigaw sa akin ni Kim ng makita ako sa may departure area ng airport. Grabe talaga itong babaeng ito hindi man lang nahihiya sa mga tao.
Tuloy lang ang paglakad ko papunta sa direksyon nila at niyakap naman ako bigla ni Kim ng mahigpit na mahigpit. What the, halos hindi na ako makahinga sa gnagawa niyang pagyakap sa akin ah.
"Excuse me, do I know you?" pang jojoke ko sa kaibigan ko.
"The heck Faye, nagbakasyon ka lang sa Spain ng 1 month tapos kinalimutan mo na ako. Ganyan ka" padabog niyang sabi. Tignan mo ro parang isip bata talaga.
"Hanggang ngayon pa naman Kim isip bata ka parin?" naiiling kong tanong sa kanya, nagmake face lang siya bilang sagot sa akin.
Napatingin naman ako kay mama na todo kung maka ngiti sa akin. I smell something fishy, kung ano man ang meaning ng smile ni mama sa akin itatanong ko ito sa kanya mamaya.
Lumapit sa akin si mama at niyakap niya ako ng mahigpit.
"I miss you Faye, I glad that you already home" sweet na sabi ni mama.
"You're so sweet tita" sabi ni Kim kay mama.
"I miss you too mama, madami po akong ikukwento sa inyo mamaya." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Halika na't umuwi na tayo." pag yayaya ni mama.
"Sige ma."
Sa byahe halos nag kukwentuhan lang kami nila mama at Kim. Halos ang topic nga namin ay si Rio. Nako, ito talagang dalawang to hindi sila titigil kakatanong hanggat hindi ko sila masagot.
"So kayo na ni bebe Rio?" pangungulit sa akin ni Kim habang nasa byahe kami. Tinignan ko muna siya ng matiim bago ko siyang tinignan bago sumagot.
"Hindi" tipid kong sagot kay Kim
"Sis? Ano ba yan. Wag ka na nga umarte jan. Rio Fernandez na nga oh. Hello? Yung heart throb ng Spain nililigawan ka tapos hindi mo pa siya sinasagot." Sigaw sa akin ni Kim, grabe tong babaeng to kung makasigaw parang nasa kabilang baryo ako. Eh magkatabi lang naman kami sa kotse.
"Shut up Kim." seryoso kong sabi sa kanya. "Ano naman kung hindi ko pa sya sinasagot diba? Kailangan ko muna siyang kilatisin."
"Ang arte mo girl. Sapatusin yata kita diyan eh." inis na sabi ni Kim sabay ayos ng bangs niya. "Kaloka kang babae ka."
Natawa nalang ako sa ginagawa niya, but seriously I really miss my best friend.
_________
"Welcome hija" salubong sa akin ni nanay Luz. Ang kasambahay namin
"Thank you po nanay." pasasalamat ko sa kanya sabay pagyakap. Bata palang kami ni Ate Farrah ay siya na ang nag alaga sa amin.
"Kumusta ang Spain? Balita ko eh, sobra ka raw nag enjoy doon?"
"Hehehe, opo nay. Sobra sobra po." ngumiti ako sa kanya.
"Paano po kasing hindi siya sobra sobra mag eenjoy doon sa Spain nanay dahil nahanap na niya ang kanyang inspirasyon." pagsasabat ni Kim sa usapan namin ni Nanay Luz.
Sabay pa nga kami napatingin ni Nanay Luz kay Kim, at itong si Kim nagform pa ng heart shape sa kamay niya. At nagkanta pa ng I think I'm inlove again.
My ghad! Napa face palm nalang ako sa ginagawa ng best friend ko ngayon, feeling ko tuloy lalong lumala ang pag iisip niya noong nawala ako ng isang buwan dito sa pilipinas.
"Yaya lumala na po yata sa pag iisip lalo si Kim?" natatawa kong tanong kay yaya Luz.
"ewan ko nga ba diyan hija, simula ng ikwento sa amin ng mommy mo na may nanliligaw na sayo sa Spain parang bulate na binuhusan si Kim non dahil todo siya kiligin. Ewan ko ba sa best friend mo kung bakit ganyan siya. hehe" pailing iling na sagot ni Nanay Luz.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...