Chapter 34

398 12 0
                                    

Faye Pov.

Halos madurog na ang stake sa plato ko ngayon dahil sa sobrang inis ko. Argh! Halos gusto ko na ngang ihampas kay Natalia ang plato ko dahil sa sobrang landi kung tumawa na ani moy iniipit ang singit!

Kawawa naman ang karne na nasa plato ko ngayon, hindi ko man lang makain dahil sa sobrang inis.

Nasa may restaurant kami ngayon nila Rio at Natalia, na sila lang ang nag eenjoy sa kwentuhan. Letche! Yung totoo sila ba ang nagdate at ako chaperon?

"You're so funny Rio." natatawang sambit ni Natalia habang pinapalo sa braso ang boyfriend ko. Napakamot nalang sa batok si Rio.

"Ang landi!" bulong kong sabi habang sinisipsip ko ang wine sa baso ko.

"Are you saying something Faye?" nakataas na kilay ni Natalia at ngumti sa akin.

Wow ah! Ang plastic ng tawa, idonate ko kaya siya project ng eat bulaga? Yung pagdodonate ng plastic bottles at gagawing silya. Ilang silya kaya ang magagawa kay Natalia?

"None." mabilis kong sabi sa kanya at sabay na tinutusok ang stake ko na hanggang ngayon ay wala paring bawas.

"Faye did you not like the food?" tanong sa akin ni Rio. 

Wow naman, sa wakas napansin rin niya ang presences ko.

"Gusto ko." sambit ko sa kanya, "Wala lang akong ganang kumain." tamad kong sabi sa kanya.

Hindi na muling nagsalita si Rio at tinuon nalang muli ang atensyon niya kay Natalia. Bakit ganon? Ang epal umeksena ng babaeng to. Sarap ihagis patunggong mars!

Habang nakatingin ako sa pagkain ko ay nagulat ako ng magsalita ng tagalog si Natalia. So may halong filipino rin pala ang bruha na to.

"Gusto ko nga rin silang bisitahin." sambit niya kay Rio.

"Maybe someday." sambit naman ni Rio.

"Sana" malambing niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ng boyfriend ko.

Excused me Natalia! Kapag ako hindi nakapag timpi magsu-supersayan talaga ako dito!

Pero hindi na ako nagsalita, tumikhim nalang ako at biglang inalis ni rio ang kamay niya kay Natalia.

"Gusto ko ng umuwi." mahinang sabi ko kay Rio. At kaagad akong tumayo at mabilis na lumaabs sa restaurant.

Kung kabastusan man ang inakto ko, wala na akong paki alam.

"Baby girl!" pagtawag sa akin ni Rio, pero hindi ko siya pinapansin.

Bigla naman akong hinawakan sa kamay ni Rio.

"Anong problema?" malumanay niyang sabi.

Bigla akong umiling sa kanya, narinig ko nalang ang buntong hininga niya.

Habang nasa biyahe kami ay walang nagsasalita sa amin. Wala rin naman akong ganang magsalita ngayon, dahil naiinis parin ako kay Natalia.

Nang maihatid na niya ako sa unit ni Ate ay wala parin nagsasalita sa amin hanggang nasa may tapat na kami ng pinto.

"Anong problema?" tanong muli ni Rio.

Hindi ko siya inimikan, bagkus nakatingin lang ako sa mga sapatos namin, bigla naman niyang inangat ang baba ko at tinignan niya ako ng malumanay sa mga mata.

"Tell me."

Bumuntong hininga nalang muna ako, "Naiinis ako kay Natalia! Ang hilig umagaw ng eksena." naiinis kong sabi sa kanya.

Bigla namang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Sinimangutan ko siya.

"Kaibigan ko lang yun si Natalia." sambit sa akin ni Rio habang hawak hawak ang pisngi ko.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon