Chapter 14

627 17 2
                                    

Faye Pov.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming magkita ni Lester dito sa Madrid. What the hell he is doing here? Nakakainis na minsan yung tadhana na yan eh. Bakit kasi kailangan pa kaming ipagtagpo ni Lester dito sa Madrid? Tsaka hindi pa ako handa na makita o makausap man siya.

"Please Faye" nagmamakaawa siya, wala na siyang paki alam kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito. "Give me another chance."

"For what?" matigas kong sabi sa kanya. Alam ko na ilang minuto nalang ay bibigay na ako. Para akong isang baso na marupok. Please Faye, utang na loob wag mo siyang bigyan ng isa pang chance. Umalis ka na lang.

"Ibabalik ko yung dating meron tayo."

"What the hell Lester?! Halos 2 weeks pa lang tayong hiwalay diba tapos ngayon nakikipagbalikan ka sa akin? Ano to lokohan?!" naiinis na ako sa kanya. Kung kanina parang gusto ko ng umiyak ngayon naman parang isa na akong bulkan na gusto ng sumabog.

"Nakipag break na ako sa kanya, kasi narealize ko na mahal pa pala kita" seryosong sabi ni Lester habang umiiyak. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Please Faye. Please give me another chance"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Ano ba ito? Nasa isang gag show ba ako? Pwes kung nasa gag show ako hindi ito nakakatawa.

Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Lester. "Get off me!" sigaw ko sa kanya. "Utang na loob Lester! Tigilan mo na ako." 

Halos nagbubulungan na ang mga tao sa paligid. At buti nalang papagabi na, kaya hindi nila masyadong makita ang sarili ko.

"Faye, lahat naman gagawin ko basta bumalik ka lang sa akin." 

Biglang lumuhod si Lester sa harapan ko habang umiiyak. Habang tumatagal ako dito feeling lalong nagiging intense ang mga nangyayari. 

"Bitawan mo ako" 

"No. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako binibigyan ng isa pang chance"

Nababaliw na ba yo? "Tumayo ka nga diyan."

"Binibigyan mo na ba ako ng isa pang chance?" bigla siyang napangiti. 

"Ano?! Asa kapa. Pinapatayo lang kita diyan. Wag kang gumawa ng eksena diyan." inis kong sabi sa kanya.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako binibigyan nang isa pang chance"

Iniinis ba ako ng lalaking to? What the. Bigla nalang umiinit ang ulo ko dahil sa pagiging childish nitong si Lester

"Edi wag kang tumayo. Bahala kang mangawit diyan kakaluhod" inis kong sabi sa kanya at naglakad na palayo. Binilisan ko ang lakad ko upang hindi na niya ako masundan pa, naririnig ko siyang sumisigaw. Sira na yata yung lalaking yun. Kainis.

Sa sobrang bilis kong maglakad may bigla nalang akong nabunggo, nabitawan ko tuloy yung mga hawak kong junkfoods at soda. Ang sakit pa ng pagkakaupo ko sa sahig. Shit. Mapapamura nalang talaga ako sa mga nangyayari ngayon sa akin.

"Are you okay Faye?" kinakabahang tanong sa akin ni Rio. teka lang of all people siya pa talaga? 

Napaangat ako ng tingin sa kanya, shit eto nanaman yung nararamdamang pagiging abnormal ng pagtibok ng puso ko. Faye kinakabahan ka lang tsaka pagod ka diba? Pagod ka kakalakad kaya nagiging abnormal yang pagtibok ng puso mo. Oo, pagod lang ako.

"Hey Faye, are you okay?" tanong ulit sa akin ni Rio, hindi parin ako umaalis sa pagkakaupo ko sa sahig. Kinuha niya ang kamay ko at tinulungan niya akong tumayo. Halos nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay. Bigla naman nagflash sa utak ko ang sinabi sa akin ni Ate. Know your limits.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon