Rio Pov.
"Rio, nagugutom na ako." reklamo ni Faye sa akin habang pauwi na kami sa unit ni Elise.
"Heto talaga, palaging gutom." pang aasar ko sa kanya.
"So? Masungit niyang sabi. Ang sarap kayang kumain no. Food is love." sambit niya.
'But I'm your love."
Bigla naman pumula ang mukha niya. At hindi siya umimik, gustong gusto ko talaga namumula ang mukha niya.
Nagdrive thru nalang kami at binilhan narin namin ng pagkain si Elise.
Nang makauwi kami ay kaagad kaming sinalubong ni Elise.
"Kumusta ang pamamasyal niyo?"
"Masaya." sambit ni Faye habang pinapapak ang large fries.
Tumango tango naman si Elise. Kinuha naman ni Elise ang mga pagkain na dala ko at iniwan kami ni Faye sa sala.
"Pahingi ng fries."
"Ayoko nga." mabilis na sabi ni Faye.
"Ang damot nito."
"Talaga."
Hindi nalang ako umimik, baka kapag nagsalita pa ako maging instant monster pa itong si Faye.
-
"Saan tayo pupunta Rio? Bakit kailangan mo pa akong kaladkarin?" inis na sabi ni Faye.
"Basta."
"Basta daw, pero for sure kalokohan lang nyan iniisip mo no!" inis niyang sabi.
"Hindi no." sambit ko sa kanya, pero ayaw niyang maniwala sa akin.
Kagabi kasi, nakwento sa akin ni Elise na maganda raw puntahan ang Irkutsk at ngayon doon kami pupunta ni Faye.
Ilang minuto rin ang byahe namin ni Faye ng makarating kami sa Irkutsk.
"Jusko Rio, ang ganda dito." mabilis niyang sabi at tumakbo papunta sa ilang gusali sa lugar. Kinuha ko ang DSLR ko and I took a picture.
"Faye!" mabilis kong tawag sa kanya at nilitrato ko siya.
"Ano ba yan!" sigaw niya at lumapit sa akin upang tignan ang kinuhanan kong picture. "Lakas ko naman maka fierce diyan."
"Okay lang yan ang ganda mo naman."
"Nako Rio, wala akong piso eh." sambit niya.
Hinalikan ko nalang siyang mabilis sa pisngi at namula naman siya bigla.
"Oh bakit ka namumula diyan?" tanong ko sa kanya.
"Kainis ka." sambit niya at sinikmuraan ako. Muntik pang nahulog ang dslr na hawak ko dahil sa ginawa niya.
Mas nag eenjoy ako ngayon sa buhay ko, na kasama si Faye.
"Rio, nagugutom na ako." parang batang sabi sa akin ni Faye.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Novela JuvenilSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...