Faye Pov.
Napagising nalang ako ng wala na si Ate Farrah sa tabi ko, ang aga naman niyang umalis. Tumayo ako sa kama at napahikab. May nakapa ako sa bandang noo, merong sticky note na nakalagay galing kay Ate Farrah. Binasa ko ito.
Sissy, I already cooked you a breakfast just ate it ok? And Rio will be there today, because he want's you to tour you here in Madrid. Enjoy sissy. P.S Wag mong aawayin si Rio ah? Magpakabait ka.
I just crumpled the paper and throw it in the trash bin. Why did Ate do that? Okay lang naman sa akin na wag umalis sa bahay ngayon eh. Wala pa naman akong tiwala kay Rio. Letse!
Gusto kong tawagan si Ate na huwag na niyang papuntahin si Rio dito, i dadial ko palang sana ang number niya may may biglang nagdoorbell. Oh no, andito na si Rio. Utang na loob naman oh, nakasama ko na siya kahapon eh.
Paulit ulit na tumunog ang doorbell. Tang ina naman oh. Ang kulit naman nito, pagbubuksan ko naman siya ng pinto ah.
"Pwede ba wag ka ngan mag ingay diyan. Tsaka maawa ka sa doorbell ni ate, may balak kapa yatang siraan yan eh." Inis kong sabi sa kanya.
"Ang aga aga nakasimangot kana nga" pang aasar niya sa akin.
"Shut up Rio!"
"Ang sweet mo talaga no Faye" sarcastic niyang sabe. "Bakit kasi hindi mo nalang kaya ako papasukin?"
Pinaglakihan ko siya ng mata. "Dito po pumasok po kayo" inis kong sabi sa kanya.
Pumasok naman siya bigla at may pasipol sipol pang nalalaman. Kapal talaga ng lalaking ito no? Sarao niyang pektusan.
Nagtungo ako ng dining area upang kumain ng almusal. Napatingin ako sa orasan 9:30 am na pala. Kumuha ako ng fresh milk sa ref upang ilagay sa lamesa. Tinignan ko ang mga niluto ni ate, napakadami naman nito. May egg, hotdogs, pancakes at muffin. Hindi ko naman mauubos to ah.
Kumuha ako ng dalawang plato at dalawang pares ng spoon and fork. Yayayain ko nalang kumain si Rio.
Pinuntahan ko siya sa sala na busying busy sa panonood ng pokemon. Adik talaga ito kay pikachu.
"Mahal na haring Rio, kumain na ho tayo ng almusal" sarcastic kong sabi sa kanya. Napalingon naman siya sa akin bigla sabay na ngumisi.
"Isa pa nga ulit" utos niya sa akin
"Na ano?!"
"Yung pagtawag mo sa akin"
"Asa kapa. Hindi ako uto uto no." inirapan ko siya. Bigla naman siyang tumayo at nilapitan ako.
"Eto naman, chill ka lang. Tara na nga at kumain na tayo" sabay na pag akbay bigla sa akin. Siniko ko naman siya bigla. "Why did you do that?!"
"Don't touch me." pagtataray ko sa kanya at nagtungo na ako sa dining area para kumain.
----Habang kumakain kami biglang nagsalita si Rio.
"Ate Farrah told me that you want to visit Barcelona"
"Yes, but we don't have enough time" sagot ko sa kanya. Tumango tango naman siya. "You, what are you doing here?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Ate Farrah want's me to tour you here in Madrid because there alots of places here that you haven't visited yet."
"Ahhhh..."
Hindi na muling nagsalita si Rio at kumain nalang muli siya. So it means buong araw ko siyang makakasama ngayon.
Pagkatapos kong kumain nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Takte bakit kasi late ako gumising eh. Tulog mantika ka talaga Faye Mariano!
BINABASA MO ANG
Be Mine
Teen FictionSa hindi inaasahang pag kakataon, bigla ka nalang makakatagpo ng isang tao na kagaya mong sawi sa pag ibig. Nakaka ewan mang isipin pero may pagkakataon talaga na ang puso mo na ang kailangan mag dikta para sa kaligayahan na inahangad mo. Ang kaso n...