Chapter 35

409 13 0
                                    

AFTER THREE YEARS

Faye Pov.

Sa loob ng tatlong taon namin ni Rio, mabibilang lang sa kamay kung ilang beses kaming nagcelebrate ng monthsarry na magkasama kami. Tuwing sembreak at Christmas break siya na ang bumibisita sa akin dito sa pilipinas, dahil hindi ko naman maiwan ang trabaho ko dito.

I am now a licensed teacher, at pati rin si Kim ay isa naring teacher.

Hanggang ngayon ay sila parin ni Harrison at guest what engage na  sila. Sa December narin ang kasal nilang dalawa. Syempre ako ang bridesmaid ni Kim.

"Teacher Faye, I am done with my work." sambit sa akin ng student ko na si Cassy.

I am a preparatory teacher in Saint Catherine School. Pagmamay ari ito nila Harrison, dito kami ngayon nagtuturo ni Kim.

"Very good Cassy." nakangiti kong sambit kay Cassy at kinuha ang kanyang papel.

Nag eenjoy ako sa trabaho ko as a preparatory teacher at kahit na mahirap dahil mga bata lang sila.  

Ilang oras pa ang klase ko at pinadismiss ko na rin ang mga bata, halos nasa labas ng room ang kanilang mga sundo most of them, sinusundo sila ng kanilang mga yaya dahil nasa trabaho ang kanilang mga magulang.

"Best, halika nat kumain na tayo ng lunch." nakangiting sambit sa akin ni Kim ng pumasok siya sa classroom ko.

"Sige." mabilis kong sambit sa kanya at kinuha ang shoulder bag ko.

Kaagad kong nilock ang classroom ko, morning shift lang ang schedule namin ni Kim sa school dahil ang mga preparatory ay umaga lang.

Kaagad kaming nagtungo sa isang fast food na malapit sa school.

"Kelan ang uwi ni Rio niyan?" tanong sa akin ni Kim habang umiinom ng juice.

"Hindi ko pa alam, busy pa siya ngayon." sambit ko.

Tumango tango naman siya, at ilang sandali lang ay dumating si Harrison.

"Babe, I already talked to the wedding planner." sambit ni Harrison.

"Ow, really?" masayang sambit ni Kim, nakikinig lang ako sa usapan nila.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay nauna na akong umuwi sa kanila. Dahil aasikasuhin pa nila ang kanilang nalalapit na wedding.

Hindi narin ako nag stay sa bahay ngayon, dahil gusto ko rin maging isang independent person like my ate, noong una ayaw pumayag ni Mama pero sa huli napapayag ko rin sya.

Nang bubuksan ko ang pinto ng condo ko ay nagulat ako dahil hindi iyon nakalock.

What the hell!

Kinakabahan akong pumasok sa condo ko, sana naman hindi ako nanakawan. Langya naman oh! 

Kaagad akong nagtungo sa sala, pero laking gulat ko ng nakasabit parin sa dingding ang flat screen t.v ko at ang aking laptop ay nasa glass table ko parin. 

Napahinga naman ako ng malalim.

Pero laking gulat ko ng may narinig akong kaluskos galing sa kusina.

Ano ba yan? August palang ngayon? At hindi pa October pero bakit minumulto na ako dito? Shit naman.

Kahit na natatakot ako, ay hindi parin ako nag atubili na tignan ang kaluskos sa kusina. Dahan dahan akong maglakad, at kinuha ko rin ang walis tambo sa side at hinawak ko yun.

May nakita akong isang lalake na umiinom ng gatas sa may dining table.

Abay ayos naman itong magnanakaw na to? Husay! Bago man lang magnakaw gusto munang uminon ng gatas. Grabe naman.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon