Mga alas nuwebe ng umaga ng Linggo, nung dineliver ang gas stove. Excited kami pareho na masubukan ang premyo na nakuha namin sa "All for Pre". Hindi na namin pinag-usapan yung tungkol sa kiss sa noo incident. Gusto kong isipin na wala lang yun kasi hinalikan din naman nya sina Amor at Claudia sa noo bilang pasasalamat sa laki ng discount na binigay nila. Ayoko nang mag over think.
Nagpunta kami ni Shima sa Palengke. Tinuruan ko sya kung paano tumawad para kumasya ang dala naming pera. Tinanong ko sya kung anong isda yung kinakain nya at kung may allergy sya, sabi naman nya wala. Bumili ako ng bangus mga dalawang kilo( pang daing para hindi mabulok), kamatis itlog na pula, sibuyas , ilang gulay at iba pang mga rekado na hindi ko binili sa "all for Pre". Malaki na naman ang discount ang nakuha namin kasi nagawa na nya ng tama yung itinuro ko sa kanya na pagtawad. Pero hindi barubal ang pagtawad namin, yung tama lang.
Pagkarating namin ay nag-igib kami ng tubig gamit ang balagwit. Medyo masakit pa yung likod ko pero kinaya ko kahit mahaba-haba din ang lakaran mula poso hanggang sa BB. Kailangan naming mapuno ang dalawang drum.
Unang trip, ok pa ako, kayang kaya. Pero nung pangalawang trip medyo sumakit na likod ko. Pinilit ko na lang nakarating sa BB sa tulong ni Shima.
Si Shima ang nagtuloy ng pag-iigib. Anglakas nya. Mabilis nyang napuno ang dalawang drum pero parang hindi man lang sya pinagpawisan."What did you do?".
Pasimple na nagflex ng biceps si Shima habang sa kanyang gesture at facial expression e pakunwari na hindi nya alam. Awkward !!! walk out at pasok sa BB. Narinig ko na natatawa sya.
Nung may tubig na kami, tinuruan ko si Shima si magsaing. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala mahilig sa prito si Shima, kaya sa halip na iprito ang bangus, inihaw ko na lang. habang nagluluto ako ay nagpaalam si Shima na maglilibot sya sa loob ng compound. Hinayaan ko lang sya.
Matatapos na akong magluto nang bumalik si Shima na pawisan. Tinanong ko sya kung anong ginawa nya sabi nya nothing. He's just doing his morning rituals daw. Rituals, hmmm? Ano naman yun.
Pinagpalit ko sya ng sando, tapos ay pinaghugas ko sya ng kamay. Pati tamang paghuhugas ng kamay ay itinuro ko sa kanya. Naninigurado lang. Bawal magkasakit.
Nagsimula na kaming kumain. Ang tanghalian namin ay inihaw na daing, itlog na pula na may sibuyas,kamatis at inihaw na talong at kanin na medyo malate para machopstick nya. Nagtimpla din ako ng ice tea kasi mainit.
Para siguradong hindi matinik si Shima, ay pinaghimay ko sya.
" Next time, you'll do this on your own.", habang pinaghihimay sya ng bangus. " I don't want you to choke because of this.", habaang pinapakita ko kay Shima ang mga tinik na nakuha ko sa isda.
"I'm good. I can do that on my own.", kinuha na nya ang isda na hinihimay ko sa kanya. "Now, you eat...", flash ng ngiti na pang toothpaste commercial.
Napansin ko na gamit ang chopstick na gawa ko, kaya nya ngang magtanggal ng tinik sa bangus. Hinayaan ko sya na kumain habang paminsan minsan syang sumusulyap para ngumiti. Angdami nyang nakain. Nasarapan sya sa luto ko. Napapangiti ako. Kasi parang nasasanay na ako na may kasama dito.
Educational ang araw na'to sa kanya. Tinuruan ko sya na maglaba.Wala syang reklamo. Unang kusot nya...Krrrrr...wasak yung damit ko. Nanlaki nalang ang mata ko. Sumilip pa sya sa butas na nagawa nya."Anung ginawa mo",pasigaw kong sinabi habang naglalakad ako papalapit.
"I'm sorry.", Habang hindi maintindihan ni Shimakung paano ipipinta ang mukha."But you still use this?"
"Gentle only kasi", Sabay kuha ang damit na luma."My nanay gave this to me."
"I'm sorry."Tuluyan ng lumungkot ang mukha ni Shima. Ano ba naman yan. Sya na nga yung nakasira ng damit pero bakit parang ako pa yung nakukunsensya na pinagalitan ko sya.
Nilapitan ko sya." here I'll teach you", habang hawak ko ang kamay ni Shima. Naramdaman ko na magaspang ang mga kamay ni Shima, halatang sanay sa hirap. Kaya siguro napunit yung damit, masyadong mapuwersa ang pagkusot nito. Binitawan ko ang kamay ni Shima at ibinaling ko ulit ang focus ko sa pagtuturo.
Umupo kami sa harap ng batya na may sabon. Ipinakita ko sa kanya yung tamang pagkusot.
" When we do our laundry, we put sakto lang ... I mean", shit naubusan na ako ng English. "yung enough lang of force." , wheh! Nailusot.
" If you put too much , the clothes will break", habang pinapakita ang napunit na damit. " But if you put too little, the dirt ,like this, won't get removed. " habang pinapakita ko and mantsa na hindi natanggal sa damit. Focused sa pakikinig si Shima at salitan syang tumitingin sa mga kamay ko at sa mukha ko.
"It should be just enough, like this".
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...