Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Ano ba to? Parang tanga lang. Daming confict ng araw na ito. Ano? Mag eend ang araw na ito na may cliff hanger para abangan bukas.
Kahit wala na ang kotse na sinasakyan ni Shima, nakatingin pa rin ako sa daan. Bakit ganun? Hindi ba pwede na good vibes lang? Pero naaalala ko yung sinabi ni Shima. Nangako sya na aayusin nya muna lahat. Ipinilit ko yun sa kanya, at alam kong gagawin nya kung ano ang dapat. Alam kong meron syang dahilan...
" Bakit umalis bigla si Shima, may problema ba? ", tanong ni Owen na hindi ko namalayan na sinundan pala nya ako.
Naalala ko bigla ang usapan nina Owen at Shima. Alam ko na kung sasabihin ko ang totoo, magagalit si Owen kay Shima dahil mag-aalala ito sa akin. Kaya kailangang kong gumawa ng alibi.
" Emergency ata.", Shit kailangang convincing kung hindi mahuhuli ako ni Owen. " Hindi naman aalis yun kung hindi importante...", dagdag ko habang inoobserbahan si Owen. " Intayin na lang nating syang bumalik para magpaliwanag."
Yes!!! Pakiramdam ko naman ay lumusot ang sinabi. HOOOh!
" Tara na balik na tayo.", agad kong yaya kay Owen pabalik sa venue para hindi na ito magtanong pa.
Ininjoy ng lahat ang gabi. Kahit ako ay inisip ko na lang na wala yun. Sa ilang buwan na magkasama kami ni Shima. Hindi naman sya nagsinungaling. Oo nga at madami syang lihim pero yun ay mga sikreto na naghihintay pa ng tamang oras at pagkakataon para ipagtapat nya sa akin. Kahit naman ako ay may mga lihim din, lihim na hindi ko pa rin handang ikwento kaya patas lang.
@@@@@@@
Kinabukasan ay masakit ang ulo ko na naman. Hindi dahil madami akong nainom, ung hindi sumusumpong na naman yung sakit ko. Agad akong uminom ng gamot.
Habang nilalagok ko ang tubig sa baso, napansin ko ang balai bus. Mukhang malungkot. Siguro nasanay na talaga ako na may kasama dito. Kulang na ang pakiramdam ng BB kapag wala si Shima.
Napatingin ako sa nakabalunbon na foam ni Shima. Naalala ko agad ang gabi na hinigaan nya ang bed na ito nung una ko sya nakita. Napapatawa ako bigla.
"Akushu...", sambit ko habang inaalala yung unang hapon na salita na narinig ko sa kanya.
Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya pumunta ako sa mga stack namin ng pagkain, at nakita ko na puno ang box. Naggrocery siguro si Shima nang hindi ko alam. Nagflash back ulit sa akin yung ala-ala namin sa "All for Pre", yung kung paano nya napanalunan ang stove, yung pabonggahan nina Amor at Claudia sa damit habang dinedenggoy ko sila sa discount at yung kiss sa noo na naging simula ng lahat. Muli akong napangiti habang iniluluto ang paborito nyang noodles, Tokyo ramen.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong niligpit ang pinagkainan. Kailangan ko na magmadali kasi tiyak mainit na naman ako kina Gerard lalo pa't nakakulong ang bestfriend nya dahil sa ginawa nila sa amin.
Naglakad ako sa drawer para kumuha ng damit at dun ko lang napagmasdan ng inayos na pala ito ni Shima. Drawer pala nya ang binuksan ko at puro underwear ang nakalagay.
Naughty smile ako ng bahagya lalo pa't naalala ko yung nakakahiya na sitwasyon na tumumba ako at bumagsak sa sahig habang ang ulo ko ay nasa pagitan ng kanyang mga paa. Yun ang unang pagkakataon na nasabi ko yung salitang mount Everest dahil sa umbok nya. Then, bigla kong ginising ang sarili sa pagdadaydream.
"Hay!Rodney, focus, may pasok ka pa...", agad kong kambyo sa utak ko kasi masyado na akong naliligayahan sa mga ala-ala namin ni Shima dito sa BB.
Mabilis akong nakapagprepare para pumasok. Mga 6 am palang ay nandoon na ako sa school. Kahit puro band aid ang mukha ko, wala na akong pakialam. Ang mga pasa sa mukha ko ang patunay na hindi na ako papatapak. Kaya kong lumaban.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...