CHAPTER VIII: MISS-ING

2.1K 78 1
                                    


"Yes, I know him...", Sagot ni Shima sa tanong ko without looking.
Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi ni SHima. Bigla akong natahimik. Tumatakbo sa isip ko, na pagtutulungan nila ako kapag pinagkita ko na ang dalawa.
"But his not the Gerald that I'm looking for.", dugsong ni SHima sa nauna nyang sinabi sabay tingin sa akin.
"Ano? A...anong ibig mong sabihin.", habang parang nabunutan ng tinik ang expression ko sa mukha ko.
Magsasalita pa sana si Shima ng Lumapit si Owen at sumingit sa pagitan naming dalawa. Agad umakbay sa akin si Owen... nakatingin lang sa akin si Shima. Nawala ang ngiti nito at parang lalong sumingkit ang mga mata nito.
" Ano nang balita sa Carwash ko?", hirit ni Owen na pabiro pero halatang naiinip na. Lilingon si Owen kay Shima," Oh, Brader... ikaw na lang ang magcarwash, Ok lang ba? Bigyan kita malaking tip", sabay expressive play ng kanyang kilay.
"AH nice!!! Malaking tip po ba. Ok lang po , Sir...", sabay ngiti. Then, lumipat si Shima sa kanang side ko, hinawakan ako sa kamay at hinila papalayo , dahilan para matanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Owen.
"Uy...", yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ako makawala sa pagkakahawak ni Shima.
"Kups ... Ibalik mo si Rodney dito.", habang kita ko na naiinis si Owen sa ginawa ni Shima.
"Excuse sir... aayusin lang po namin ni Rodney yung solution.", habang derederetsong naglalakad si Shima at hinahatak ako.
Napakamot na lang si Owen ng ulo pero para hindi ito mabugnot ay sinenyasan ko na mamaya na lang kami mag-usap.
Ayaw akong bitawan ni Shima. Para akong preso sa pagkakahawak nya sa braso ko at sobrang lakas nya kaya nagagawa nya akong hatakin. Nakita ko si Shima na nagnakaw ng tingin kay Owen tapos balik tingin sa akin sabay ngisi.
" Tip, Hmp... Is he really your best friend... Ang yabang!", sabi ni Shima na halatang na bad vibes kay Owen.
"Quits lang kayo.", sagot ko na nang-aasar."Pareho lang kayo."
Titigil si Shima sa paghatak sa akin at pagkatapos ay sisilipin nito si Owen." But I'm handsomely mayabang."
"Weh", sagot ko with disgust.
Ano ba ang problema ng dalawang ito, simpleng patutsada sa isa't isa. Ano ba ng pinag-aagawan nila... Ako? Wow ganun ako kaimportante.
Nagpatuloy si Shima sa pagbiyabit sa akin. Dinala ako ni Shima sa stockroom. Inabutan namin sa loob si Aldrin na kakatapos pa lang mag carwash ng isang kotse. Saka nya ako binitawan. Para bang may naalala itong si Shima kaya bigla na lang ngingisi-ngisi ito sa akin. Hala, Nabaliw na ang hapon...
"Aldrin, Diba gusto mung magka extra pang date", sabi ni Shima na para bang inosenteng tanong lang.
"Oo , kaso inutusan ako ni Mang luis na ideposit ang kita ngayong araw . Samahan mo daw ako.", habang nagpapalit na ng damit si Aldrin.
"Wag ka munang magbihis", sabay kuha ng t shirt na dapat sana ay isusuot nya. " Kami na ni Rodney ang gagawa nyan. Ikaw na ang magcarwash dun sa may-ari ng Hammer." Ilalapit ni Shima ang labi nito sa tenga ni Aldrin. " He seems like he can afford to give a big tip...", habang pabulong nya itong sinabi kay Aldrin na para bang ineengganyo si Shima."
"Ting! Your wish is my command", habang parang my peso sign sa mga mata ni Aldrin. Agad itong nagpalit ng carwash uniform at parang nasilihan ang puwet nito sa sobrang pagmamadali at mukhang ganado magtrabaho.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Basta",sabay hawak na naman ni Shima sa kamay ko at hinatak naman ako sa office ni Mang Luis. Wala akong magawa. Parang wala akong panama sa lakas ng taong ito na ang higpit ng pagkakahawak sa amin.
Kinausap ni Shima si Mang luis para kumbinsihin na kami na lang ang magdeposit. Lilitanyahan sana ako ni Mang Luis dahil sa late ko pero kumambyo si Shima at sinabi na baka magsara na ang bangko kapag pinagalitan pa ako. Napailing na lang si Mang Luis sabay lapit sa kanyang table.
"Pasalamat ka at mabait itong kasama mo...", bulalas ni Mang Luis na halatang nagpipigil. Ako naman ay tahimik lang at nakatungo.
" Rodney!", pagalit na boses ni Mang Luis.
"PO?!", kabado kong sagot kay Mang Luis. Akala ko ay sasabihin nya na babawasan nya ang sahod ko...pero pag tunghay ko ay nakita ko ang susi ng motor na naka slowmoat papalapit na sa mukha ko hanggang sa kadugs, asintado si Mang Luis, tama sa mukha ko .
"Bakit hindi mo sinalo?", habang pagalit pa rin kung magsalita si Mang Luis.
"Hindi naman kasi ako sinabihan... Hindi po tuloy ako handa". Sagot ko
Napahawak ako sa noo ko dahil malakas ang pagkakabato ng susi sa mukha ko. Nalito ako kung bakit. nakita ko na natawa si Shima. Palihim ko na nag fist sign ako kay Shima. Agad naman nyang pinigil ang pagtawa.
Hindi ako kumibo at tiningnan ko ulit si Mang Luis na para bang clueless.
"O! Bakit nakatanga ka pa?", habang halatang irita si Mang Luis," Umalis na kayo at gamitin nyo yang motor para mabilis...".
" AY, Opo, Opo!!!", habang nagpapanick na ako.
" aba! Kilos!!!", sigaw ni Mang Luis.
Agad kong kinuha yung susi at natatarantang lumabas.. Sumunod naman si Shima na parang relax lang. Ibang klase si Shima. Gusto na rin sya ng isa pang may—ari. Lahat na lang gusto sya. Ay hindi pa pala lahat... hindi ko pa sya gusto. Mabait lang talaga ako.
Sumilip ako sa labas, at nakita kong nag-iintay si Owen at nakatingin sa kanyang cellphone at naisip ko na dahil wala ng oras ay itetext ko sya gamit ang cellphone na ipinahiram nya. Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko at nakita na may mga messages. Kaso hindi ko mabuksan. Ang laki kong tanga. May password yung Phone. Hindi ko magamit. GRRR...
The next thing I Know, nasa likod ko na naman si SHima na soot na ang helmet at nakita nya yung cellphone na narinig nyang binanggit ni Owen. Akala ko ay tatanungin pa nya ako pero hindi nya ginawa. Nakatingin ako sa kanya sa kung anong magiging reaction nito pero nginiti lang sya sa akin.
"Masakit pa ba yung noo mo", sabay hihip sa namumula kong noo.
Awkward, naamoy ko ang hininga nya. Amoy menthol. Pakiramdam ko papalapit na ng papalapit ang labi nya sa noo ko.
"Ay teka",habang natulak ko ng bahagya si Shima.
Natawa lang si shima. Hinawakan nya ako sa ulo at ginulo nya ang buhok ko.
"Let's go , I'll drive mabilis. ", habang isinusuot ni Shima ang helmet sa akin at hinila nya ako sa motor.
Nagulat ako bigla sa ginawa ni Shima. Ipinasok nya ang kamay nya sa bulsa ko.
"Uy", apila ko.
"Yung susi... ako na ang magdrive",habang pilit kinakapa ni Shima ang susi sa loob ng bulsa ko.
Bigla akong parang nakuryente. Sa sobrang shock ko, tanging panlalaki ng mata ang nagawa ko. May iba akong naramdaman. Ang tagal na oras na nakababad ang kamay nya sa bulsa ko dahil napakalalim ng pocket ng suot kong short tapos medyo masikip pa dahil maong. Bumibilis ang dibdib ko. Pinagpapawisan ako ng malapot.
At may parang nabuhay. Uy hindi pwede!!! Shima! Tanggalin mo na yang kamay mo sa bulsa ko baka iba mabunot mo!!! Bigla kong hinawakan ang gitnang part ng short ko kasi gumising na nga.
Pagbunot nya sa bulsa ko ay hawak na nya ang susi. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Nanginig ang tuhod ko bigla. Sumakay si Shima na ngingisi-ngisi sa akin. Gulat ako na marunong palang magmotor si Shima pero mas nagulat ako sa ginawa nya kaya nagising ang itak ng katipunan.
"Why", inosenteng tanong ni Shima sabay sakay sa motor.
"Wala", sagot ko kahit sa isip ko minumura ko sya...
"Sumakay ka na..." habang pinupunasan ang uupuan ko na may halong pang-aasar. "Bilis baka abutan ka pa ni Mr.",habang minamadali ako ni Shima.
" Sandali nga, pwede!", Habang tinatakpan ko ang bumubukol sa short ko.
Kailangan ko pa sana ng konting time pa na bumaba ang tama ko kaso nakita ko na lalabas na si Mang Luis sa office nya. Natakot ako. Kahit nakatayo pa ang itak ng kagitingan , bigla akong sumalampak sa motor kahit dumidikit kay SHima.
Nagulat din si Shima dahil nararamdaman nya yung umbok ko sa likod na. Lumingon sya sa akin at nangingiti. Napipikon ako.
"Wag ka nang magtanong... Tara na...", sagot ko habang naasar sa expression ni Shima. Sa loob loob ko, hiyang hiya ako kaso wala ng choice.
Habang papalabas kami ni Shima sa carwash ay agad kong itinaas ang shield ng helmet para kausapin si Owen.
"Owen, sorry... Next time na lang tayo Kita", habang tumatakbo ang motor.Hindi ko na narinig ang sagot nya kasi humarurot na ang motor.
Hindi ako nagsasalita habang nakaangkas ako sa motor. Mag ilang minute din na nakabukol yun sa likod ni Shima bago ito huminahon. Shit!!! Biglang nawala ang isip ko dun nang makita ko na sampung minute na lang at 5 pm nab aka hindi kami umabot sa branch ng BDO.
"SHima, I'm dead! We won't make it", sabi ko kay Shima na halatang kabado.
"Relax ka lang... Let me do Magic".Bigla na lang humarurot ang motor ng sobrang bilis. Triple pa sa bilis na kaya ko.
Marunong akong magmotor kasi tinuruan ako ni Mang Nato para maging runner ng kita ng Carwash. Mabilis akong magpatakbo pero di hamak na mas mabilis na magpatakbo si Shima. Sa Sobrang bilis ay napayakap ako sa kanya.
Buti na lang walang pulis na rumuronda kasi kung meron ay huli kami. Buti na lang din at wala kasi dahil sa sobrang bilis ay umabot kami. Syempre, hero of the day na naman si Shima kasi dahil Sa galing nyang magpaka inusente kaya mabilis kaming naasikaso. Kung alam lang nila, pasimpleng manyak yan!!! Pati ba naman ako pinapatos. Wag ako uy!!!
Nang bumalik na kami sa carwash ay wala na si Owen. Nagsasarado na rin ng shop ang mga car wash boys.
Habang ginagarahe ni Shima ang motor ay lumapit sa akin si Aldrin.
"Galante nga kung mag tip yung kaibigan mo. Cota agad ako sa pangdate ko", habang masayang binibilang ni Aldrin ang kanyang kinita. "Nga pala , may pinaaabot nya ito."
Ibinigay sa akin ni Aldrin ang isang pirasong papel na nakatupi . Malamang sulat ito. Agad ko itong binuksan.
"Labo, ngayon ko lang naalala na may password yung phone. Hehehe, ito ang password 12010215. Pag nabuksan mo na ay I text mo ako agad... Tuko."
Pagkabasa ko sa sulat ay agad akong pumunta sa locker para kunin ang gamit ko. Sumilip muna ako sa locker. Baka kasi nandoon pa yung masungit naming boss. Nung nasigurado kong wala ay saka akong pumasok.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Shima na hawak ang phone.
"HOY", Sigaw habang naglalakad papalapit kay Shima." Bakit mo pinakekelaman yan!",dagdag ko sabay agaw ng cellphone.
"It was ringing kaya ko kinuha", don't worry hindi ko naman yan mabubuksan...", sagot ni Shima na walang halong guilt sa boses nito.

" Did he give this to you?"
"Hindi ... hindi no?!". defensive kong sagot." Pinahiram lang nya?", sabay silid ng cellphone sa bulsa.
" I can buy you one, if you like?"
"Alam mo , sa halip na ibili mo ako ng cellphone. Ipunin mo na lang yung pera mo para makapagrenta ka ng mas maayos na matitirhan.", habang sinasabi ko ng may konting pagka sarcastic.
" A ok, sorry... ",habang napapansin ko ang biglang pagbabago ng expression sa mukha ni Shima.
"Tara na nga, umuwi na tayo.",sabay kuha ng bag at dere-deretso akong lumabas.
Mga 7 pm na nang makauwi kami. Tahimik lang si Shima sa buong biyahe namin pero hindi ko pinagtuunan ng pansin yun.
Nagluto muna ako habang si Shima naman ay umalis nang walang paalam. Hindi ko pa rin pinansin yun kasi baka may sumpong lang. Sobra na sya kasing mabait, kaya inisip ko na ito na ang topak nya.
Habang nagluluto ako ay naisipan kong tingnan yung cellphone. Binuksan ko ang cellphone at sinubukang kutingtingin. Nilagay ko ang password at boom! Napangiti ako sa bumungad sa akin na picture. Picture naming dalawa ni Owen nung bago sya umalis. Luma na ito, 12 palang kami noon. Nakakatuwa na hindi nya ako nakalimutan.
Agad kong binuksan ang mga messages nya para makapgreply.
"nabuksan ko na yung phone", send...
Wala pang ilang segundo ay nagring ang phone. Si Owen. Sinagot ko.
"Hello... O tuko."
"Madaya ka nilayasan mo ako."
"Syempre trabaho muna... ".
Mahabang oras din kaming nag-usap. Nakatapos na akong magluto pero babad pa rin ang tenga ko sa phone. Masisisi nyo ba ako. Matalik kong kaibigan si Owen kaya sinusulit ko na makausap sya.
Habang nag-uusap kami ni Owen ay parang nakaramdam ako ng pag-aalala. 9 pm na at lumamig na ang pagkain na niluto ko pero hindi pa rin umuuwi si Shima. Nagsimula na akong mawalan ng focus sa usapan namin ni Owen. Baba sa BB, aakyat ng BB, dudungaw sa bintana ng BB, pati pagtungtong sa bubong ng BB ginawa ko para I check kung saan sa tow away lot tumatambay si Shima pero hindi ko sya nakita.
Napaisip ako tuloy. Anong kinagagalit nun. Wala naman akong sinabi na masama.Nanahimik ako bigla sa kakaisip. Nawala na sa isip ko na nasa kabilang linya si Owen.
"hoy", panggigising ni Owen sa akin " bakit hindi ka na sumasagot...".
"Ay! Sorry ".
" Hindi ka naman nakikinig sa kinukuwento ko eh."
" Hindi nakikinig ako...".
" Weh, di nga.?"
"OO nga, nakikinig ako...teka Owen..."
"Ano yun?"
" Bukas na lang tayo magkwentuhan... may gagawin pa kasi ako."
"o sige... Bukas ulit Labo, goodnight."
"Goodnight."
"Pahabol ... ". Naging malambing bigla ang boses ni Owen,"Sobra kitang namiss. Miss na miss ... na miss."
"huh"
Binaba na ni Owen ang telepono. Okey lang na ma miss nya ako pero bakit ganun ang pagkakasabi nya. Awkward. Sobrang touchy ang tunog.
Anyway, tinanggal ko agad sa isip ko ang alaala ng pagka awkward ni Owen. Sumagi ulit sa isip ko si Shima. Bakit hindi pa sya umuuwi?
Hindi ako natahimik, kaya lumabas ako ng BB para hanapin sya sa compound. Nahalughog ko na ang bawat sulok pero wala. Napipikon na ako Shima! Nagugutom na rin ako...
"Kung ayaw mong umuwi, bahala ka nga!", sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako pabalik sa bb.
Gutom na ako kaya wala akong pakialam na ako lang mag-isa.
"Ayaw mong kumain ha! Bahala ka ! Pag-uwi mo, wala nang pagkain.", habang gigil na gigil ako sa pagsubo.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko agad ang pinagkainan. Badtrip pa rin ako. Lahat ng ginagawa ko lahat parang nagdadabog. Nagsisipilyo ako habang bulong ng bulong. Naghuhugas ng pinggan habang dinadabog ang mga pinggan. Hampas ako ng hampas sa lamesa gamit ang mga libro ko sa sobrang panggigil.
Dahil hindi makapag-aral ay nahiga na lang ako. Pinagpatong ko ang dalawang foam para mas makapal ang aking hihigan.
"Ayaw mong umuwi, Ok lang. At least mas malambot ang hihigan ko!!!", habang dinadama ko ang aking pagkakahiga.
Pinilit ko ang aking mata.
" Bahala ka sa buhay mo ... Hindi ako nag-aalala!!!", habang may ngiti akong nakahiga.
Ilang segundo din nagrelax ako sa malambot na kama pero sa loob ko, balisa ako. Imunulat ko ang aking mata sabay sigaw," Haaah!!!.".
Hindi ko na natiis , bumangon ako bigla at nagmamadaling lumabas ng BB.
" Lintik ka Shima... pag may mangyari sayong masama... mas sasamain ka sa akin... Pinag-aalala mo ako , hayop ka..."

To be continued.

DRIVE ME CRAZY (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon