CHAPTER XVII: DESPERATE MOVE

1.6K 57 4
                                    

" So, ano na ang sagot mo? Ano ba talaga ang connection nyo ni Shima?", mapilit na tanong ni Owen habang mala imbestigador na titig nya sa akin.

Na hohot seat ako hindi ko alam kung anong isasagot ko. Malalaking butyl na ng pawis ang biglang lumabas sa mukha ko. Halatang tense ako. Paulit-ulit ang tanong. Parang nakakarindi at wala na akong choice kung hindi ang sumagot.

"Oo na, Oo na!!! mahal ko na. Hindi ko alam pero mahal ko na sya.", sagot ko na hiyang hiya.

Walang ano-ano ay biglang may humawak sa mga kamay ko galing sa likod at hinatak ako . Hindi ko alam kung saan galing pero mula sa pagtatago ay biglang nasa harapan ko si Gerard.

"Nice, alam ko na kung ano ang next scandal mo... Bayot", habang hinuhubaran ako ng mga drifter squad nya at ipinapahiya. Nakatingin lang si Owen at walang ginagawa. Biglang

Napaiktad ako at napabangon. Basang-basa ng pawis. Shit! Buti na lang at panaginip lang.

Ang totoo, pagkatanong ni Owen sa akin tungkol sa kung ano ang mayroon sa pagitan namin ni Shima, hindi ako sumagot. Hindi rin naman nya ako pinilit. Naalala ko pa nga ang sinabi ni Owen.

" Hindi kita pipilitin na sumagot ngayon. Pero sana pag handa ka na, hindi ka matakot na sabihin sa akin. Dito lang ako lagi."

Pagkatapos nun ay inihatid na nya ako sa Balai bus. Sobrang pagod ako kaya diretso nako sa higaan at mabilis na nakatulog.

Napabungtong hininga na lang ako at bumangon. Normally pag nananaginip ako, gigisingin ako ni Shima. Pero wala si Shima dito sa Balai Bus. Mag-isa lang ako.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig. Uminom para mahimasmasan.May naalala. Biglang natigilan. Nasamid at naibuga ang tubig sa bibig.

" Seryoso? Sinabi ko yun sa panaginip...Mahal ko si SHima?".

@@@@@@@@@@@@@@@@

Lunes, 6 na ng umaga. Nasa school na ako agad. Medyo magulo pa rin ang isip ko. So ngayon alam ko na feelings ko. Intindi ko na. Ngayon ko rin lang naiintindihan kung bakit masakit, kasi para akong pinaglaruan. Pinasakay lang para mahulog sa bangin tapos wala naman palang sasalo.

Anglakas maka Precious heart romance ng pakiramdam. Ang lakas maka babae? Alam ko sa girls lang nangyayari yung pinapaasa at pinaglalaruan ng mga lalaki. Kaso lalaki ako pero pinaasa din ako at napaglaruan. Mas masaklap pala, kasi ngayon dahil nagmahal ako ng isang lalaki, bakla na ako.

Sabi nila, the truth will set you free, pero bakit ang pakiramdam ko, lalo akong nagapos. Parang lalo akong sumadsad sa lupa. Iba pala pag puso ang nalamatan. Kaya kong tiisin ang lahat ng pahirap sa aking katawan, pero pag puso na, para akong naubusan nang dahilan para lumaban. Parang pakiramdam ko, talunan na ako agad.

Hay. Madami pa akong kailangang isipin. Unang una, yung problema ko sa school. Hindi ko alam kung makakapag-aral pa ako dahil kasado na ang pagsasapribado ng school. Pangalawa yung kundisyon ko, mas madalas na kung sumumpong ang sakit ko simula nang mangyari ang insidente sa mag-aaso. Pangatlo at pinakahuli, Kinausap nako ng school administrator at ng NGO kanina para sabihin na dahil inabolish na ang pork barrel ng mga politico, wala na silang pondo para pag-aralin ako at ito na ang huling taon ko sa college. Wow, kailangan ba talaga, sabay sabay... anak ng ... Yun na yun.

"Rodney, focus ka lang. Hindi na ito bago sa'yo ", paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili. Walang makakatulong sa akin kung hindi ang sarili ko.

Naitawid ko yung tatlong subject ko nang walang aberya. Sa totoo,matagal na akong hindi ginagambala nina Gerard at ng mga drift squad. Siguro, nakatulong yung pagtransfer ni Lexi sa ibang school. Sana hindi na nila ako mapansin. At Sana hindi rin senyales yung panaginip ko kasi wala ako sa kundisyon ngayon kayanin ang pamamahiya nila.

DRIVE ME CRAZY (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon