Hindi tumagal ang laban. Wala pang sampung minuto ay talo na mga alipores ni Alfonse. Dumating na din ang mga barangay kasama sina Amor at Claudia. Mukhang gang war ang itsura ng bodega ng matapos.
Agad na sinugod naman si Topher papunta sa ospital, kasama sa si Lexi. Kita ko kay Lexi na mahal nya talaga si Topher sa kabila ng mga pagkukulang ni Topher.Nagkahiwalay ang mga tao. Kasama ni SHima ang mga Aso kasama sina Karma, Aldrin , Jonas at ang mga malalaking aso na well behave samantalang kanina ay parang manlalapa ng mga tao.
Si Owen naman ay kasama ang mga kababata namin. May dala syang first aid kit para sa mga simpleng sugat.
Ako naman, ako ang nagbibigay ng statement. Kung ano ang nangyari. Natatawa ako sa itsura ni Alfonse dahil nung inilabas sya ay parang natuliro. Hindi sya makapaniwala na hindi umubra ang mga bayaran nyang tauhan samin kahit mas madami pa sila.
Habang hinahakot ang mga kupal para isakay sa patrol. Doon lang kami nagkausap ng mga kababata ko. Agad ko silang niyakap. Batian. Kamustahan dahil pitong taon din kami na hindi nagkita.
"Paano kayo nakarating dito?", masaya kong tanong sa Coolilit teens." Coolilit teens talaga? Buhayin ba mga ala-ala ng kabataan sa ataul.", sabay tawanan kaming lahat.
"Kami yung sinabi ni Owen na aasikasuhin nya.", sabi ni Emil habang binabalik ang arnis sa lalagyan nito.
" Planadong surprise reunion ito... as in dinayo ka talaga namin", sabat naman ni Mako.
"Sobra ka rin naming namiss , kasi ikaw yung tuluyang naglaho ni hindi mo man lang kami add. Kaya para makita ka , nagcancel ako ng photo Shoot. ", nanunumbat naman na salita ni Kram.
" Tigilan mo nga yan Boyfie, ", sabay hampas ni Angela kay Kram, " Ay sorry, naging kami ni Kram, isa yan sa hindi mo alam, But honest... Hai ... Kakaibang reunion pero we should thank Owen for this."
Natatawa ako sa kanila." Oo nga ang Coolilit Green ng mga ilang oras lang".
Agad na nagreact si Owen, " Oi, ako naman talaga si Coolilit Green, umalis lang ako for US kinalimutan nyo na agad na miyembro ako."
"Sus, Miyembro... Nung mga bata tayo ayaw naming talaga sayo. Salbahe ka kasi noon.". bara ni Mako kay Owen.
Hihirit pa sana si Emil, pero napigilan ko lang. Ayoko na kasi na paulit-ulit na sinusumbat ang kasalanan. Naka bayad na Si Owen sa mga kasalanan nya sa akin. Ayos nay un.
" O sya, Labo, May food treat kami sa Kakaibang bahay mo. Akalain mo , natupag mo yung dream mo na magkaroon na tamabayan ng bus.", sagot ni Kram.
Nanlaki ang mata ko. Bigla akong natahimik. Then, biglang txt message ang nareceive ko. Agad kong tiningnan ang message.
" Wala silang alam na doon ka nakatira talaga... Trust me, I got your back... Owen."
Para akong nabunutan ng tinik. Bigla akong bumalik sa normal. Ayoko na magpanggap, ayoko lang na bigyan sila ng dahilan para maawa sakin dahil ok ako. Ok na ako.
" SIge, Una na kayo doon... Susunod ako.", sabi ko sa kanila.
Kanya-kanyang sibat ang mga Coolilit Teens para pumunta sa BB. Hindi ko namalayan na nasa lIkod ko na si Shima. Kasama si Karma at ang mga iba pang aso.
Nabigla na lang ako ng may humawak sa mukha ko. Marahan na hinipan ni SHima ang mga sugat ko na nalapatan na ng First aide ni Owen.
" Masakit pa ba?", habang anglapit ng mukha ko kay Shima. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso naming dalawa. Pero alam ko ang limitasyon ko. Inialis ko ang kamay ni Shima sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...