CHAPTER XI: HOUSE VISIT

2K 79 4
                                    

Dalawang tandang ang tingin ko sa dalawang ito na kung magkatitigan sa isa't isa ay parang any moment ay magsasabong. Para lang akong tanga na palinga linga sa dalawa at nag-iintay kung may mangyayari na gulo. Sina Lexi, Topher, Aldrin at Jonas naman nakikita kong nagbubulungan. Para bang nagpupustahan sa kung sino ang manok nila.
" I get what I want", sabi ni Owen habang tumatapang ang mga mata nito.
" You can ... for as long as we are not sharing the same interest", sagot naman ni Shima habang tinatapatan ang angas ni Owen.
Bakit ba lagi akong nasa pagitan ng dalawang nag-uumpugan na bato. Tahimik ang lahat. Sabik ang lahat sa mga susunod pang mangyayari. Gulo ng ata ito. Aba hindi pwede...
Dahil napipikon ako sa dalawang ito, napailing na lang ako at naglakad sa pagitan ng dalawa.
" Sabihan nyo na lang ako kung sino ang ipapalibing ko sa dalawa , uwi nako.", habang tuloy tuloy akong naglalakad. Sinipulan ko si Karma," Tara na Karma...". Agad naman itong sumunod sa akin.
Sumakay ako ng tricycle kasama si Karma. Hindi na ko lumingon. Bahala na sila.
Wala akong alam kung nag-away pa sina Owen at Shima. Gusto ko lang umuwi. Pagkababa ko sa entrance gate ay agad kong binayaran ang tricycle. Pumasok ako sa compound kasama si Karma na halata kong tuwang tuwa sa bago nyang tirahan.
" Karma , dito kana titira. Napakaluwag ng lugar na ito para makapaglaro ka.", habang hinahaplos ang ulo nito.
Para akong tour guide ni Karma. Kahit masalit ang katawan, syempre kailangan ko syang ilibot sa buong compound para maging pamiliar sya. Tutok lang ako sab ago kong kapamilya. Si Shima , border lang sya para sa akin... hanggang doon lang.
Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas. Kahit 4 am na, nagawa ko pang linisin si karma dahil medyo mabaho ito. Pagkatapos ay nagawa ko pang makahanap ng hihigaan ni Karma mula sa lumang upuan ng isang kotse. Oo nga't nalamog na ang katawan ko sa mga nangyari kagabi pero sanay na kasi ako sa mga ganoong bagay. Hindi na bago.
Habang naghahanap ako ng pansasapin sa higaan ni Karma, nakita ko ulit yung Silver call card na nakita ko sa trunk kung saan ko natagpuan si Shima. kinuha ko ito at pinagmasdan. Umupo ako saglit habang nag-iisip. May kinontact naba si Shima sa kanila? Wala man lang sya nasasabi sa akin.
Agad akong tumayo at kinuha ang phone na pinahiram sa akin ni Owen. Sinubukan kong idial ang number sa card. Nagbabaka sakali na may makausap na may kaugnayan kay SHima. local call lang pala ito pero nung mapakinggan ko ang sinasabi ng prompt pero nakakadissappoint ang narinig ko. Kinoconnect ako nito sa isang talyer.
" ay , hindi ito siguro galing kay Shima... talyer daw eh." Sabi ko sa sarili ko.
Susunugin ko na sana yung card gamit ng posporo... mag papabaga kasi ako para makapamalantsa gamit ang pantsang di uling. Inilagay ko yung card sa loob ng plantsang di uling para makapagpaningas ng apoy at pagkatapos ay sinara. Wag na kayo magtaka kung bakit old school ang plantsa ko... diba nga, wala kaming kuryente.
Gusto kong pumasok mamaya sa school at sa trabaho. Sayang ang kikitain ko. Sayang din ang isang araw na absent sa school. Nakakalakad naman kasi ako ng maayos , masakit lang katawan ko kaya, kaya ko pa ring magtrabaho. Ika nga nila, kayang sagutin ng Flanax ang lahat ng sakit sa katawan.
Marami na akong nagawa ng dumating si SHima ... at si Owen, at SIlang lahat!!! Shit! Shit! SHIT!!! Bakit nya dinala ang mga ito sa BB?
"Naman oh!", habang napatakip ang kamay ko sa aking mukha." Bakit mo sila dinala dito?"
Masisisi nyo ba ako kung bakit ganito ang reaksyon ko. Si Mang Nato lang at si Shima ang mga tao na nakapasok sa BB. Kita ko ang pagkamangha nina Lexi, Topher, Aldrin, Jonas at Owen sa kakaiba kong tahanan.
" Hindi kasalanan ni SHima, Ako yung namilit...", sagot ni Owen habang ginagamitan ako ng puppy eyes.
" I'm sorry, but at least your best friend knows where you stay.", sabay gamit ni SHima ng cute eyes.
"Teka sandali, magkasundo na kayo?", gulat kong expression sa dalawa." Anong meron?", habang halata sa mukha ko na may pagdududa.
Nakita kong ng fist bump yung dalawa at nag-akbay. Gulat ako sa pinapakita ng dalawa.
"Owen and I , well, we just need to talk about things, right?"
"Yup, brader", sagot ni Owen with matching kindat sa akin.
"Wag mo nang intindihin ang mga yan... ", singit ni Jonas habang palakad-lakad sa loob ng BB.
"Oo nga, nagkausap na ang dalawa kaya bawas na sa mga problema mo." Wika naman ni Aldrin habang tinitingnan ang plantsang di uling at mapaso ng hawakan nya to.
Your house is so cool! It's like a mobile home only it's dark...", sabi naman ni Lexi na tila masaya sa nasabi nya pero nakita kong sumenyas si Topher kay Lexi stating na offending ang sinabi nito." Oops, sorry... didn't mean to...".
"Okey lang yun, Lexi. Soooooooooo, Dito ako nakatira at gusto ko dito.", sagot ko with confedence.
Kita ko sa mata ni Owen na naawa sya sa akin. Nalungkot ang mukha nya. Wala kaming gripo ,wala kaming ilaw at wala akong gamit sa BB.
May dalang pagkain sina Shima , Owen at ang buong grupo. May fastfood. Chicken joy at spaghetti ng Jollibee, French fries with flavor ng Mcdo, Siomai at sangkaterbang chaofan ng chowking at apat ng litro ng coke. Meron pang pizza ng m3 pizza mga 3 box. Lahat treat nina Lexi at Topher... ano to celebration kasi sila na talaga o nagcecelebrate sila dahil nabugbog ako? Wow!
Inayos nila ang BB para magkasya kaming lahat.Pinagdikit namin ni Shima ang kama namin para dun kami maupo lahat.
Pointless pala yung pagpapaplantsa ko kasi una, wala kaming pasok tapos kaya pala binigyan ako ng leave ni Mang Luis, kasi sarado din ang carwash dahil magpapaevent sya sa bagong nyang business na talyer sa tabi ng carwash. Kaya mapupuwersa akong magpahinga talaga.
Masaya ang ambiance ng bb, hindi ko inakala na tatanggap ako ng mga bisita sa Balay Bus. Hindi ko rin naman expect na may mga taong magkakainterest na puntahan ako.
Baliw ka talaga Shima. Siguro nagkulang ako sa pagsasabi ng mga di dapat mong gawin. At ang papuntahin ang taong ito ang isa sa hindi mo dapat ginawa pero buti na lang ginawa mo kasi, masaya ako sa resulta though hindi ko inakala.
Masaya ang kwentuhan, mag ala singko na ng umaga pero buhay na buhay pa rin sila kahit hindi ito inuman. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan nila ang bahay ko.
"Rodney, you know what? I can give you the portable gnet that we have.", sabi ni lexi habang enjy na enjoy nyang yakapin si Karma.
" Ha, bakit... wala akong Ibabayad sayo..." habang tinatanggihan ko ang offer ni Lexi.
" Wag mo na tanggihan , Rodney. Hindi na nila magagamit yun kasi sira na, eh lumang generator na yun kasi... malay mo may mapagawaan tayo dito." Singit ni Topher habang sweet kay Lexi.
" I can fix it", sagot ni Shima habang nakangiti. " trust me, I know how to fix things.", sabay akbay sa akin. Agad ko itong siniko para ialis nito ang pagkakaakbay nito sa akin.
Napansin ko na hindi nagsasalita si Owen. Nang makita nya na nakatingin ako sa kanya agad itong bumaba ng BB. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang behavior nito bigla.
Sinilip ko sya sa bintana at nakita ko na mayroon syang kausap sa phone. Pasado ala sinko na, sino naman kaya ang kinakausap nya ng ganitong oras. Inisip ko na lang nab aka girlfriend nya or family nya kaya hindi ko na lang pinansin.
Nung tiningnan ko ang oras, uy papasikat na ang araw. Agad ko silang inalarma para makita nila ang sunrise na laging gumigising sa akin. Lahat sila parang dedma lang habang pinadudungaw ko silang lahat sa bintana pero nang makita nila ang sinasabi ko... wala silang nasabi kung hindi wow. Sunrise habang nakikita mo ang syudad. Amazing.
Pagkatapos nun ay nakita kong inaantok na ang lahat, kahit ako ay inaantok na rin. Nagsimula na kaming magligpit. SI Shima, parang nurse. Lahat ng buhatin ko kinukuha nya kasi bawal daw.
" You really need to just sit at ako na lang ang gagawa."
"Para kang sira, hindi ako inutil"
"Oh, that's a very deep tagalog word... what does it mean".
"It means that hindi ako mahina, damage lang...", habang pinupulot ang kahon ng pizza sa lapag. Aagawin na naman ni Shima.
" Well, sorry, you still can't."
Habang nagbabangayan kami nina Shima, napansin ko ang pag-akyat ni Owen sa BB.
"Pag nagkakaroon ng Bagyo...", sabi ni Owen," Safe ka ba dito?".
Hindi ko sinagot kasi ayoko magsinungaling. Ngumiti na lang ako. Kilala ako ni Owen. Gets na nya yun pero alam naman nya na kinakaya ko. Mapatango nalang si Owen nang magbago ang expression ng mukha nya.
"Tumawag nga pala ako sa parents ko, hindi na daw nila magagamit yung accommodation nila sa isang resort. I was wondering kung pwede kayo sumama", tanong ni Owen na parang nagmamakaawa.
" Basta libre at pwede isama si karma ... kailan ba?', tanong ni Shima.
Tiningnan ko si Shima, hindi na violent ang reaksyon nya kay Owen. Binigyan nya ako ng matamis na ngiti sabay akbay sa akin.
"Oo nga, hindi pwede maiwan si karma dito ng mag-isa.", singit ko habang tinitingnan si Karma na kalmadong natutulog sa bago nyang bed.
" That can be arranged...".
"Hanep din kayong dalawa, kung hindi ko kayo kilala pag-iisipan ko kayo ng masama.", biro ni Aldrin.
"Bakit?", tanong ko kay Aldrin.
Ngingiti ang lahat. TIningnan ko si SHima, at nakita kong inaamoy amoy na naman nya ako.
bigla akong kumawala sa pagkaakbay nya sa akin. Arte pa si SHima na wala syang ginagawa. Napalingon ako kay Owen, basa ko sya kung ano iniisip nya.
"Magsiuwi ng nga kayo... Umaga na. ", habang pinagpapawisan ako ng malapot.
Tinawanan lang ako ng lahat. Para bang may alam sila na hindi ko alam, Sobrang awkward kasi itong si Shima. parang nananadya na sweet sweet. Hai, Ginugulo mo yung isip nila. Pero bakit nga ba hindi ko sabihin na ayoko na mahalin nya ako? Para tapos na ito... Ewan ko ba.
Hinatid ko na sila pababa habang nagvolunteer si SHima na aayusin nya yung natirang kalat sa BB. Kanya kanyang uwi ang lahat. Si Aldrin at Jonas ay sabay sa tricycle, si Topher naman at Lexi ay naglakad nalang para mas mahaba pa ang oras nila magkasama. Asukal, katamis AH!
Huling umalis si Owen, sakay ng kanyang sosyal na sasakyan. Mga five minutes pagkatapos nyang umalis ay tumawag sya sa akin.
"hello , bakit ? may naiwan ka ba?".
" Oo, puso ko... Joke".
"Sira ulo ka ".
"Anyway, I hope ok kayo mamaya sa isang staycation sa pad ko, mas makakapahinga ka dun and para mapag-usapan natin yung vacation...".
"Oo na sige, basta alam mo kundisyon..."
"Labo...",
"Bakit nga ."
"Sana hindi ako nawala, para hindi ako nasingitan..."
" Drama mo , Tuko. SIge na ingat ka sa pag-uwi".
" Ingat ka ... dito lang ako lagi."
Naputol ang call. Nakakabaliw ang mga trip ni Owen. Sweet na rin. Hay naku. Alam ko naman kasi na gusto nya lang ako protektahan kasi napahamak ako dati dahil sa kanya pero sobra naman yun. Ang lalaki na namin, no need na, diba.
Umuwi ako sa BB at may napansin akong iba sa pagkakaayos ng mga bagay bagay. May nakita akong isang kahon pero hindi ko alam ang laman. Hindi ko na rin tiningnan kasi inaantok na rin ako. PAggising ko na lang mamaya,
Pag-akyat ko sa BB, ay nakita ko si Karma na gising pero ineenjoy ang malambot nyang higaan.
"Enjoy ka ba sa bahay natin?".
Ramdam do na masaya ito dahil bumangon ito at sinagot nya ako ng isang tahol at masiglang kawag ng kanyang buntot.
Inaantok na ko talaga at gusto ko nang mahiga sa kama ko. Matindi ang pinagdaanan ng katawan ko kaya kailangan kong magpahinga. Hihiga na lang sana ako nang makita ko si Shima na tulog na at hindi nya na nagawang paghiwalayin ang bed naming dalawa. Ang masakit pa nito, nakabalagbag si SHima kaya, hinihigaan nya ay kalahati sa foam nya at ang kalahati ng katawan nya ay nasa bed ko. Hindi ko basta basta mapaghihiwalay.
Umupo ako sa tabi ni SHima at pilit syang ginigising.
" SHima!!! Bumangon ka dyan at... "
Bigla akong hinawakan ni Shima at hinatak para mapahiga sa tabi nya.Niyakap nya ako ng mahigpit.Ibang higpit kasi kahit lamog ang katawan ko, hindi ako nasasaktan.
"Uy, ", habang nagpupumiglas ako.
Tiningnan ko si SHima. akala ko nagloloko lang sya sa ginawa nya pero tulog pala talaga sya. Ano to? Hindi sya aware na hawak nakakulong ako sa bisig nya.
Habang yakap nya ako ay naririnig ko ang mga salita sa bibig nya na hindi ko maintindihan. Since hindi na rin naman ako makakabangon. Paglalaruan ko na lang si Shima. Baka may makuha pa akong information tungkol sa kanya.
" Aba nag sleep talk si SHima, makahingi nga ng number...", sabi ko sa sarili ko." Shima bigyan mo ako ng tatama sa Lotto. ", habang natatawa sa ginagawa kong pangungulit pang quits lang sa pag arm lock nya sa akin.
" 10, 36 ,4, 17, 22, 1", sagot ni Shima sa akin. Napailing ako dahil nagbigay sya talaga ng numero.
Bigla kong naalala yung sinabi nya sa akin na sobrang nakaka awkward. Magtatanong sana ako ulit pero biglang...
" I will fight for you Rodney...", sabay higpit ng yakap nya.
Tigalgal ako dun sa narinig ko. Sabi nga nila ang mga bagay na sinasabi ng nagsleep talk ay totoo. Nakaramdam na naman ako ng hindi pagkapalagay sa sitwasyon. Gusto ko kumawala sa yakap nya pero mas malakas talaga si Shima sa akin.
Sisigawan ko n asana si SHima para magising nang makita kong lumapit si karma sa higaan namin at tumabi sa aming dalawa.
Okey fine !!! panalo ka na SHima. Matutulog ako sa yakap mo . Hindi na ako makakalaban. Bigay ko na hilig mo.
Tumigil ako sa pagpupumiglas. Nakalma na ako. Ganito ako matutulog. SIge na, para lang makapag pahinga.
Umayos din ng higa si Shima.Mas komportable na sa akin. Malapit na ang mukha nya sa sa mukha ko. Antok na antok na rin ako. Papikit na rin ang mga mata ko nang marinig ko ulit si Shima.
"Mahal ko talaga ikaw, Rodney", sabay dampi ng halip ni SHima sa pisngi ko.
Hindi ko na kayang umapila at hinayaan ko ang sarili ko na magpahinga sa tabi ng dalawang nilalang sa buhay ko ngayon.

To Be Continued

DRIVE ME CRAZY (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon