Mabilis ang takbo ng sinasakyang kotse ni Shima. Buti na lang at kayang sumabay ng taxi na sinasakyan ko. Swerte na rin at mabait ang taxi driver dahil pinayagan nya kami na sumakay sa kanya kahit may dala akong aso.
Nakarating kami sa may Oakwood hotel sa may Makati. Dun pumasok ang kotse na sinasakyan ni Shima. Dahil wala naman kaming kilala sa lugar na yun kaya hindi pinapasok ang taxi na sinasakyan ko.
Swerte naman ako dahil may pera pa pala ako sa bulsa kaya may pinangbayad ako sa taxi. Para akong tanga na nakatayo sa isang hotel na hindi malaman kung paano papasok. Hindi ko maiwasan na mag-isip at magtaka kung bakit nandito si Shima. Hindi ko naman sya nakita na tumawag o cumontact man lang ng kakilala o kamaganak pero kailangan kong subukan.
"Karma dito ka lang muna, wag kang aalis dito. Kapag may sumita sayo, magpacute ka na lang tutal mukha ka naman na may lahi para hindi ka mahuli. ", bilin ko kay Karma. Alam ko na naunawaan niya ako. Pumasok ako sa entrance ng hotel habang si karma naman ay naupo sa may pintuan kung saan ako pumasok.
Habang naglalakad ako papalapit sa concierge, ay hindi ko inaalis ang mata ko kay karma. May mga taong lumalapit sa kanya at tulad ng inaasahan ko sa kanya, ginawa nya ang sinabi ko. May isa pang bata na karga ng isang magulang na naihulog ang laruan nito sa sahig kaya pinulot ito karma at ibinigay sa nanay. Natuwa ang nanay ng bata. Biglang star si Karma.
"Ganyan nga karma... Very good", sabi ko sa sarili ko habang kampante ako na hindi paalisin si Karma sa kanyang kinatatayuan. Balik ulit ang isip ko sa tunay kong pakay. Ang hanapin si Shima.
Malalim na hugot ng hininga at pagkatapos ay pumunta na ako sa receptionist para magtanong.
"kuya excuse, May kilala ka na hapon na dumaan dito ".
Tiningnan ako ng lalaking receptionist mula ulo hanggang paa. Tinaasan ako ng kilay dahil sa totoo, hindi naman kagandahan ang suot ko. Nakachinelas lang ako ng Spartan, naka tshirt na puti at short na pangbasketball.
"Marami ang nagchecheck in dito na hapon kaya hindi ko masasabi kung sino dun. Alam mob a ang buong pangalan para ma check ko.",habang patuloy lang sya sa ginagawa nya na pagtetext.
"Shima lang po ang pangalan na alam ko eh...", habang napapakamot ako sa ulo. Ngayon ko lang narealize na hindi ko alam ang buo nyang pangalan. Hindi ko rin kasi itinanong.Arg!!!
Natatawa yung lalaki na para bang minamaliit ako.
"Sir, wala akong maitutulong sa inyo... Kailangan ko po ng pangalan.", sabay balik sa pagtetext.
Magtatanong pa sana ako pero naramdaman ko na medyo masyado syang busy sa cellphone nya. Dahil medyo nacurious ako, sinilip ko kung ano ang tinitingnan nya sa cellphone nya. Boom ! dating application. Grinder... at busy sya sa paglocate ng lalaki na nasa location.
Nang mapansin ako ng reception, at mukhang nainis ata sya.
"Sir!"
"Sorry"
" Alam nyo po ? kung hindi nyo alam kung sino ang hinahanap nyo. Hindi ko kayo matutulungan."
"Wow, attitude. Kaya nga nagtatanong eh.", sagot ko sa receo na medyo may pagkainis na rin. " kung hindi mo ako tutulungan dahil busy ka paggagrinder, ako na lang maghahanap.", sabay talikod sa recep at derederetso na naglakad.
" Hoy , bawal ang maggagala dito... Guard! Guard!", sigaw ng malditong recep.
Nakita ko na may papalapit na guard sa akin at bigla akong hinawakan.
"Guard, ilabas nyo nga iyan. Nanggugulo...".
Nalintikan na. Syempre umalma ako. Pilit kong kinakalas yung kapit nila sa akin. Nagkakaroon na ng maliit na komosyon sa lobby ng hotel.
"Teka sandali, hindi ako nanggugulo...", habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak sa akin.
Naramdaman ata ni Karma na nasa trouble ako kaya umalis ito sa kanyang puwesto at agad akong pinuntahan. Tinahulan nya ang lalaking guard na may hawak sa akin. Lumapit ang isa pang guard para naman patahimikin si karma gamit ang stan gun. AY sandali, sobra na yan.
Fight mode na ako. Sinipa ko ang stan gun para hindi tamaan ang aso ko.
"Karma hanapin mo si SHima.Bilis..." , utos ko kay Karma. Agad naman nya akong sinunod.
Parang soap opera ang tagpo ko nung mga oras na yun. Binibiyabit ako ng dalawang guard .
" May hinahanap nga akong tao na pumasok dito... Hindi ako nanggugulo."
Kumakapal na rin ang mga tao na nakikiusyoso sa amin. Iba-ibang lahi tapos nagbubulungan sila. Nakakahiya na nahuhusgahan ako agad. Patuloy sa pagpaparatang ang receptionist ng mga kung ano-ano sa akin.
" Naku wag kayong maniwala dyan.", sabat ng receptionist,"Hindi nga nya alam ang pangalan malamang sindikato yan."
" Baka naman may balak ka lang na masama dito. Ano ka? Scammer ka, no?! ", sabi ng isang guard habang naka arm lock ako.
"Hindi ako ganun boss. May hinahanap lang talaga ako."
"Dun ka na lang sa presinto magpaliwag. Malay namin, kung may sinisipat ka na pala na biktima dito."sabi ng isa pang guard.
"Buti na lang talaga at napansin kita. Kahina-hinala kasi kilos mo.", sulsol pa ng receptionist habang ipinagmamalaki sa mga guest ang ginawa nya.
Tuloy ang bulungan ng mga tao. Mga titig na nakakabastos. Oo na sige, kayo na ang mayaman pero hindi nyo pa alam ang tunay na nangyari.
"Tawagin mo ang hotel service... Dadalhin natin ito sa presinto.", sabi ng guard na may arm lock sa akin habang kinakaladkad ako papunta sa elevator.
Mabigat ang paratang nila sa akin. Wow! kidnapper, Scammer at sindikato... Hindi ako maputi, pero mukha ba akong criminal? Wow ulit! Ano to , discriminasyon dahil hindi ako mukhang mayaman . ek mukhang kawatan agad. Bad!!!
Parang death penalty ang pakiramdam ko habang nakikita ko ang patuloy na pagbaba ng numbers sa elevator. Pagdating nito sa ground tiyak na diretso na akong kulungan nito. Sira ang record ko. Hindi pwede...
"Mga kuya, may kilala naman talaga ako na pumasok dito."
"Aber, ano nga ang pangalan... at anung pakay mo", sabi ng recep na medyo nagmamaldito.
"SHima... Shima..."
"Natsumori", sabi ng boses ng lalaki na nasa likuran naming lahat. Lahat ay napalingon. At tumambad sa aming lahat si Shima kasama si Karma sa tabi. Halatang galit na galit si Karma dahil nag grawl ito. Ganun din si Shima na dala-dala ang mga maleta nito.
"Sir...", wika ni recep na biglang parang nagkaningning sa mga mata nito. Napaghahalatang type SHima. Naparoll nalang ako.
"SHima Natsumori is my name", habang nakakatakot ang mga mata nito. " Now if you don't get your hands off Rodney... ", Consider yourselves fired".
Agad akong binitawan ng guard. Hiyang hiya ang mga guard at halatang pinagpapawisan si maangas na recep dahil alam nya na delikado sya ngayon. Biglang asikaso ako ng mga guard na nagsosori pero alam ko naman na ginagawa lang nila ang trabaho nila pero parang hindi palalagpasin ni Shima ang nangyari.
Nacall ang attention ng manager dahil sa nangyari kaya nahantong sa close door meeting sa loob ng office ng manager. Nagkaroon kami ng pag-uusap tungkol sa scene na nangyari sa lobby. Parang abugado si Shima kung magsalita. Sa huli ay tinanggap ng management ang pagkakamali sa nangyari at pagkatapos ay para hindi umabot sa media or maging kaso, nakipagkasundo sila kay Shima.
"We are now willing to do what you ask as before...", sabi ng manager.
"That is not enough...", firm na sagot ni Shima.
" And we will give Sir Rodney free accommodation any time he wants to..."
"Tempting but no...", sagot ni Shima na para bang lalong nainis.
" And he will stay on our best suite ...".
Rerebutt pa sana si Shima kaya siningitan ko na.
"Solve na ako nun... sige ayos na po.".
Napatingin sa akin at binigyan nya ako ng makahulugang titig. Para kaming tanga , nagtatatalo na puro mata lang at movement lang ang gamit. Pero syempre ako pa rin ang nanalo.
Ang matapang na mata ni SHima ay nabalik sa normal nya.
Nagsorry naman ang lahat ng tao sakin pati si maangas na recep. Syempre , ayoko na may mawalan ng trabaho kaya inisip ko na lang na ok lang yun. In fairness, nagsosori sya pero mayabang pa rin. Napaghahalata din na type nya si Shima. Agad kong kinausap si Shima nang mangilang ulit kong mahuli na nakatitig si Recep kay Shima.
"Shima type ka ata ni Mr. recep. Gwapo, maputi at mukhang mabango tapos lagi pang nakatitig sa'yo. O, tingnan mo titingin yan.", sabi ko kay Shima habang inaabangan namin na lumingon si Mr, recep. At lumingon nga!
" Patusin mo na para hindi mo na ako kinukulit.", habang natatawa kong kantiyaw kay Shima.
"Wait here..." , sabay tayo ni Shima para lapitan ang recep.
Kinausap ni Shima ang recep, nagtawanan sila nagkamay at pagkatapos ay tumalikod si Shima para bumalik. Kitang kita ko ang expression nung recep na para bang naiiyak. Hala, ano kaya ang sinabi ni Shima dun. Medyo na bother ako.
Agad kong kinausap si Shima pagbalik nya sa may upuan.
"Anung sinabi mo dun, inaway mo ata. Wag kang ganyan... hindi naman nya sadya na matipuhan ka. At kung tungkol sa ginawa nya kanina nagsorr..."
" I just told him to stop flirting, kasi Im asking you to marry me... and also I told him also to be more human because he's too fake to find a real person to be with."
" Ang sama naman ng sinabi mo. Sobra ka namang mang-api ng kapwa. Sinabi mo pa na pakakasalan mo ako... ", biglang nag-iba ang reaction ko. Napaisip.Then I gave Shima the bwisit look." Sinabi mo yun?!".
"So will You ..."
"Ewan ko sayo...", sabay walk out at labas ng office. Nakakahiya. Sobra na'to . Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo Shima. Hay!!!
Anyway,Biglang bait ang tao sa akin. Treatment nila sa amin ni Karma ay parang VIP. Binigyan din kami ng libreng buffet pass. Tamang tama, 1 pm na at hindi pa kami kumakain.
Sa table namin ay patuloy na nagpapaliwanag si Shima. Nahuli na "daw" kasi ang mga nagkidnap sa kanya. Kaya pwede na syang bumalik sa hotel kung saan sya nagcheck in. Kinuha na nya ang gamit nya kasi due date na ng stay nya . Nakausap na rin "daw" nya ang kanyang kamag-anak that he will be staying longer.
"That's the story kaya pumunta ako dito. "
" Okey sabi mo eh. Pero hindi ba mag-aalala sa'yo ang pamilya mo. Or yung girlfriend mo sa Japan."
" hindi kasi I told them that im happy here. Bye the way,what made you think that I have any relationship sa Japan."
"Ramdam ko lang... mukha ka kasing chickboy."
"Bakit, selos ka kung meron.", habang kinukulit ako ni Shima.
"hindi ah!", sabay iling," mas magiging masaya pa nga ako kung meron kasi para hindi kana makulit."
" Sigurado ka ba na hindi ka masasaktan?", habang biglang naging seryoso ang mukha ni Shima.
Hindi ko sinagot ang tanong kasi iniisip ko na wala naman talagang kaso sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay aalis na kami ni SHima. Sobra talagang bumabawi ANg hotel sa amin. Willing sila na ipagamit ang service nila para maihatid kami sa Antipolo. Wow that is what we call hospitality.
Umalis si SHima para umakyat sa room nya. Gusto nya akong isama pero syempre ingat ingat din. Alam nyo na, may pagka maniac itong si Shima, baka kung ano pa ang maisipan nito na gawin. Iniwan nya sa akin ang maleta nya.
May kung anong pumasok sa utak ko at binuksan ko ang maleta nya. Wala naman masyadong laman. Damit lang at mga pampaguwapo at isang cellphone.
Tiningnan ko ang cellphone. Lobat na ito. Syempre, sabi nila makikilala mo ang isang tao sa maraming paraan at isa na dito ay ang pagtingin sa nilalaman ng kanilang cp.
Agad kong hinanap ang charger at nakisaksak. Nagcharge. Ilang saglit pa ay binuksan ko na yung cp. Hehehe, boom Panot. Ngayon malalaman ko na ang lahat ng mga tinatago mo SHima. without me asking.
Pagkabukas ng cellphone ay tumambad sakin ang... cellphone na walang laman! Boring ! walang masyadong message. Walang picture. Isang aps lang tapos ma password pa. Hay naku ano to? Props lang. Dahil dismayado kaya ibinalik ko na ang cp ni Shima sa kanyang maleta.
Mga 30 mins na akong nag-aantay pero hindi pa bumababa si Shima. Nakakainip na. Wala na akong magawa kung hindi ang kausapin na lang si Karma.
"Hay naku Karma, pagpasensyahan mo na yang isang amo mo. Minsan lang talaga medyo masikreto sya. Tingnan mo ngayon, meron lang daw kukunin pero inabot na ng 30 min. Ano ba kinukuha nya?"
Habang busy ako sa pagkausap kay Karma, may lumapit na napakagandang babae .Makinis at napakaamo ng mukha.
"You have a really nice dog, What is his name?"
"ahm, his name is Karma"
"That's a very interesting name,", sabay ngiti sa akin. Umupo sya para mahimas ang balahibo ni Karma. "hi, Karma... ".
Halata mo sa patutungo nya sa hayop na mabait si Ms.Hinayaan ko lang sya na I pet si Karma. Kita ko rin kasi na nagugustuhan ni karma ang attention ni Ms.
Sa gitna ng pagpepet ni Ms. kay Karma, ay biglang may tumawag kay Ms.
"Excuse me...".
Nakangiti si Ms habang naglalakad upang makalayo ng bahagya sa amin ni Karma. Sinagot nya agad ang phone na para bang matagal nyang inaantay ang tawag nay un.
"Your sure... Perfect."
Napangiti ako ng makita ko ang saya kay Ms. Napansin nya siguro na nakita ko ang pagkagalak nya habang kausap ang isang tao kaya parang naubliga sya para mag-explain.
"I'm sorry. Im just so happy to hear a good news."
Nagbalik ako sa pagpepet kay Karma. Nakita ko si Shima bigla na nakabihis. Kaya pala kasi naligo muna ang mokong bago bumaba. May dala syang isa pang bag medyo katamtaman lang ang laki.
Nang makita nya ako ay bigla syang natigilan. Natigilan din si Ms na nasa tabi ko. Walang inaksaya na panahon si Ms at biglang tumakbo si Ms papunta kay SHima at niyakap ito.
Medyo nalito ako kasi hindi ko expect na magkakilala sila. Nakita ko na parang aligaga si Shima habang nakatingin sya sa akin. Agad nyang tinanggal ang pagkakayakap ni Ms sa kanya.
"What are you doing here?"
"Well , I told you, I will find you..."
Na stan ako sa nakita ko. Parang may naramdaman ako sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Agad akong lumapit sa dalawa.
" Ms , magkakilala pala kayo ni Shima..."
" Yes... Oh you know him also..."
Tumango ako para to confirm na magkakilala nga kami. Hindi parin maipinta ang mukha ni SHima.
"Im Rodney, he is staying at my place."
"I'm Dasuri... Dasuri Choi. Im his girlfriend."
From great big smile, biglang nagbago ang expression ko sa mukha.
"Girlfriend?", ulit ko.
"Yes".
Biglang parang may naramdaman ako na pagkirot sa dibdib. Masakit . Hindi ko alam kung bakit. Para bang may biglang sumaksak sa king puso.
Napatungo na lang si SHima... Natahimik sya at hindi nya magawa na tingnan ako. Hindi ko alam bakit parang tumitindi yung kirot.To be continued.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...