Nag-iisip pa rin ako. I need to find direction as to where to find answer. O di ba... Nahasa na ang English ko. Pero totoo, hindi ako pwede na magpanggap as if walang problema kasi meron, at nahihirapan na ako. Nararamdaman ko na ang awkwardness lalo pa ngayon na nakaupo kaming apat sa iisang lamesa.
Sa totoo, nag-enjoy naman si Owen sa pangyayari na ito. Halos sila lang ni Dasuri ang nag-uusap habang ako ay pasulpot sulpot lang ang pagsabat. Si Shima naman ay tahimik lang. Madalas ay nakaw ang tingin sa akin at nagkakahulihan pa kami. Tapos, bigla lang syang kabig na magiging sweet kay Dasuri. Magugulat si Dasuri at gagantihan naman ang sweetness ni SHima. Si Owen naman ay aakbayan ako para tumabla sa sweetness ng dalawa. Ano ba to? Game of thrones ? Labanan sa kung sino ang tunay na may karapatan? Ano ba talaga ang pinaglalabanan?
Mga 6 pm na rin nang matapos ang session namin. Bukod sa awkward ako buong oras na magkakasama kami, nag enjoy naman ako sa libreng pagkain. Masarap kasi. Kita ko kay Dasuri na masaya sya sa treat nya sa amin.
" I really enjoyed meeting you gentlemen. I hope we can do this again.", sabi ni Dasuri na buo ang ngiti sa amin.
" The pleasure is all ours, Ms Choi. ", sabi ni Owen na buo angpaggalang kay Dasuri.
" Oh, don't be too formal. Just call me Dasuri.".
"If that is what you prefer to be called, who am I to contest, Dasuri.", sagot naman ni Owen na nagpapaka gentleman. Todo ang ngitian ng dalawa sa isa't isa. Kung hindi ko alam na girlfriend ni Shima si Dasuri , iisipin ko na type ni Dasuri si Owen. Pero Imposible.
"Ei, Rodney. I hope you don't mind. I'll be borrowing Shima for few days.", baling ni Dasuri sa akin.
" No problem, you need time with him. Am I right, Shima.".
"Yes , I need to spent time with Dasuri.", sabay hawak ng kamay ni Dasuri.
Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi pwede. Ano ito. Hindi dapat mangyari ito. Wala akong karapatan magselos. Bakit ako magseselos?
Bago pa mahalata ang reaction ko, kailangan kong basagin ang situation. Kailangan ko makalayo. Agad kong tiningnan ang relo ni Owen na Diesel. At gumawa ng dahilan.
" Oops, time flies so fast. I guess we need to go. We need to make sundo of Karma. ".
"A ok , we'll go ahead also. And don't worry , Karma's grooming is already paid. "
"Thank you.", yun na lang ang nasabi ko kasi wala na akong maisip na dapat sabihin.
Sabay kaming lumabas ng pintuan ng restaurant. Casual lang habang todo kwentuhan ang sina Owen at Dasuri. Kami naman ni Shima ay parang pinitpit na luya. No talk pero ramdam mon a nandoon.
" Before I forget, next weekend, Shogun motors will Launch its new model. I would love to have you on our launch.", Sabi ni Dasuri.
Kita ko ang interest ni Owen na makapunta. Syempre gusto nya rin pumunta sa mga car show at events na katulad nito. Senyasan kami sa pamamagitan ng mga titig. Napansin ata ni Dasuri ang kakaiba naming kilos ni Owen.
" Is there any problem?", Dasuri asks.
" I would love to, but I'm not sure if I have anything to wear, but definitely Owen could join you...".
" I'll have something I can lend you, now that I have my luggage ...but Please... Please, do come.", sabi ni Shima na seryoso ang tingin sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot ay sumingit na agad si Owen.
"Then, it's settled. You will be expecting both of us on the launch.", sabay ngiti kina Shima at Dasuri.
"Great to hear that. And I'll be expecting to see you.".
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...