CHAPTER VI : CONFESSION

2.1K 91 2
                                    

" Nagtatagalog Ka?" habang parang babagsak ako pero pinipilit kong tumayo. "Anak ng pechay!!! IKaw!!!".
Gulat si Shima at Topher na nandoon ako at nagpipilit na maglakad papalapit sa kanila.
Susuntukin ko sana sya pero hindi ako asintado at sumablay ako. Pero hindi ako papayag. Ang liwanag naman diba?! May karapatan akong magalit kasi niloko nya ako.
Sinubukan ko ulit na suntukin sya pero olats. Nakailag sya muli. Isang subok pa. Nag-ipon ng lakas. Focus, parang karate kid lang. At pinakawalan ko ang huling suntok. Yes, tatami... pero natapakan ko ang sintas ng sapatos ko kaya sa halip na tumama ay lumihis na mga isang dangkal lang ang pagitan. Pero hindi lang yun. Sobra ata ang pwersa na inilabas ko kaya na outbalance ako at tumumba paharap... kay Shima.
Oh my, nagslow mo na naman. Hindi ata akalain ni Shima ang puwersa na nailabas ko kaya pati sya ay na out balance at tumumba. Ramdam ko ang unti unti naming pagbagsak sa sahig at ang paglapit ng mukha ko sa mukha ni Shima. Hanggang sa boom. Nasa sahig na kaming dalawa... magkatitigan, hindi kumikilos. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ni Shima sabay ng kabog ng dibdib ko. Parang tumigil ang oras saming dalawa. Parang kami lang ang tao. Narealize ko na lang na yung labi ko ay nakadikit sa labi ni Shima.
Lahat ng tao sa inuman, ay nakatingin sa amin. Shit ulit, shit sa universe. Wala na , first kiss ko hindi ko man lang na enjoy , tapos sa lalaki pa.tsk ... tsk...tsk.
Naramdaman ko rin na may parang tumatayo kay Shima. Put... Natutusok ako. Ano ba to!!! Gusto kong bumangon pero parang ayaw gumalaw ng mga braso ko. Sumasabay pa itong pag-ikot ng sikmura ko. Parang masusuka ata ako. Hoy Shima, ialis mo ako sa ibabaw mo kasi hindi ko na kayang gumalaw. Bilis!!! Baka masukahan kita...
Bumaliktad nang tuluyan ang sikmura ko. Umakyat na sya. Buti na lang at napansin na ni Shima at naiiwas nya agad ang mukha nya bago ako tuluyang sumuka. Ganun din. Kahit sa suka, isang pulgada na lang at mukha na nya.
' Siguro nadiri si Shima sa suka ko malapit sa ulunan nya kaya biglang nawala yung tumutusok sa akin. Hay, Less Awkward pero ...Wala na... Pagkasuka ko ay biglang bumigat at mga mata ko. Wala na kong lakas. Parang gusto kong matulog. Hay, nakakabwisit... kahit sa pagtulog nakaplaster ang mukha ni Shima.
Gising pa ulirat ko, kaya iintindihan ko pa ang mga usapan nina Shima. Ramdam ko na ibinangon ako ni Topher at Aldrin sa pagkakadagan kay Shima. Iniupo nila ako. Tuloy lang ako sa pakikinig.
"Ikaw kasi Bhe, bakit mo kasi hindi sinabi na marunong kang magtagalog.", Sabi ng boses na alam kong kay Amor.
"oo nga. Bakit nga ba?", Sabi naman ng tinig na sigurado ako na kay Claudia.
"Magpapaliwanag ako bukas",pause" pero ngayon , iuuwi ko na muna sya", sabi ng tinig na sigurado akong boses ni Shima. Naku Shima, Siguraduhin mong maipapaliwanag mo yan ng maayos.
Matapos magpaalam ay pinasan ako ni Shima at nagsimula na syang maglakad pauwi. Para akong bata na walang kamuang-muang. Kahit nabwibwisit ako kay Shima, hindi ko maitatanggi na , hindi nya ko panabayaan. Kung hinayaan nga ako , malamang paggising ko, mukha na naman akong vinadalized.
Hindi ko kayang pigilan ang antok ko. Ahhhh!

Paggising ko, angsakit ng ulo ko. Nakapa ko na may bukol ako sa ulo. Tiningnan ko agad ang relo ko, mag-aalas diyes na pala. Naiinitan ako. Bakit ako nakakumot? Teka sandal... Parang may mali sa pakiramdam ko. Sinilip ko ang nasa ilalim ng kumot. WaHHH!!! Bakit ako hubad... and to make things more suspicious, nakita ko si Shima, nasa tabi ko naka dantay, tulog at walang damit pang-itaas.
Napasigaw ako. Sobrang lakas. Para atang kasinglakas ng mga sigaw ng sa horror movies. Nagising si Shima na pupungas-pungas pa. Agad akong tumayo kahit medyo nahihilo pa habang nakabalot ang kumot sa buo kong katawan.
"Good morning", sabay ngiti na parang sa tingin ko ay nang-aasar.
With a very forceful voice , sinabi ko," ANUNG GOOD SA MORNING!!!", sabay hablot ng kahit ano para ibato kay Shima. " Maniac! Rapist , bakulaw! Higad?"
"Wait! Calm down?", habang sinasangga ang mga ibinabato."I can explain..."
"I explain mo sa Barangay... ", habang patuloy ko syang binabato." What did you do to me?"
"Ahm... Wait... Look down...", habang uneasy ang expression sa mukha nya at tinuturo ang parting gitna ko.
Sobra ata akong nag-enjoy sa pamamato sa kanya kaya hindi ko namalayan na nalaglag nap ala ang kumot at nakabalandra sa harapan ni Shima ang hubad kong katawan. Agad akong napaupo sa hiya.
Tumayo si Shima at agad pinulot ang kumot. Ibinalot nya sa akin ang kumot sabay yakap. Nagpupumiglas ako pero mas malakas sya sa akin.

"Let me go, BITAW!!!" habang nagpupumiglas ako sa yakap nya.
" No!Not until you listen to me..."
Nagpilit akong kumawala pero wala pa talaga akong sapat na lakas para makawala. Napagod ako and I quit struggling.
"Pano mo I eexplain yung lahat nang ito"
"Listen!!!", sabi ni Shima habang ramdam ko yung authority sa boses nya. Napilitan akong kumalma.
" Ok". Huminga sya ng malalim. "Marunong akong magtagalog, kasi inaral ko ang Filipino,nasa Japan palang ako. "
" o sige , simulan natin dyan."Humugot din ako ng malalim na hininga. "Bakit hindi mo sinabi yan."
" Bakit, Nagtanong ka ba?"
"Pilosopo!", sagot ko na medyo nanggigil.
"Sorry... Ok mali ko yun. Dapat sinabi ko. I'm sorry "
Naramdaman ko naman na sincere nya habang nakatingin kami sa isa't isa. Lalambot na sana ako pero bigla kong naalala na hubad ako. Beast mode ako ulit.
"Matatanggap ko yung sori mo para dom, pero pano tung ginawa mo sa akin."
Natatawa na sumagot si Shima. "Wala akong ginawa!... try to remember..."
Napaisip ako bigla habang nagkukuwento si Shima.
" You were on my back while we are one our way here. You were asleep. Then suddenly, sinukahan mo ako and your puke was all over my shirt. Look", at itinuro nya ang damit nya na puno ng suka. Medyo napapahiya na ako pero pinipilit ko na hindi magpakita ng konting guilt.
Nagpatuloy si Shima " Nung makarating tayo dito. Ihiniga kita sa bed mo. I removed my shirt and then cleaned you up kasi puno na rin ng suka yung damit mo. ". Itinuro nya ulit yung damit ko na nakalagay sa bintana ng BB.
"You puked everywhere, even on your pants and on your bed. ".
Shit to the infinity and beyond, now I remember.
"Hey, Rodney, I thought you can fix yourself on your own coz you kept on saying Kaya mo mag-isa ". Napapatawa si Shima habang nagkukuwento." Tumayo ka nga bigla tapos naghubo then... You collapsed and saw you bumped your head,". Biglang nagbago ang expression ni Shima.
I felt weird dahil ramdam ko na mas umiigting ang yakap ni Shima sa akin. Napatingin ako sa mukha nya and kita ko na sincere si Shima sa sinasabi nya. Natahimik lang ako. Medyo nahiya.
" Nataranta nako at hiniga na lang kita agad and put blanket on you...", patuloy ni Shima pagkukuwento. " Stayed all night watching if your ok coz you hit your head so hard. I was worried. "
Touch naman ako sa ginawa nya. Sobra. It's been a while na rin since the last time na may nag-alaga sa akin.
Back to the reality. Sobrang nakakaawkward na masyado kaming malapit sa isa't isa habang kumot lang ang saplot ko sa katawan ko.
" Ok , na... Gets ko na.", habang pinapatay ang medyo nakakailang na sitwasyon. " pero pwede nitiwan mo na ako, magbibihis ako."
"Sigurado ka?", habang sumagot na lang ako sa pamamagitan ng pag nod.
Tinanggal na nya ang mahigpit na pagkakayakap sa akin. Tumayo ako at kumuha ng damit sa drawer. Medyo hilo pa rin pero kaya ko na.
Nakapagsuot na ako ng underpants at shorts pero nung magsusuot na ako ng shirt parang na out balance ako. Papalakda na naman ako dapat kaso agad akong nasalo ni Shima.
"Hindi mo pa nga kaya.". Sa pagkakahawak sa akin ni Shima ay naramdaman nya na mainit ako. Hinawakan nya ang mukha ko at ulo para makasigurado.
Medyo hindi ko pa nga kaya pero swerte ako na nandito si Shima. Hindi nya ako pinakilos. Pinagpahinga nya lang ako buong araw. Sya ang nagluto ng noodles at naglinis ng lahat ng mga damit na sinukahan ko. Nung naluto na nya ang noodles ay sinubuan nya ako .
" Wag mon ako subuan. Kaya ko na yan." , sabi ko habang pilit kong kinukuha yung mangkok na may noodles.
" No, ngayon lang ako makakabawi sa'yo. Hayaan mo na ako.", Sabi ni Shima sa akin habang hinihipan ang kutsara na may sabaw. Nang isusubo na nya sa akin, ayoko na ibuka ang bibig ko. Syempre kaya ko naman kasi pero gagamitan nya ako ng maging kawawa eyes nya at wala akong nagawa.
Habang sinusubuan ako ay biglang may nagflash back sa isip ko. Oh my, sana hindi na nya iopen ang tungkol sa nangyari kagabi... Please Lord , wag na yun.
"Rodney , I hope... Hindi mo ako palayasin.", Shima unleashed his trademark smile," Gusto ko talaga dito."
Ngumiti lang ako as a sign na hindi. Habang sinusubuan ako ay biglang may nagflash back sa isip ko. Oh my, sana hindi na nya iopen ang tungkol sa nangyari kagabi... Please Lord , wag na yun...
"Rodney , may naalala ka ba kagabi ... bukod sa narinig mo akong nagtagalog.
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong tanong. Mamatay na ang aamin,
"Ang alin?", patay malisya kong sagot.
"Sigurado ka", habang pilyo nya akong tinitingnan.
"Ikaw ba, wala ka na bang ibang tinatago?", sabi ko para maiba ang usapan.
Hindi nakasagot si Shima ang tanong. Nginitian nya lang ako sabay tayo. Tumalikod sya sa akin dala ang mangkok na aking pinagkainan. Naglalakad na sya ng bigla itong huminto.
" Open naman ako na sumagot", " kung handa ka na rin sumagot sa tanong."
Nagpatuloy sa paglalakad si Shima. Nagpaisip ako sa sinabi nya. Hindi pa ako handing sumagot sa mga tanong kaya anung karapatan kong mag expect ng confession galing sa kanya.

To be Continued...

DRIVE ME CRAZY (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon