Medyo lito ako sa dapat kong gawin. Kapag sinama ko si Shima, masisira ang request ni Owen bago sya umalis. Hindi ko naman pwedeng iwanan si Shima dito ng mag-isa. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko sya na miss. Para akong pc na nag hung ng slight habang balik balik ang tingin ko kay Shima at sa text ni Owen.
"Bakit? May problem ba?", tanong ni Shima na para atang nakahalata.
"Huh?".
"Sabi ko...May problema ba?", ulit ni Shima habang lumalapit ito sa akin.
"Narinig ko? Hindi ako bingi...", patay malisya kong sagot. "Anung ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?At... Saan ka galing?".
"Shhhhh...", Sabay pigil sa labi ko ng kanyang hintuturo para hindi na ako makapagsalita,"Dami mong tanong? Can't you just be happy that I'm here with you?".
Ilang segundo kaming nakatingin sa isa't-isa. Walang kurap. Hindi na awkward ang pakiramdam pero nakaramdam ako nang pagkainis. Pwede ba yun? Wala ba akong karapatan na magtanong?
Umakto ako na kakagatin ang daliri nya pero naialis nya agad.
"Uy!".
Hindi nako nagsalita. Alam naman nya na kahit anung gawin nya, maghihintay at maghihintay ako ng paliwanag. Pinakita ko kay Shima na Naiinis ako. Nakakunot ang noo. Bigla akong tumalikod at naglakad palayo kay Shima. Agad naman akong pinigilian.
" Rodney ,sandali... ", sabay hawak sa balikat ko.
Humarap ako kay Shima at pinipilit na hindi magalit. Huminga na malalim. "Kung ayaw mong magpaliwanag... Dyan ka na!", sabay alis ko. This time, hindi na nya ako napigilan.
Bubulong bulong ako habang naglalakad sa hallway. Nakakainis kaya yung pakiramdam na miss mo sya tapos nag-aantay ka nang paliwanag kung bakit sya nawala ng tatlong linggo tapos idadaan ka lang sa ngiti. GRRRR! Nag-aalala rin kaya ako.
Habang sobrang badtrip, naisipan kong lumingon sa likod. Aba! Hindi ako sinundan! Ano yun? Hindi nya ako susuyuin para mawala ang tampo ko? ako pa ba ang susuyo sa kanya dahil nagsuplado ako?Wow! Lakas ha!
Sa gitna nang pag-aalboroto ko, biglang tumunog muli ang cellphone. Agad kong tiningnan.
"Nasa may tapat ako ng Sound system... may hinihintay pa ba ako? O dumating na si Shima kaya... Hehehe. Maiintindihan ko... Owen".
After reading the message, medyo naguilty ako. Matalik kong kaibigan si Owen. Lagi syang nandyan kahit nung panahon na akala ko tuluyan na syang nawala. Ayoko na magpabaon sa kanya ng malungkot na ala-ala. Rodney, may responsibilidad ka na gawin itong masayang gabi para kay Owen bago man lang sya umalis.
Realizing that, uy English yun ha... anyway, yun nga... Dahil napagtanto ko na dapat kong gawin na special ang gabi na ito para kay Owen, Kaya isinangtabi ko muna ang pagkabadtrip ko. Sya muna ang inisip ko, anyway si Shima, sumusulpot naman sya kahit saan, alam kong hindi sya mawawala.
Agad kong pinuntahan si Owen sa open field. Angdaming tao. Halos hindi na mahulugan ng karayom. Hindi na ako nagtataka. Kamikazee kasi.
Agad kong hinanap ang Sound system. Wow angsaya. Kakailanganin kong suungin ang makapal na pader ng tao dahil ang sound system ay nasa may gilid ng stage.
Agad kong nilabas ang cellphone ko para itext si Owen.
"Galing mo rin, no ! dyan mo pa talaga napiling pumwesto kung saan maiistampede tayo kapag nagkagulo... O sya, dito nako. Puntahan na kita dyan... Rodney sent.
"Bilisan mo ha... Intayin kita dito... Owen".
Kahit parang ma sasandwich ako sa pagsuong sa nagsisiksikang mga tao, tumuloy pa rin ako. Mahirap lumusot dahil sumasabay ako sa masayang tugtugan ng kamikazee pero dahil fan ako ok lang . Hanggang sa wakas ay naabot ko ang dapat kong maabot, ang sound system booth. Nakita ko doon sina Chad Taynapa, Jhay Lancer pati sina Cram, Emil, Mako at Angela... Teka anong ginagawa nila dito?
" O! Tagal mo naman dumating?", sabay hatak sa akin ni Emil.
" Anong ginagawa nyo dito? ".
" eh di manonood ng Concert? Kami kaya ni Cram ang nag-ayos ng main performer nyo.", sagot ni Angela habang yakap yakap ni Cram.
" Nakiusap kasi si Owen na igapang daw namin yung kamikazee para pumayag... kasi paborito mong banda yan...", dagdag ni Cram.
" Talaga? Paano nya nalaman ang lahat ng ito in the first place?".
Nagtaas nalang ng kamay sina Chad at Jhay, patunay na sila ang nagsabi kay owen. Hindi naman ako nagtataka. Nanay ni Jhay ang caterer ng event kaya malamang nalaman nya ang mga project sa last day. Si Chad naman ay ang taga gawa ng letter for request at sponsorship file kaya baka sya yung himingi ng pabor kay Owen.
"Galing ah. Eh paano nyo napapayag... e diba disbanded na sila.", tanong ko.
"Dinaan siguro sa panalangin at pakikiusap at special na rason para mangyari ito...", matalinghaga na sagot ni Mako.
"Teka nasan si Owen?".
Bigla kong napansin na sumisenyas sina Chad at Jhay sa kung saan gamit ang laser spotter. Isa kulay pula at isa kulay green. Hindi ko na lang pinansin dahil nageenjoy ako, kinalimutan ko na rin na nagkita kami ni Shima. Sana maintindihan nya yun... Araw ito ni Owen, Bago man lang sya umalis atleast may pabaon ako sa kanya.
Nanibago ako sa mga kinikilos nang mga kababata ko. Parang may mangyayari na kakaiba ngayong gabi. Pinandilatan ko sila pero puro lang ngiti ang binigay nila sa akin.
"Naku! Anong meron? Kayo ha, may pinaplano na naman kayo...", habang nanliliit ang mga mata ko.
Habang naglilitanya ako ay biglang namatay ang ilaw sa stage pagkatapos ng song ng kamikazee. Sigawan ang lahat ng mga nanonood. Kahit ako ay nagtataka kung ano ang nangyari. Then isang ilaw ang tumama sa lead vocals.
" Bago kami magpatuloy, e isang intermission muna. Mga tropa support tayo huh! Yung taong ito ang dahilan kung bakit pumayag kami na tumugtog dito. Kaya brad! Go ka na, Lights on!", sabi ng lead vocals ng kamikazee at pagkatapos ay namatay ulit ang ilaw .
Wala akong ineexpect kung ano ang posibleng mangyari pagkatapos. Then isang spotlight ang tumama sa stage at nagulat ako sa nakita ko. Si Owen. Tahimik ang lahat.
Nakatayo si Owen sa harap ng isang malaking keyboard. Nakatingin lang sya sa akin at ganun din ako sa kanya. Sinimulan nan yang tipain ang tiklado ng keyboard. Isang magandang accompaniment. Relax na relax si Owen sa pagtugtog hanggang sa nagsimula na syang kumanta.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...