CHAPTER 0 : HOME

5.1K 126 2
                                    

Tapos na ang bagong taon. Balik normal na ang lahat. Balik pasukan ulit at mamumublema na naman ang mga magulang sa mga ibabaon ng mga anak.

Habang busy pa ang lahat at may hang over pa sa kasiyahan, heto at may isang lugar na madilim,nakakilabot ang katahimikan at waring hindi man lang ata dinaanan ng sigla ng Pasko.

Ito ay ang Tow away compound.

Bakit? Ano bang ineexpect nyo sa tambakan ng mga sirang sasakyan? Enchanted Kingdom? Malabong maging ganun ang ambiance ng lugar, dahil dito naipon ang mga alaala na iniwan lang para mabulok at kalawangin hanggang sa tuluyan ng masira.

Ang compound at ang mga sasakyan dito ay reflection ng isang mundong huminto nang maniwala sa salitang pag-asa.

Kung iisipin, ang mga kotse dito ay maihahalintulad mo sa mga taong sumuko na sa buhay. Mga taong pumayag na hanggang dito na lang ang kayang abutin ng kanilang mga pangarap at huminto na sa paglalakbay.

Bagamat nababalot ng dilim ang lugar na ito, heto ang isang Double Decker bus... na hindi pumapayag na tuluyan syang kainin ng kawalan ng pag-asa. Isang liwanag ang makikita mula sa loob nito na nagsisilbing tala sa tuwing sasapit ang madilim na gabi.

Matagal na naimbak ang bus na ito sa compound. Dati tong vacation bus ng isang mayamang pamilya noong 1984. Pero dahil sa gulo sa bansa noon dahil sa Martial law, napilitan na umalis ng bansa ang pamilya at hindi na nagbalik. Napunta sa katiwala ang bus at ibinenta naman daw ito sa isang bus operator.

Naging sikat ang bus dahil sya ang bukod tanging double decker bus na planong gawing pampublikong sasakyan kaso hindi ito natupad. Dahil sa pulitika sa pagkuha ng permit, hindi na ito naipasada.

Dahil sa laki at dami ng gastos, dumating ang panahon na nagsawa na rin ang bagong may-ari sa pagpipilit na maipasada ito. Sinubukan nyang ibenta ito pero walang nagkainterest. Hindi nagtagal ay naimbak nalang ito sa towaway area sa Ortigas nang mahuli ito dahil nang minsang subukan itong ipasada ng walang kaukulan na permit.

Nainpound ang sasakyan... dahil sa dami ng kaso nalabag. Ang masaklap nito, dahil sa dami ng multa, hindi na ito tinubos ng may ari.

Mula sa pagiging high end na bus hanggang sa naging pampublikong sasakyan , heto sya ngayun at ginawa na syang basura. Bumilang ng ilang buwan nang mapagdesisyunan na ilipat ito sa impounding area na mas malaki. At yung araw na inilipat ito dito, sa Antipolo.

Lahat ng mga headlights ng sasakyan ay nakatutok sa bus noong dinala sya sa Compound. Siguro kung nagsasalita ang mga sasakyan,siguro iniincourage nila ang bus para sumuko at maging tulad din nila na wasak pero bigo sila.

Kahit sinasabi na ng mga kotse at truck sa paligid nya na mas madaling sumuko , patuloy pa rin itong tumatayo sa kabila ng mga unos. At kahit may kalawang na rin ito sa paglipas ng panahon, gumagawa sya ng paraan para hindi sya tuluyang sirain nito. Lagi nyang ipinapaalala sa kanyang sarili, " Mayroon pa akong halaga".

Hanggang sa isang gabi,pitong taon na ang nakalipas, napatunayan nya na totoo ang kanyang paniniwala. Naging kanlungan sya ng mag ina na mula pa sa malayong lugar at tinuring sya bilang tahanan. Simula noon ay nagkaroon sya ng bagong dahilan para manatiling buo.

Sa bandang huli, ang double decker bus ay nagkaroon ng ibang pangalan. Kinilala syang Balai bus o bus na tahanan.

Ang liwanag na nanggagaling sa loob ng bus ay mula sa lamparang de gaas na nagsisilbing ilaw ng mag ina sa kanya nakatira. Kahit hindi katulad ng ilaw na mayroon sya npon, sya naman ang bukod tanging nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi sa lugar na larawan ng kawalan ng pag-asa.

" The end ", sabi ng isang studyante habang binabasa ang isang story sa school publication. Sa totoo nadala ako sa pagsasalaysay nya kaya naimagine ko yung eksena.

" Grabe... hugot ng writer nito, sobrang lalim.", sagot ng isa pang estudiyante.

"Sino kaya itong si SquickyClean? Lakas makammk ang mga drama ."

" Pangit yan siguro kasi , pa pen name pen name pa...", sabi ng isa pang estudyante. Tawanan ang umpukan ng magkakabarkada.

Habang patuloy sa usapan ang ibang mag aaral ng Colegio de San Francisco, isang misteryosong binata ang palihim na kumuha ng isang school publication bago ito nagmamadaling lumabas ng Campus. Hindi mo makikita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng hoodie.

Nagmamadali itong umalis. Either may hinahabol or may pinagtataguan. Patuloy lang ang binata sa pagtakbo.

Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad , ay dumating ang estudiyante sa isang compound na may malaking gate na gawa sa yero.

Pumasok ito sa compound. Habang naglalakad ito ay tinitingnan nya yung illustration ng featured article ng Balai Bus. Huminto ito saglit at tumunghay.

Sa malayo ay nakikita nya ang isang bus. Kinompare nya yung illutration sa school article at yung bus na natatanaw nya.

" Hanep ah, parang kinopya lang... " , habang pinapansin nito ang pagkakatulad ng illustration sa tunay na bus sa harapan nya .

Dun palang tinanggal nang binata ang hoodie nito habang naglalakad papalapit sa bus. At makikita ang maamong mukha ng isang morenong binata na medyo wavey ang buhok.

" Hindi naman ako pangit, sakto lang, diba balai bus.", sabay pasok nito sa loob pagkatapos nitong makuha ang sinampay nito ng uniform na may tatak na Detour carwash.

Pagpasok nya loob ng Balaibus ay agad nyang pinuntahan ang drawer at sa kailaliman nito ay kinuha ang picture. Isang graduation picture ng binata nung sya ay nagtapos ng elementarya , kasama ang kanyang ina.

Tinitigan nya ito. Bahagyang ngumiti... " Nanay, miss you po... ", sabay buntong hininga.

" A home is where your heart belongs , no matter how unconventional it is..."

DRIVE ME CRAZY (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon