Pagkatapos ng isang araw na hangover, balik normal na ulit ako. Pagkagising ko ay may luto ng pagkain. Wow marunong na syang magluto ng itlog at talong. May papel akong nakita sa lamesa na nakalagay ang pangalan ko. Binasa ko ang nakasulat.
"Rodney don't wait for me. I'm doing something. Eat and pasok ka na... Don't forget your food. "
Ano yung something... Anyway, naiisip ko na naman yung nangyari nung mga nakaraang araw. Sa Cr, yung kiss sa noo dun sa over looking, yung nangyari sa inuman tapos yung pag-aalaga nya sa akin. Hindi ko magets. Bakla ba sya? Pero hindi, eh?
Nung mga nakaraang araw, maaga syang gumigising para pumunta sa bakante pang lote. Akala ko kung ano yung ginagawa nya doon kaya nung minsan na sinundan ko sya, nakita ko na sobrang athletic nya, nag baras ng ilang ulit tapos kung ibaliktad yung mga malalaking gulong ng traktora parang wala lang. Wala naman sigurong beki na ganito kalakas. Pero kung beki sya, ginagawa ba nya ito kasi... type nya ako? AHHHH! Rodney! Wag mong pag-isipan ng ganun ang tao. Bad maging Judgemental...
Pagkapasok ko sa school ay ang drift squad agad ang nakaharap ko para ibalita na baka kailanganin ko ng mag-impake ng gamit kasi binili na pala ang school ng isang Mall tycoon at madami na ang magbabago. Mga facilities, pagpapalawak ng campus ang mga magandang mangyayari pero meron ding mga pangit. Isa na dun ay ang pagmamahal ng tuition fee.
Nakasalubong ko si Topher sa Cr. Sinabi nya sa akin na dahil ganito na ang mangyayari sa school, hindi na nya maitatago kay Lexi ang totoo. Plano na nyang sabihin ang totoo. Hindi rin nya kasi alam kung saan sya lilipat. Kahit mas nakakaangat ang buhay nya kesa sa akin. Masyadong malaki na daw ang magiging tuition para maabot ng mga ordinaryong tao. Lalo akong nalungkot. Paano pa ako , eh, mag isa lang ako at hindi ko kikitain ang pera na kakailanganin nila para magpatuloy ako sa pag-aaral.
Scholar ako ng isang NGO, pero hindi ko alam kung saan ako lilipat kung sakali na hindi kayanin ng mga nagpapaaral sa akin ang matrikula. Bukod don, ay ang miscellaneous fees, baka hindi ko na rin kayang bayaran. Napapaisip ako kung ano ang dapat kong gawin.
Tapos na ang klase ko pero yun pa rin ang iniisip ko. Hindi ko man lang nagalaw ang tinapay na ginawa ni Shima bagkos ay puro tubig lang ako hanggang sa maubos na ang laman ng baunan ko. Kahit mainit ang panahon ay wala akong takot maarawan. Ayoko muna umuwi. Napadaan ako sa isang karinderya. Nauuhaw ako kaya nakiinom muna ako.
"Aling Tessie, makikiinom po", sabay kuha ng pitsel na may malamig na tubig at ibinuhos sa baso. Sarap. Nilagyan ko rin ng tubig ang water tumbler ko. Syempre... libreng refill ng malamig na tubig.
Bukas ang tv at finally ay pinakita na sa TV ang mukha ng anak ng may-ari. Kenta ang pangalan, may itsura, kalibre ni Shima pero mas may dating pa rin si Shima. Ano ba tong naiisip ko. Papaalis na sana ako ng may news na pinakita na uso na naman daw ang pagnanakaw ng aso para karnehin."Ano ba yan!!!", bulalas ko sa sarili ko na may halong pagkairita.
"Naku! Exotic delicacy kasi match pag may inuman." Sabat ng isang lalaki na customer. "nakakabuhay daw kasi ng dugo at nang ... HMMM", sabay tawa. Natawa din ang tatlo pa nitong kasama na lalaki.
Hindi ko napigilan na magreact. Kelangan sumagot ako ng may tama pero hindi bastos.
"Kuya, yung pung aso, man's best friend po hindi po man's best pulutan.", sabat ko na painusente.
"Isa pa po, sa tingin ko ang kumakain lang po nyan," pause nang saglit," yun pong mahilig magpaputok, pero puro basyo ang bala..."
Tawanan ang mga kasama nung mamang sumabat kanina. Parang napahiya yung lalaki."Sige po Aling Tessie , salamat po."
Nabwisit ako sa narinig ko , nawalan na ako ng gana. Naalala ko pa nga nung sa Lipa pa kami nakatira, may aso din ako. Nakakalungkot nga lang dahil nung lumipat kami ng nanay ko dito sa Antipolo ay kinailangan ko syang iwan sa kababata ko sa probinsya. Hay.
Habang naglalakad ay natanaw ko ang mga grupo ng mga bata na may binabato na isang AsPin ."Hoy, !!!", sigaw ko sa mga bata tumatakbo papalapit sa mga bata.
Agad na nagsitakbuhan ang mga bata papalayo.
Nang lumapit ako ay nakita ko ang isang kulay gray na aso na sa tingin ko ay cross breed ng AsPin at husky dahil iba ang mata nito. Naalala ko ang aso na ito. Ito yung nakita kong aso na nagtatago sa damuhan nung isang araw na nag-inuman kami.
Pansin ko na may sugat ito sa may kanang unahang paa at tila iwas ito sa tao. Ipinapakita nito ang matalim nitong ngipin. Para bang gusto nyang sabihin ay, kung lalapit pa ako ay kakagatin nya ako.
Naawa naman ako sa aso na ito. Naiintindihan ko kung bakit kailangan nyang maging matapang kasi tulad nya, wala akong aasahan kundi ang sarili ko.
"Wag kang matakot", sabi ko sa aso," hindi kita sasaktan".
Habang umaangil ang aso ay nakikita ko na sinusubukan nitong humakbang paatras kada hakbang ko papalapit sa kanya. Inilabas ko agad ang tinapay at ang baunan kong tubig.
Nilagay ko ang tinapay sa lupa. Tatlong piraso pa yun na may palaman na itlog. Napansin ko ang bahagyang pagbabago ng kilos ng aso nang makita nya ang pagkain.
"Wag kang matakot... para sayo yan".
Kahit pansin ko na gusto na nyang kainin ang mga tinapay, takot pa rin syang lumapit.
"Sige , ganito na lang. Aalis ako at iiwan ko na lang ang 'to sayo. "
Bago ako umalis ay pumulot ako ng isang plastic cup ng icecream na siguro ay kinakain ng mga bata kanina. Nilagyan ko ng tubig.
" Pag nauhaw ka, eto yung tubig. Mainit ang panahon ngayon kaya dinamihan ko na."
Iniwan ko na agad ang aso. Nang makalayo na ako sa kanya, saka nito nilapitan ang pagkain. Small act of kindness. Sapat na yun para magood mood ako kahit na problemado.
Dumaan muna ako sa simbahan para magdasal. Humingi ng gabay. Kumuha ako ng kandila at naghulog ng limang piso sa donation box. Pagkatapos kung sindihan ang kandila ay ipinikit ko ang aking mga mata.
"Lord, ako ito ulit. Alam nyo na po dasal ko... Isang garapon pa ng tapang po for take out." Habang taimtim akong nagdadasal.
"Bakit hindi mo pa gawing dalawa... may special offer si Lord. Free daw ang isa", sabat ng boses ng lalaki na nasa tabi ko.
Hindi ako nagpatinag, hindi ko pinansin. Tuloy lang ako sa dasal habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Lord, pa order na rin po ng suwerte, mga isang banig po. Inaalat po kasi ako ngayon..."
"Hindi suwerte kailangan mo... Asukal ang kailangan mo para naman tumamis ang maalat sayo",sabat na naman ng tinig sa gilid ko.
Napipikon na ako pero hindi ako nagpatinag.
" Yung pasensya po", habang medyo irritable na ang tono." Bigyan nyo po ako ng isang balde..."
" Bawasan mo nang isang tabo, na kita ng isang balot ngayon na mismo..."
Hindi na ako nakapagtimpi. Kung anime ito, may ugat na sa ulo ko na gustong sumabog. Siguro mga tatlo kasi strike na eh...
Binuksan ko ang mga mata ko na parang nagliliyab at tumingin sa taong nasa kanan ko. " Alam mo kanina ka pa...".
Napailing ako nang makita ko ang tao sa kanan ko. Isang lalaki na tinatakpan ang mukha ng isang balot ng pasensya. Nang tinanggal nya ang harang sa kanyang mukha ay napangiti ako.
"Sinagot na ni Lord agad ang hiling mo", habang natatawa , "pero isang balot daw muna... Musta na Rodning labo".
"Kamusta ka na rin ,Owing Tuko...", sabay masaya kaming nagyakapan nang kababata ko galing Batangas. Si Tuko also known as Owen Paredez.
Kwentuhan ko muna kayo. Si Owen or si Tuko ay kababata ko sa Lipa. Pareho kasi kami ng birth date, pareho kaming nag-iisang anak at pareho kaming makulit. Lagi kaming share sa baon nyang pasensya. Hindi nga kami mapaghiwalay noon. Away nya ay away ko. Pag may pasa sya, may pasa din ako.
Minsan ay napahamak ako dahil sa kanya. Mga Dose anyos na kami noon nang ipagpilitan nya na makipagkarera ng motor. Para pigilan sya ay umangkas ako kaso matigas talaga ang ulo. Sa huli ay naaksidente kami.
Masyado nyang dinibdib ang nangyari sa akin kaya para hindi na nya isipin yun ay pinauso ko ang tuksuhan namin. Tinukso ko syang tuko kasi sa sobrang kapit nya sa motor napigtas ang manebela at ako naman ay tinawag nyang labo kasi malabo ang mata ko,
Nawalan na lang kami ng communication kasi umalis sila ng bansa nung paggraduate nya ng elementary tapos kami naman ay lumipat na sa Antipolo. Ni sa panaginip ay hindi ko inakala na nagkikita pa kami.
Masyado namin na miss ang isa't isa. Ang dami naming napagkwentuhan. Apat na buwan na daw syang nasa bansa. Naghahanap pa daw sya ng school na pwede syang magtransfer kasi dito na daw sya mag stay ng Pinas. Nagkataon lang daw na plano nyang maghanap ng bahay na sarili kaya nagawi sya ng Antipolo hindi bahain tapos accessible pagpunta ng Manila.
Kahit yung chismis tungkol sa akin ay nakarating sa kanya. Nabalitaan nya daw yung tungkol sa nangyari sa pamilya ko at naisipan nya na hanapin ako. Sus! Bumabawi lang daw sya kasi ang laki daw ng kasalanan nya sa akin.
Kung pagmamasdan ay anglaki ng pinagbago ng itsura ni Owen. Tumangkad tapos medyo pumuti ng konti. Pero mukha nya , wala pa ring pinagbago. Mukha pa ring malibog na painusente.
Mga isang oras rin na nag-uusap kami. Nang magpapaalam na ako. Gusto nya akong ihatid pero ayoko. Syempre, nakatira ako sa isang bus, dapat ba akong maging proud na doon ako nakatira, lalo pa sa isang tao na matagal ko ng kilala? Dahil wala ng magawa si Owen kaya binigyan nya ako ng calling card, pero sabi ko wala akong phone. Napaisip si Owen tapos ay binawi nya yung card at ang binigay nya ay yung phone nya. Samsung yung brand. Gulat ako. Madami naman daw syang phone kaya sa akin na lang yung isa. Ayaw ko sana tanggapin kasi hindi naman ako mahilig sa gadget pero ipinipilit nya.
" Tanggapin mo na para macontact kita", habang pinipilit ni Owen ang phone sa kamay ko." Isipin mo na lang hiram."
"Sige , SIge na ... pero hiram lang to ... Hindi bigay", Sabi ko na napipilitan.
Naghiwalay kami ni Owen ng daan. Napapangiti naman ako sa nangyari. Pagkatapos ng pitong taon, magkakasama kami ulit ng aking ka tag team.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romance"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...