Mahigpit ang yakap sa akin ni Shima. Ramdam ko na hindi nya alam kung paano magsisimula, paano nya ipapaliwanag kung bakit kailangan nyang umalis. Bumibilis ang tibok ng puso ko at nakakaramdam ako ng pagkirot pero kung ito na ang huling gabi nya... hindi ko ito dapat aksayahin.
" I WAN'T TO STAY!", pigil na salita ni Shima. " But...".
" No but, Shima...", sabay dahan dahan akong umalis sa kanyang pagkakayakap. Humarap ako sa kanya at ginantihan sya ng matamis na ngiti. " Normal naman siguro na kakailanganin mo ring umuwi...".
" I made a promise... that I really intend to keep...", sabay hawak ni Shima sa kamay ko.
"Alam ko yun, pero hindi ka taga rito... pakiramdam ko nga nag over staying ka na. ", makulit kong sagot kay Shima. "Baka mahuli ka pa ng immigration kung hindi ka umuwi... Ok lang yun.", sabay lapit sa nakahandang lamesa na may pagkain.
"Pero I'm not sure if I can come back",
Sa narinig ko , bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Para mabigyan ang sarili ng oras para mag-isip, agad akong kumuha ng hita ng manok at agad kong nilapitan si Shima para isupalpal sa bibig nya ang pagkain.
" Ump, Ang dami mong satsat...", sabay pilit akong ngumiti. " Kumain na lang tayo at mag enjoy tayo ngayon. Wag tayong magsayang ng panahon... ".
Gulat si Shima sa nagging reaction ko dahil mahinahon. Wala na syang nagawa kung hindi kainin ang hita ng manok na kagat kagat nya. Hinatak ko sya papunta sa kabilang upuan kung saan sya dapat umupo.
Pagkaupo ni Shima ay umupo ako agad sa kabilang upuan.
" Yan! ", sabay ngiti kay Shima." Pasensya ka na at medyo madumi pa ako.", habang tinitingnan ko ang uniform ko na madaming colored dust galling sa concert. " Ok lang ba kung intayin mo ako dito para makapag-ayos nang sandali."
Hindi ko na inintay ang sagot ni Shima at agad akong umalis para pumunta sa BB para magbihis. Focused ako sa dapat kong gawin. Agad akong naligo ng mabilis at nagbihis ng maayos na damit. Pagkalipas ng 30 minutes ay bumalik ako.
Hindi naman ako talaga mahilig pumorma, pero ngayong gabi, gusto ko na maging pinakagwapong teenager sa buong Pilipinas, at sa pakiramdam ko naman ay naachieve ko. Maayos ang buhok at nakasuot ng medyo smart casual na damit. Ngayon ko lang ginawa ito ... dahil gusto ko na itong ayos kong ito ang pinakamaalala ni SHima.
Pagkakita ni Shima sa akin ay bigla syang napangiti.
" Wow!",
" Impressed?!", tanong ko habang nakangiti.
" More than impressed , I'm captivated!".
Agad na lumapit si Shima sa akin, at gusto pa rin atang magpaliwanag pero bago pa sya magsalita agad kong piningot ang ilong nya.
" Aw!".
"Makinig kang mabuti. Ok na yun. Gets ko na aalis ka. Understood ko na yun, wala nang paliwanagan. Ok!", mahinahon kong sermon. " Ayoko na sabihin mo pa sakin kung kailan, ang mahalaga ngayon, dahil nag effort ka nang mag prepare at pumorma nang ganyan, Sasabayan kita. Maghappy happy tayo. Para may maganda akong pabaon sayo bago ka umalis.", at pagkatapos ay binitawan ko ang ilong ni Shima.
NAgkaroon kami ng unawaan ni Shima pagkatapos noon. Agad kaming umupo sa table at kumain. Wala kaming pinag-usapan tungkol sa pag-alis.
BINABASA MO ANG
DRIVE ME CRAZY (boyxboy)
Romansa"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy approach. The story is about Rodney , who lives stagnantly sa lugar ng mga towaway na sasakyan na hin...