Starbucks Katipunan, 5PM
Napangiti nalang si Kiefer nang matanaw sa entrance si Bea. Palinga linga ito, hindi pansin ang mga tingin ng tao sa paligid. Di n'ya masisisi ang mga ito dahil standout talaga ang babae; maganda, matangkad, maputi. Nakita n'yang nahanap na s'ya nito at tumayo s'ya para salubungin ang dalaga.
"I thought di mo na ako makikita," biro n'ya dito.
"Sorry, ang dami kasing tao eh," natatawang sabi nito. "So ano? Meryenda muna bago dinner?"
"Grabe ka! Hahaha! Pero sige, ano ba gusto mo?" tanong n'ya rito.
"Di na, nahihiya na ako eh." namumula pa ang pisngi nito. Pinigilan n'ya ang sariling kurutin ang dalaga. "Pero gutom na talaga ako, swear. Kaya isang Java Chip, grande, no whipped cream tsaka Blueberry Cheesecake please."
"Baka gusto mo pa dagdagan?" biro n'ya na kinasimangot nito.
"Are you mocking me, Mr. Ravena?"
"No madam, I'm teasing you because you look so cute when you're mad." kinindatan n'ya pa ito.
"Stoooop! Gutom na ako! Go and buy me meryenda na! May dinner pa tayo later!"
——
"So how's Ateneo so far?" tanong n'ya dito.
"Hmmm. Okay naman. Same training lang din naman 'yong ginagawa namin no'ng high school kaya di na ako nabigla. Medyo mas intense lang, pero carry naman." paliwanag nito. "I'm so freaking excited to play na. Kelan ba matatapos games n'yo?"
"Grabe ka sa basketball!" natatawa n'yang sabi dito. "Latter part pa lang ng round 2, so medyo marami-raming games pa."
"So—
"Kiefer!"
Nilingon n'ya ang tumawag sa kan'ya. It's a girl. Lumapit ito sa kanila, tumingin ito kay Bea, na ngumiti naman dito. Tila narelax naman ito, akala siguro ay girlfriend n'ya ang kasama.
"Yes?"
"Hi, I'm a fan. P'wede magpapicture?" nahihiyang sabi nito.
"Sure, sure." pumwesto ito sa tabi n'ya.
"I can take the photo, miss. You like?" alok ni Bea. Nagdalawang isip pa ang babae pero inabot naman nito ang cellphone. Nagpasalamat ito sa kanila bago umalis.
"Wow. You're really famous." nakangiting sabi ni Bea.
"Uh, hindi naman." natatawang tanggi n'ya.
"You are! Pa-humble ka pa," pang-aasar nito. "How does it feel? You know, people recognize you kahit saan. Great? Or nah?" tanong ni Bea.
"I guess..it's a mixture of both. It's a nice feeling to be acknowledged by so many people, to have this little influence, the ability to change their minds, to inspire, while you're doing something you're passionate about. But then, there are downsides. Privacy, judgments, this tendency of people na isipin na you're perfect."
"Hmmm. So how do you cope?"
"I guess it's pretty much about the people around you. I felt the need to surround myself with people na may positive attitudes. Kapag mga gano'ng klase ng tao kasi ang kasama mo, things become bearable. You can laugh at bashers, you can survive defeats, you see things in a better perspective."
"Noted." nakangiting sabi nito.
"How about you? How do you deal with the transition?"
"Honestly? I'm a bit afraid." pag-amin nito. "Ateneo is an emerging team. I can already feel the pressure eh, kahit rookie palang ako. Lalo na siguro sila Ate Ly, Ate Den, Ate Ella. I wanna contribute. I wanna lessen the things they have to do."
"I'm sure you will, Bea. You're in the team because you have purpose."
"Amen, Pastor Kiefer." biro nito.
"Dinner canceled." nakasimangot n'yang sabi.
"Joke lang! Hahaha!"
——
BEG, 10PM
"Ly, are you sure maiwan ka dito?" tanong ni Mae sa kanya.
"Yeah, yeah, mag-extra minutes ako ng practice."
"Grabe, sipag! Dapat sayo double MVP eh." pang-aalaska ni Ella sa kan'ya.
"Shut up and go home, Ella! The food is waiting." ganti n'ya rito.
"Talaga! Di ka namin titirhan kala mo!" bumelat pa ito na kinatawa n'ya.
"Sige na, sige na! Sunod ako!"
Malayo na ang tawanan ng mga team mates n'ya nang magsimula s'yang kumuha ng bola sa rack. She's trying to sharpen her service. Makakatulong ang service aces sa kanila, less effort for points.
Nakakailang service na s'ya nang mapansin n'ya ang isang lalaking nakaupo sa benches. Kinabahan s'ya, lalo na't medyo malayo ang guard sa pwesto n'ya. Kinalma n'ya ang sarili, and nagdecide na lapitan na ito. May hawak syang bola, a spike won't kill right?
"Hey mister."
Nakita n'yang namutla ang lalaking kaharap. "H-Hello."
"Anong ginagawa mo dito? Reporter ka ba? Spy?"
"No! I'm..I'm...I'm a fan." nilapag n'ya ang bola at natatawang naupo sa tabi nito.
"Nasa gag show ba ako? Wow mali?" tanong n'ya rito.
"I'm serious. I'm a fan of yours, Alyssa." sagot ng lalaki.
"Wow. You know me."
"Who wouldn't? You're the other phenom." nakangiting sabi nito.
"Wait, you look familiar." nilapitan n'ya pa ito para makasigurado. "You're..you're a Ravena? Thirdy?"
"Uhm, yeah."
"HAHAHA! Grabe, ikaw pala 'yan. I know your brother. Oo nga, oo nga, you're a Blue Eagle na nga pala nakita ko sa news. Welcome to Ateneo!"
"T-Thanks." simpleng sagot nito.
"So bakit ka nga nandito? Wala naman kayong practice ah?"
"I just want to see you and introduce myself." tila nahihiya ang lalaking kaharap.
"Well, you just did." nakipag-high five pa sya kay Thirdy.
"Also, may I have your number?"
"Uh..sure. Sure." dinikta n'ya ang numero sa lalaki.
Naging awkward ang atmosphere nang ilang sandali. "What are you doing kanina?" tanong ni Thirdy na bumasag sa katahimikan.
"Practicing my service."
"May I help you?" tanong nito.
"Huh? You know how to serve? Ay, of course. Your mom is a legend. Idol grabe." nakangiti n'yang sabi dito.
"Uhm, I don't really play volleyball that much," sabi nito. "But expert akong magpulot ng bola."
Natawa sila pareho. There was no awkward moment the rest of the evening.
———
A/N:
Prologue's comment box was fun! Haha! I know, I know, you are all waiting for an explanation. This chapter is the start. *wink*
Updates are twice a week, probably every Tuesdays and Saturdays. No other days, unless it's badly needed.
Comments? Suggestions? Game!
Winking,
J.
YOU ARE READING
Change of Hearts
FanfictionAlyssa is for Kiefer. Bea is for Thirdy. But in a parallel world, Thirdy ended up liking Alyssa. Kiefer seems to be falling for Bea. Will somebody fix the mess? Or we are just stubborn to think that it is a mess, but the truth is, that's how...