"Kuya, promise, ang hot talaga no'ng chick kanina sa gym. Kailangan ko s'ya makilala." ramdam na ramdam ni Kiefer 'yong excitement sa boses ni Thirdy.
"Thirds, pangatlong beses mo na 'yan. Sasapakin na kita. Paulit ulit?" inis n'yang sabi dito, pero napalitan din nang ngiti nang makita n'yang nagreply na ang kausap n'ya.
"I'm good, Kiefer. How about you? :)" nagmamadali s'yang nagreply. "Okay lang din. Kamusta training?"
"Naninibago pa ako. Hahaha! But I'll be fine."
"Okay, dinner tayo bukas?" kinakabahan n'yang tanong sa katext.
"Manong, pansinin mo naman ako! Baka kilala mo 'yong chick, lagi ka sa gym di ba. May pinopormahan ka do'n di ba?"
Dahil good mood s'ya, nagbigay atensyon na s'ya sa kapatid. "Ano ba itsura? Describe mo sa'kin."
"Matangkad, morena, ang lakas pumalo, tapos smiling face! Ang cute pa tumawa. Shit."
Nag-isip s'ya saglit. "Ahhh, si Ly."
"Ly?" parang nakakita ng candy 'yong mukha ni Thirdy. "Ano whole name?"
"Alyssa Valdez. Transferee from UST high 'yon. Magaling sabi nila. Type mo talaga?" natatawa n'yang tanong kay Thirdy.
Di na s'ya sinagot nito dahil nagse-search na ito sa internet. Napailing nalang s'ya sa kapatid. Babatukan n'ya dapat ito nang tumunog ang cellphone n'ya.
"Sure, Kief. Libre mo ah!"
"Oo naman! Hahaha! See you tomorrow, Bea! :)"
---
A/N
How dare me, right?
Wondering too,
J.
YOU ARE READING
Change of Hearts
FanfictionAlyssa is for Kiefer. Bea is for Thirdy. But in a parallel world, Thirdy ended up liking Alyssa. Kiefer seems to be falling for Bea. Will somebody fix the mess? Or we are just stubborn to think that it is a mess, but the truth is, that's how...