Baguio, 6AM
I'm tapping my foot on the floor while humming, fighting the cold air of Baguio. I'm still two persons away from the shower, so I had to find ways para hindi ako mainip. While waiting, I heard the guys from the other side of this house, ang aga aga ang ingay nila. While kaming mga girls, tahimik lang. Inaantok pa yata tong mga kasama ko.
"Nakatulog ka ng maayos?" biglang tanong ng nasa harap ko. I smiled at her.
"Okay naman. Nanibago lang, pero since bunk beds din naman kami sa dorm, medyo sanay na. Although never ako naka-experience ng ganitong set-up na parang barracks." paliwanag ko.
"I'm Kate nga pala, from AdU. Badminton."
"I'm—
"No need na, Alyssa." natatawa n'yang sabi. Medyo nahiya ako kaya tumawa nalang din ako.
"Saan kayo nagpunta ng buddy mo kagabi? Sino nga 'yon? Si Kiefer Ravena?" tanong n'ya.
"Ah, yeah. Si Kiefer. D'yan lang sa tabi-tabi, nag-ikot lang. Kayo? Sino partner mo pala?"
"Boyfriend mo ba 'yon?"
"Ha?"
"Si Kiefer."
"Ay, no. We're friends." tanggi ko. Natawa na naman sya sa'kin.
"Nako, nako, nako, akala ko kayo eh. Sobrang sweet and attentive n'ya sa'yo."
"No!" tanggi ko ulit. "Kiefer is just...ano...ganun lang talaga s'ya. Natural na sa kanya yun." sabi ko.
"Alam mo, okay lang 'yan. Sooner or later, mafi-figure out n'yo rin yang feelings n'yo." giit n'ya. Hindi ko na rin alam ang isasagot ko kaya iniba ko nalang usapan.
"Bakit? Di ba sweet and attentive yong partner mo sayo?"
"See? Umamin ka rin na sweet sya sayo. Hahaha! Ang isda, nahuhuli sa dagat." Grabe, ang kulit kulit ni Kate.
"Hala, namula nalang s'ya. Wait dapat pala dinala ko 'yong phone ko. Alyssa Valdez is blushing in front of me, oh my gosh." panunukso pa n'ya.
"Grabe, grabe..." 'yon nalang 'yong nasabi ko.
"Hahaha! Sige na nga, titigilan na kita. Anyway, 'yong partner ko? Si Dawn."
"Wow, girl power." sabi ko. "Nasan na sya? Nakaligo na?"
"Ay, hindi. Lalaki si Dawn, MBT namin."
"Oh.. okay. Sorry, akala ko babae. Puro girls kasi kilala kong Dawn."
"Ay nako, okay lang 'yon. Para naman talagang babae 'yong si Dawn. Parang laging nireregla!" nakasimangot nyang sabi.
"Hahahahaha! Bakit? Di kayo close?"
"Ay nako laging aburido ang lolo mo. Di yata dinala sa Jollibee ng magulang n'ya nong bata pa sya. HAHAHA!"
"Grabe ka kay Dawn!" pati 'yong mga kasama namin dito sa loob tawa na rin ng tawa kay Kate.
Nagtaka ako kung bakit di na sakin nakatingin si Kate. Nilingon ko yong tinitingnan nya. And nakita ko si Kiefer na nakatayo few meters away from us. Bumalik 'yong tingin ko kay Kate.
"Sige, ako na magbabantay sa slot mo. Nagrorosaryo pa yata si Ate girl na taga FEU. Kanina pa sya sa loob." sabi nya. Natawa na naman ako. "Puntahan mo na 'yong boy—este—friend mo."
Alam kong wala na akong lusot kay Kate kaya hinayaan ko nalang sya and lumapit na ako kay Kiefer.
"Heey.." bati ko.
YOU ARE READING
Change of Hearts
FanfictionAlyssa is for Kiefer. Bea is for Thirdy. But in a parallel world, Thirdy ended up liking Alyssa. Kiefer seems to be falling for Bea. Will somebody fix the mess? Or we are just stubborn to think that it is a mess, but the truth is, that's how...