Chapter 3

5.5K 185 35
                                    



Cainta, 7PM

"Goodevening guys! What's for dinner?" masigla n'yang bati sa mga tao sa bahay. Nilapitan n'ya ang mommy n'ya at hinalikan sa noo, nilapitan n'ya ang daddy n'ya at si Thirdy para makipag-fist bump, at pinanggigilan ang pisngi ni Dani.

"Manooooong! Masakit, ano ba!" reklamo nito sa kanya. Niyakap n'ya ito ng sobrang higpit habang tumatawa.

"Aba, aba, masaya yata ang panganay ko ah," panunukso sa kanya ng mommy nila habang nagsusulat sa planner nito. Mukhang matatapos na ito sa gagawin dahil nakaligpit na ang iba nilang gamit.

"Syempre ma, inlove yan eh!" segunda ni Thirdy.

"Grabe kayo! Di pwedeng mahal na mahal ko lang kayo kaya ako ganito sa inyo?" depensa n'ya.

"Sus manong! Wag kami, pwede." nakasimangot na sabi ni Dani habang nagbo-browse sa cellphone nito. "Daming tweets na nakatag sa'kin, spotted kayo no'ng rookie. Ibang klase ka talaga kuya!"

"Wag mo pinapansin 'yon. Fan ko lang 'yon" sabi n'ya. Lalong sumimangot ang bunso nila na kinatawa n'ya.

"O s'ya tama na yan kumain na nga tayo baka saan pa mapunta yang usapan n'yo."

——-

"So Kiefer, sino tong binabanggit ni Dani kanina?" tanong ng mommy n'ya habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato n'ya. Ganon sa bahay nila, napaka-maalaga nito na kinalakihan na nila ang pag-pamper nito sa kanila.

"Ma, wala 'yon."

"C'mon, Kief. We're just curious." sabi ng daddy nila. At alam n'yang wala na syang lusot kapag ito na ang nagsalita.

"Well, gaya nga ng sabi ni Dani, rookie s'ya ng volleyball team—

"Mens?"

"Ma naman!" reklamo n'ya sa pangaasar ng mommy n'ya. "She's from Poveda. Bea is her name. Uhm, we're just trying to know each other."

"Grabe, my classmates were telling me about her, she's really good daw manong sa volleyball. Mabait pa raw and sobrang kulit." sabi ni Dani.

"Of course, and very pretty." kumindat pa sya sa bunso nila.

"Ewww! 'Yon talaga mas mahalaga, di pwede yung personality?" tanong nito.

"Dani, in reality, mukha ang unang nakikita, di ba daddy, Thirds—

"Beautiful, youthful, face might be important, but it doesn't last that long, Kiefer. Personality is timeless," pangaral ng mommy nila. Nagroll eyes pa ito sa kanya. Humilig sya dito at naglalambing na dumipensa.

"Dad, Thirdy, kampihan nyo naman ako. Di ba tama naman ako?"

"You already know Kief kung kanino ako kampi," natatawang sabi ng daddy nila. Kinindatan nito ang mommy nila.

"Grabe! Daming langgam!" sabi n'ya.

"Well, daddy, I second the motion." nakataas ang kamay na sabi ni Thirdy.

"Taksil ka, Ferdinand! Parang di mukha ni Ly ang unang napansin mo ah?" pang-aasar nya dito.

"Ly?" tanong ng mommy nila. "Alyssa Valdez?"

"Yeah mommy. Yang si Thirdy may pinopormahan na rin yan sa ALE. Nako, bat ako lang ang nagigisa dito."

"Thirdy?"

"That's not true." natatawang sabi ni Thirdy.

"We have to talk later, Ferdinand." sabi ng mommy nila. Inismiran n'ya si Thirdy.

Change of HeartsWhere stories live. Discover now