Chapter 2

6K 155 30
                                    

BEG, 5AM

"Kiefer? What are you doing here?"

Nilingon n'ya ang babaeng nagsalita, ngumiti s'ya dito habang tinatago ang cellphone n'ya sa bulsa. "Hi Ly, uhm, wala lang, nagpapahangin lang." natatawa n'yang sabi dito.

"Kief, ang dami daming parteng mahangin dito sa Ateneo, dito ka talaga sa gym nagpunta?" natatawa ring sabi ng babae. "Seriously, why are you here?"

Napakamot nalang s'ya ng batok, lalo na nang tumabi na ng upo sa kan'ya ang dalaga. Alam n'yang wala s'yang kawala dito. "Uhm, nagdala lang ako ng food..for Bea."

Nakita n'yang tiningnan nito ang paperbag sa tabi n'ya, at tumingin ulit ito sa kan'ya. Tapos ay umiling iling ito.

"What? Bakit ganyan ang reaksyon mo, Miss Alyssa Valdez?"

"Wala, wala. Phenom ka talaga in all possible ways e noh?" di n'ya mapaliwanag ang mukha ng babae. Natatawang naiinis? Umiismid? Ngumiti nalang s'ya dito.

"Anyway, maya-maya pa siguro si Bea. Inuna sila ni Coach. Hintay ka nalang siguro d'yan." tumayo na ang babae, ngunit pinigilan n'ya ito.

"Ly,"

"Ha?"

"Since you're the team captain, can I ask for something?"

"Ano 'yon? Wag ka lang mangungutang." biro nito na kinatawa n'ya.

"Okay lang ba kung paminsan minsan dumalaw ako sa inyo? Mangungulit lang pag walang training, ganyan." paalam n'ya.

"Dadalaw sa amin? O baka naman dadalaw sa kanya?"

"Grabe ka naman! S'yempre kasama na kayo do'n. Team mates n'ya kayo eh." depensa n'ya.

Ilang minutong katahimikan ang dumaan.

"Kiefer, be honest. Are you courting Bea?" diretsang tanong ng babae.

Tinititigan n'ya ito, Alyssa really has this ability to make you feel that you have to tell her the truth. Maybe because you know she would do the same, all the time.

"No." sagot n'ya rito.

"Then what are you doing?"

"I'm just trying to know her..better."

"Hmmm. Nothing more, nothing less?"

Ngumiti s'ya dito. "Only time can tell Ly. But don't worry, ikaw ang isa sa mga unang makakaalam."

Tumango ito sa kan'ya. "I'll keep those words, Kiefer."

Tinanaw n'ya itong maglakad palayo.

Whew, Kief. Good job. On to the next.

———

"Ly, anong meron kay Ravena at Bea?" bulong ni Ella sa tabi n'ya, habang tinatanaw sila Kiefer sa kabilang parte ng court, kinakain ni Bea ang dalang pagkain nito.

"Sabi ni Kiefer sa'kin, she's trying to know her. Ayon lang." sagot n'ya habang inaayos ang gamit n'ya sa gym bag. Maaga ng 30 minutes natapos ang practice nila, at nagpapasalamat s'ya dahil may extra time pa s'ya para magreview para sa quiz n'ya mamaya.

"Grabe, iba talaga kamandag nitong si Ravena no?" komento ni Ella, at natawa sya dito dahil halos di na n'ya maintindihan ang sinabi nito.

"Lunukin mo muna kasi yang nginunguya mo bago ka magsalita, besh!" inirapan s'ya nito.

"Ravena? What's up with him?" pagsali ni Amy sa usapan.

"Ah, wala. Itong si Ella naghahanap ng tsismis kay Kiefer at Bei," sagot n'ya.

"Kiefer at Bei?" tanong ni Denden. "As in Kiefer at rookie Bea?" tiningnan pa s'ya nito.

"Malinaw naman ang pagkakasabi ko di ba," natatawang balik n'ya. "Kung ayaw nyo maniwala tingin nalang kayo sa kabilang side ng gym."

"OMG! Totoo nga! Grabe, grabe lang."

"Sila na?" tanong ni Denden.

"Hay jusko dapat pala nirecord ko nalang yong usapan namin ni Kief para di ako paulit-ulit ng paliwanag," naiiling na sabi n'ya. "He's trying to know her, sabi n'ya. We don't know kung saan sila papunta, but I hope they end up well." tumayo na s'ya. "Sige guys, mauna na ako. May quiz pa ako mamaya eh, review muna ako. See you later!"

"Ly!" nilingon n'ya si Denden.

"Okay lang 'yan." ngumiti ito ng makahulugan sa kan'ya, tapos tumawa na ng tuluyan.

"Shut up, Lazaro!" irap n'ya dito.

———

Cainta, 5PM

Shems, ang ganda n'ya talaga.

Tuloy tuloy lang ang pagbrowse ni Thirdy sa mga pictures ni Alyssa sa Twitter. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang makilala n'ya ito at sa loob noon, ang dami pa n'yang nadiskubre sa dalaga.

Una, sobrang lakas ng appetite nito. Di s'ya makapaniwala no'ng una n'ya itong inayang magmeryenda. Nakadalawang order ito ng spaghetti, isang chicken, isang burger, at peach mango pie. Bukod pa sa inorder nilang snacks sa campus. Tinukso nga nya ito at hindi na nya uulitin. Masakit manakit ang mga spiker.

Pangalawa, sobrang down to Earth ng dalaga. Ibang klase na ang impact na nagagawa nito sa UAAP at sa volleyball community pero wala kang mararadamang ere dito. Wala itong queen bee attitude sa mga kaibigan o team mates. Normal pa rin ito sa Ateneo, hindi nanghihingi ng special treatment ang mga galaw nito.

At pangatlo, mapagmahal itong anak. Di na nya mabilang kung ilang beses na n'yang narinig itong tumawag sa mga magulang, o magkwento sa mga kapatid. She's a loving daughter and sister. No wonder inuulan ng blessings ang dalaga.

"Kuya—

Nagulat s'ya nang pumasok si Dani sa kwarto. Agad n'yang tinago ang cellphone.

"Ay sorry, busy ka ba?" naka-peace sign na sabi nito.

"Hindi naman. Pero sana kakatok ka di ba. Manners, Dani. Manners."

"Ang seryoso mo naman masyado! Pahiram sana ako iPad?"

"Nandyan sa cabinet."

"Ba't tinago mo cellphone mo? Nanonood ka ng ano no? Okay lang 'yan kuya, naiintindihan kita. HAHAHA!"

"Dani!" saway n'ya dito. Natatawa lang itong lumabas ng kwarto. Napailing nalang s'ya sa bunso nila.

Nagpatuloy s'ya sa pagbrowse, iniisip kung anong susunod n'yang gagawin. Itetext n'ya ba ito? Kaso baka nasa traning ang dalaga.

Thirdy Ravena @ThirdyRavenaaa 1min

Baka kailangan mo ulit ng taga-pulot ng bola @AlyssaValdez2 😂

Ilang segundo pa lang ay sunod-sunod na notification sounds na ang narinig n'ya. Pero di na n'ya tiningnan ang mga ito. Nilapag n'ya ang cellphone sa bedside table, kinuha ang ipod, pinasak ang earphones sa tenga at pumikit.

"If you gave me a chance I would take it

It's a shot in the dark but I'll make it

Know with all of your heart, you can't shame me

When I am with you, there's no place I'd rather be"

—————

A/N

Posting this early because today is a big day. Don't forget to use the hashtag on Twitter: #R3peatTheGloryAteneo plus PhenomDay

Let us all celebrate the 5 phenomenal years of Alyssa Valdez in the UAAP. Win or lose, let us be graceful, okay?

Praying,

J.

Change of HeartsWhere stories live. Discover now