Chapter 20

5.6K 139 13
                                    

Century City Mall, 3PM

Marami akog paboritong mga bagay; rom-com movies, masarap na ulam, ulan sa Batangas, puntos mula sa spike na lumusot sa block, kapag nakakatagal ako mag-plank..napakarami. Pero isa sa pinakagustong gusto kong pakiramdam e 'yong kapag umuuwi ako mula sa isang mahabang araw. The way na winewelcome ako ng bahay, kung gaano kasarap humilata sa kama, 'yong hangin sa kwarto mo na yayakap sa'yo dahil pagod na pagod ka.

Being with Kiefer right now felt a lot like that.

Kaya kahit natraffic kami ng sobra para lang makarating dito sa mall na 'to kung saan mababa ang chance na may makakilala/makakita sa'min, kahit na hindi naman namin naiintindihan 'tong pinapanood naming pelikula at halos kami lang ang tao; masaya ako.

"Ly,"

"Oh?"

"Ay nako, di ka naman pala nakikinig sa'kin.." nakasimangot s'ya, the usual Kiefer kapag nagmamaktol.

"Sorry, sorry, action scenes kasi nadistract ako.." natatawa kong paliwanag.

"Nanonood ka? Akala ko ba di mo type yan kaya nga yan pinili ko para wala akong kahati sa atensyon mo..ngayon na nga lang kita maso-solo tapos—

"Dami mong sinabi alam mo yon?" tawa pa rin ako ng tawa tapos niyakap ko sya. "Na-miss kita..."

"Alyssa Valdez hindi mo ako makukuha sa ganyan..." umismid pa sya.

"Ayaw mo sa'kin? Di mo na ako love?"

Tinititigan n'ya lang ako sa dilim tapos bigla syang ngumiti tapos sya naman yong yumakap.

"Haaay...bakit ba mahal na mahal kita kahit ganyan ka?"

"Anong kahit ganyan ako?" reklamo ko.

"Sus! Ikaw naman mangaaway ngayon?" tukso nya. "Na-miss din kita.."

Tumawa nalang kami pareho. He intertwined his fingers with mine habang ako, pinatong ko yong ulo ko sa balikat nya.

I'm home...

"Ly.."

"Oh?"

"Nakalimutan ko ikwento pero nag-usap kami ni Thirdy nong nakaraan.." he said habang nakatingin sa screen ng sinehan. I looked up to him.

"Ano sabi n'ya?"

"Naalala mo 'yong bumili ka ng milk n'ya? Pagkalabas noon, kinamusta n'ya ako. Sabi ko sa kanya ayos lang ako, and then he asked about our Baguio trip. Casual lang naman ako nagkwento, yong mga ginawa natin. Then he asked me paano ka maging team mate. Sobrang daming questions pero ang weird doon, they're all connecting me to you. He even asked me about that time noong second year tayo tapos nagtatawagan pa tayo. I don't know, pero nakakahalata kaya s'ya?" kwento n'ya. I stared at the screen and thought about what he said.

"You know what? Thirdy has been weird lately." I admitted. "Something has changed about the way na kinakausap n'ya ko. Hindi na katulad ng dati. You know him di ba? He's very direct and minsan may pagka-flirt talaga s'ya and hindi kayang tanggalin ng amnesia sa kanya 'yon." we both laughed. "But these past few days, he's so quiet and casual. Minsan nga pakiramdam ko he don't even want to see me, or the way he talks to me, it's not the way na kausapin n'ya ako noon." tumatango tango lang si Kiefer while nagkwe-kwento ako.

"Tapos last night, nagtanong si mama sa'kin.." Kiefer continued. "Kasi last time nag-aya bigla raw si Thirdy na mag-Tagaytay. And then doon sa kinainan nila, may mga crew na lumapit claiming na twice na raw kumain si Thirdy doon with a girl. Sabi nga raw ni mama baka ikaw, pero I know na hindi kasi di ba nanggaling tayo ng Baguio? Then there was a sweater and a letter na iniwan daw no'ng girl doon tapos binabalik kay Thirdy. He can't recall the things na sinasabi nong mga crew."

Change of HeartsWhere stories live. Discover now