Chapter 7

5.7K 193 65
                                    


Bus, 9AM

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa katabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, pano ba naman simula Ateneo hanggang dito sa expressway, walang kibo. Nakatingin lang sa bintana. Samantalang yung mga magkakapartners sa likod namin, ang iingay. Kami lang ni Ly ang mukhang magkagalit. Malamang kahit 'yong mga nagcocommute ngayon, masaya pa rin kahit papano.

Hindi pa rin s'ya kumibo, kaya napabuntong hininga nalang ako. Kinalabit ko na s'ya.

"Uy.."

"Ay, bakit Kiefer?" tanong ni Ly pagkalingon sa'kin. Di ko alam kung malalim lang ba talaga ang iniisip n'ya o nagkunwari nalang sya na di n'ya ako narinig kanina.

"Sabi ko bakit ang tahimik mo.." ulit ko.

"Ah, wala, wala. Iniisip ko lang kung tama ba 'yong mga gamit na dinala ko. T'saka 'yong mga naiwan ko, ang dami kasi. Nagmamadali pa tayo.."

"Basta let me know kung may kailangan ka, baka may p'wede tayong alternative sa mga dala ko." sabi ko sa kan'ya. Ngumiti lang s'ya sa'kin tapos tumingin na ulit sa bintana.

"Ly, wala ka bang balak na makipagkwentuhan sa'kin?" tanong ko sa kan'ya.

"Ha?"

"Hanggang Baguio ganito tayo? Walang bonding?"

"Ano naman pagkwe-kwentuhan natin?" tanong n'ya.

"C'mon Ly, friends naman tayo di ba? Catch up naman tayo sa buhay ng isa't isa, dami na nating na-miss since..since..sophomore tayo." nakita ko na medyo na-awkward-an s'ya, pero napalitan din ng ngiti.

"Wala namang nagbago, jusko. Ganun pa rin naman buhay ko, training, aral. Ateneo, dorm, Batangas." kwento n'ya.

"Weh? Nakikita ko sa mga tweets n'yo dami mong gala with your team mates and friends.." tukso ko sa kanya.

"So ini-stalk mo ko? Grabe ka Kiefer! Hahaha! Wala 'yon, pampatanggal stress lang. Minsan kailangan din natin mag-enjoy."

"Wow. Ikaw ba 'yan? The last time, you told me life is too short to waste time on unimportant things and people. Ngayon, YOLO ka na." sabi ko sa kan'ya. It was a little bit late for me to realize na may halong panunumbat 'yong tono ko. It resulted to a short, awkward silence.

"But it's nice ha!" bawi ko. "It's good that you're now having fun. Kailangan mo 'yan since balita ko pamatay raw training n'yo kay Coach Tai."

"Ay nako, sinabi mo pa!" natatawa n'yang sabi. "Grabe, hindi ko nga alam kung bakit buhay pa ako ngayon after all the drills, plankings, and sessions we had with him. Feeling ko second life ko na 'to." she added.

Tawa ako ng tawa sa mga kwentong trainings n'ya, mga antics ni Denden para makatakas kay Coach Tai, mga palusot ni Amy, at ang mga pangaalo nila sa mga rookies.

"Pero si Bea, matibay 'yon. Sanay na sanay na yata sa ganung training eh. May mga nakwekwento ba sya sa'yo?" tanong n'ya sakin.

"So usually, ilang minutes ang tinatagal mo sa pagpa-plank?" tanong ko sa kan'ya. Nakita kong napangisi s'ya sakin.

"Ahh, akala ko nakalimot ka na sa deal natin eh."

"Ano ka, one meal deducted na nga, mauubusan pa ako ng ulam?" sabi ko. Natawa nalang kami parehas. Di namin namalayan, kami nalang ang maingay sa bus. Halos lahat ng teams, tulog na.

"Oh my gosh, Kiefer. Tayo nalang ang maingay." sabi n'ya, lumuhod pa s'ya sa upuan n'ya para makita 'yong ibang mga teams. "Tulog na sila oh." turo n'ya. Hinila ko s'ya para maupo.

Change of HeartsWhere stories live. Discover now