Chapter 6

5.3K 179 47
                                    


Ateneo, 4AM

Natatawa nalang ang mga team mates n'ya sa kanya nang for the second time around, chineck na naman n'ya ang mga bag n'yang dala. All of them are awake to send her off sa 2-week long leadership camp n'ya sa Baguio. Kahit alam n'ya na mag-eeffort talaga ang mga ito na ihatid s'ya, 'di pa rin n'ya maiwasan na ma-touch sa mga ito.

"Ano ka ba naman Valdez, 'di ka mapakali d'yan sa mga dala mo! Di ka naman maga-abroad ah?" pang-aasar sa kan'ya ni Ella.

"Oo nga, t'saka kung may maiwanan ka naman p'wede ka naman bumili do'n." segunda ni Denden.

Inirapan n'ya ang mga ito habang isa-isa ulit n'yang binabalik sa maleta ang mga gamit na dala. Di pa nasanay ang mga ito sa kanya. She's always been the OC one sa kanila. Kaya nga mother goose ang peg n'ya sa team dahil hindi talaga n'ya hinahayaan na umalis sila nang hindi n'ya nadodouble check ang mga gamit nila.

"Grabe naman kayo, ang hirap makaiwan ng gamit no. T'saka gastos pa, pag-uwi ko doble na 'yong gamit ko. You can save a lot of things if you're careful—

"..and you can also lose things if you're TOO careful." putol ni Denden sa sinasabi n'ya.

"Things lang? Di ba, people din?" sabi naman ni Amy. Natahimik ang lahat sa sinabi nito.

"Hay nako kung ano-ano sinasabi n'yo tama na nga. Ayan! Tapos na ako, baka may masabi pa kayo," tiningnan n'ya ang relo n'ya. "4 na, kailangan ko na umalis. Nandon na siguro 'yong bus sa BEG." tumayo na s'ya sa couch at sinukbit ang bagpack n'ya. Isang malaking maleta naman ang hila hila ni Jia at Kim habang naglalakad sila palabas.

"O pano, two weeks akong mawawala. Wag kayong pasaway okay? Yung mga plugs, lagi nyo tanggalin sa pagkakasaksak kapag aalis kayo. Yung mga bedsheets, wag kayo kumain sa kama,  tapos wag kayo mag-iwan ng pagkain sa lamesa alam n'yo naman 'yong mga pusa dito sa dorm—

"Oo na, oo na, Mama Ly. Tama na sige na, go. Kaya na namin ang aming mga sarili." sabi ni Den habang tinutulak sya.

"Bye Ly! Uwi namin ha!"

"Bye guys!" sagot nya habang paatras syang naglalakad para matanaw ang mga ito.

——

Ilang hakbang nalang s'ya sa BEG nang matanaw n'ya ang mga taong nakaupo sa labas. May dalawang malaking bus din sa tapat ng gym, at kalat kalat ang mga tao. 'Di n'ya maaninag kung sino-sino ang mga ito dahil madilim pa. Ilang hakbang pa ay natanaw n'ya si Father Jett habang kausap si Coach Tai. Lumapit s'ya sa mga ito, bumeso s'ya sa coach at nagmano sa presidente.

"Good morning po!"

"Oh, Alyssa. Nand'yan ka na pala. Ready ka na ba?" nakangiting bati ni Father Jett.

"Yes po. Alis na po ba?"

"Maya-maya pa, hintayin pa natin yung delegates from NU."

Napamaang s'ya dito. "NU po?"

"Ah, yes. Sorry, 'di na ata nabanggit sa'yo ni Coach Tai. Hindi ka rin yata naka-attend sa meeting kahapon no? So ayun nga, UAAP decided to make this camp an association-wide activity so you will be with various athletes from other schools."

"Omg, grabe. Pangmalakasan pala tong camp na to. May competition po ba?" biro n'ya sa pari.

"That's something you have to wait for," nakangiting sabi nito. "Oh, andyan na pala ang mga taga-Taft." nilingon n'ya ang mga tinutukoy nito. Nakita n'ya ang isang grupo pababa ng bus ng La Salle. Pamilyar sa kan'ya ang mga mukha ng mga ito, pero ilan lang ang kilala n'ya sa pangalan. Napangiti s'ya nang makita si Ara Galang pababa ng bus. Tumakbo s'ya palapit dito.

Change of HeartsWhere stories live. Discover now