Chapter 5

5.4K 150 32
                                    



Cainta, 12MN

Ngiting ngiti si Thirdy nang pumasok ito sa kwarto nila. Sumisipol sipol pa ito, and he hate himself for feeling envious. Mukhang masayang masaya ito habang s'ya, 'di na n'ya ma-figure out ang nararamdaman n'ya.

Kiefer Ravena @kieferravena 2mins

~Well now you've come and gone, I finally worked it out, I worked it out

Matapos n'ya magtweet, humiga na s'ya at nagtalukbong. Naririnig n'ya ang mga notifications ng cellphone n'ya pero wala s'ya sa mood makipaginteract sa mga fans. Di pa naman s'ya marunong mag-control sa sarili kapag badtrip.

Naramdaman n'yang lumabas si Thirdy mula sa banyo, binuksan ang cabinet. Maya maya'y lumundo ang kama, tanda na nakahiga na rin ito. Nagulat s'ya nang bigla s'yang daganan nito.

"Thirdy! Ano ba! You're heavy!" reklamo n'ya.

"Ba't ang drama mo manong? Anong problema?"

"Wala ako sa mood magkwento. Matulog na tayo." sagot n'ya.

"C'mon. You can tell me, baka makatulong ako."

"Wow ha, masaya ka lang ngayon kala mo naman you can solve all the problems in this world." nakaismid n'yang sabi. Tinawanan lang s'ya nito.

"That Bea girl, no wonder sumasakit ulo mo sa kan'ya. She didn't accepted my Facebook friend request. Pano ko s'ya ma-assess? How can I vote for her?"

"Bakit eleksyon ba? Kandidato ba s'ya? Just let her. Baka kasi di ka gwapo sa profile pic mo." sagot n'ya rito.

"Lol! S'ya nga tong volleyball net ang profile picture eh. Tapos di ko pa sya nakikita sa mga practice. Feeling ko she's not really that pretty." komento ni Thirdy.

"Shut up! She's not into social media lang talaga. She's not active sa Facebook." pagtatanggol n'ya kay Bea.

"Pakilala mo kasi sa'min. Malay mo makatulong sa kung ano mang pinagdadaanan n'yo ngayon."

"Let's not talk about us na. I can handle this. Ikaw, you seem so happy but you have to be very careful kay Ly. She's not an ordinary girl." sabi n'ya dito.

"Bakit? May past kayo para masabi 'yan?" si Thirdy naman ang umismid sa kan'ya. Di na n'ya sinagot ito at nagtalukbong na ulit s'ya ng kumot.

You wouldn't want to know, Thirds.

Eliazo, 11PM

"Hey, Bea. What's up? Bakit nand'yan ka pa sa labas?" tanong n'ya sa rookie. Nakaupo ito sa steps habang nakatingin sa kawalan nang datnan n'ya ito mula sa dinner nila ni Thirdy.

"Ly.." acknowledge nito sa kanya. "Nothing, just..thinking."

"...about Kiefer?" alok n'ya ng sagot dito. Tumingin ito sa kan'ya, then Bea smiled at her. But it didn't met her eyes.

Umupo s'ya sa tabi nito.

"C'mon, you can tell me anything Bea." inakbayan n'ya ito. Tahimik pa rin ito.

"How can you tell if he's the one, Ly? How can I choose? Where will I get the courage to choose?" tanong nito.

"The problem Bea is, choosing is just a part of the big process of loving. Hindi porke't pinili mo ang isang tao para i-zoom ang focus mo, e do'n nalang nagtatapos lahat. Prologue lang 'yan ng istorya." sagot n'ya rito.

"What do you mean?"

"I meant, you met someone. You're interested. Suddenly you're drawn into that person. Hindi mo mapigilan na tingnan s'ya. Tapos nakakaimagine ka na ng dates at wedding bells. Pero hindi ibig sabihin no'n, he's the one. Kasi kung gano'n nga, then everybody that can pick our interest can bE called 'The One'.." paliwanag n'ya rito.

"Hmmm.."

"Sabi ko nga, prologue. The next thing to happen is you'll get to know that person more, deeper, down to his bone marrow. You discover things. You wisk away all those magical dusts around to see the reality. And that's where everything will start to be crucial." pagpapatuloy n'ya.

"Make or break, gano'n?"

"That's an understatement. Making and breaking are weak words. I said crucial because that's the turning point. P'wedeng madiskubre mo na 'yong bagay na sobrang hate mo, gustong gusto pala n'ya. Pa'no na? Most of the people will start to drift away once may bagay na makapagpa-turn off sa kanila. But some, they manage to accept everything, the flaws and all. Because you know what? Everything is a two-way street. Hindi dapat tayo maging mayabang na para bang tayo lang ang may karapatang mamili sa mundo. Oo nga, you chose him, but hey, pinili ka rin n'ya among others."

"Should I be thankful then?"

"Hindi mo naman dapat gawing utang na loob sa kan'ya na pinursue ka n'ya, or s'ya sa'yo for allowing him. Hindi dapat tayo nagbibilangan. No one should count, encode and tally the things you do for each other. That's not how love works." sabi n'ya.

Minutes passed, and pareho lang silang nakatingin sa kawalan ng katabi.

"Why are you so great at this, Ly?" maya maya'y nakangiting tanong ni Bea. Hindi agad s'ya nakasagot dito. Hindi n'ya alam kung papano. In the end, she just simply answered her.

"I know, because all these things, these are the reasons why I lost someone long time ago."

————-

A/N:

Hello there! I'm back.

Syempre magso-sorry muna ako dahil sa delay na nangyari. I badly wanted to update but my finger killed me for how many days. Di pala scotch tape sa bibig ang pipigil sa kadaldalan ko (virtually and in reality) bugbog na daliri pala. :D Anyway, thanks for waiting patiently though. I'm really grateful. Although it took me almost whole day to finish this. It's so hard to write when your thoughts are fast but you have to slow down typing. Hassle.

Q: "Bakit wala pa sila sa Baguio?!"

Chill lang. Mahaba ang byahe papunta do'n. At mas magiging mahaba ang pabalik. Kaya antay antay lang. Hehehe. T'saka mahirap mag-organize ng leadership camp oy, wala akong mahanap na caterer. May kilala ba kayo? HAHAHA!

Q: Pero KiefLy at BeaRdy end game nito, di ba?

Hehehe.

Naka-Japan japan pose ngayon,

J.

Change of HeartsWhere stories live. Discover now