Chapter 32 and 33

506 6 2
                                    

Point Of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

Parang kagabi lang ang saya saya ko, remember kami na! Aweeeee! Pero ngayon? Tsk. Mukha na kong bruha! Tulo tulo ang pawis ko, buhaghag na buhok! Pawis na katawan! Nanlalagkit na ko Dapat pag christmas vacation, gumagala na eh! Pero eto last day namin sa school, rush lahat! Yung mga requirements! Bat ba kasi nalimutan namin to? Lahat kami busy.. Haaaay! Matatapos rin 'to!

Nandito kami sa hall, kung san nangyari lahat kagabi! Hahaha! Di talaga ko makamove on! Lalo tuloy ako nararush eh! Pero dito na kasi kami pinapunta para isang submit nalang ng requirements. Pagod na pagod na talaga ko. Wala na muna akong pake sa itsura ko, si Fierce kaya nakapagpasa na? Haay...

"Hoy!"

"Hoy ka rin wag ka magu-- Fierce?"

"Yep! Bat ganyan itsura mo? Tsk."

"Eh kasi dami dami pinapapasa!"

"Tss. Tapos na ko diyan eh. Ang tamad mo talaga!"

"Hay. Edi ikaw na ! Tss."

"Lika nga dito!"

Halika daw dito tapos siya yung lumapit sakin. Abnormal talaga.

"Hoy babae, peram nga nyan.."     Kinuha niya yung pony ng katabi ko, hindi naman ginagamit nung babae kaya pinaheram niya kay Fierce. Saka takot lang nun! Baka nga kiligin pa yun eh! Bat kasi ang gwapo nito. Bango bango pa oh, naamoy ko. Ang angas lang talaga.

"Oh! Ano nanamang iniisip mo diyan?"   pagtatanong niya  habang ginalaw niya yung buhok ko.

"W-wala."

"Ayan okay na.Ikaw na ulit yung girlfriend ko."

"Fierce naman eh! Bakit ganto!"

"Eh hindi ako marunong magpony eh! Hayaan mo na basta nakatali! "    inis na sabi niya tapos nagpout pa. Huhuhuz.. Pogi na nagpacute pa? Lecheng buhay yan.

"Tss. Oo na nga!"     Pinony niya kasi yung buhok ko, wala siyang ginamit na suklay. Ang gulo parin pero pwede na. Para lang di mainitan.

"Ang dugyot mo, nakakasuka muka mo! Hahahaha!  Bat kasi di ka nagdadala ng panyo. Babae ka ba talaga?"   Sinasabi niya yan habang pinupunasan yung pawis ko gamit yung panyo niya. Tae. Kung pede lang sumabog sa kilig kanina pa ko sumabog! Grabeee siya yung tipong napakawalang hiya pero may sweet side pa rin. Huhuz. Kinikilig na. Huhuhuz tologo.

Ramdam kong inggit na inggit yung mga tao dito. Kasi yung bulungan nila akala mo nagsisisigawan. Mainggit talaga kayo! Hahahaha!

"E-eh! Nalimutan k-ko eh!"

"Tsh! Hayaan na nga . Alam ko naman kasing baboy ka talaga. Hahahaha!"

"Ang sama mo!"

 Pansin niyo madalas na siyang tumatawa? Dahil sakin yan! Hahaha! Joke.

"Hahaha! Oh, sayo na 'tong panyo. Patay ka sakin pag nakita pa kitang pawisan. Wala ka bang polbo? Polbohan kita! Hahaha. Joke ano ko bading? Sige na bilisan mo na diyan, may pupuntahan tayo maya. Bye. "    tapos kiniss niya ko sa noo.

Enebe.

" Eyn, ang swerte mo naman."

" Oo nga nakakainggit ka."

"Ah- eh? Thankyou? Hahaha! Sige ha tatapusin ko muna 'to. May date pa ata kami ng boyfriend ko.."

Hahaha! Ang mean ko naman sakanila. Pero totoo naman! May pupuntahan daw eh! So date haha! Neneneh!

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon