Chapter 13

708 5 2
                                    

Fierce Klein Godwin

Boring na sa bahay, boring pa dito sa tambayan. Tss. Asa bahay kaya si nget-nget? Hahahahaha! Wag ko daw siyang tawaging panget at tibe eh. Masunurin kaya ako kaya pinangalanan ko nalang siya ng nget-nget! Bakit nget-nget? Short for panget! Hahahahaha. Ang talino ko. 

Para kasing tanga yung pangalan non. Eight! Hahahaha! Eight nga ba? Bakit kasi number! Teka, ano bang paki ko! Saka ba't ko iniisip 'yon? Graabe nakakakilabot! Makaalis na nga dito pupunta nalang ako dun.

"Fierce! San punta?"   tanong ni Code

"Sa impyerno!"   sabi ko. Hahaha! Sanay na yang mga yan sakin. Biglang nagsalita si Rain.

"Sama ko oy!" 

"Tss!" 

"San nga?" nagtanong nanaman si Code psh masagot na nga.

"Sa bahay ni nget-nget." 

"Ha? Sino yun?" sabay na tanong nung tatlo, si Brix? Ayun! Yung expression ng mukha nagtatanong shit, ang tahimik ng gago, di kaya napapanisan 'to ng laway? 

"Psh! Hahahahaha! Si Eight yun."

"Pfffft! Hahahahahahahahahahahahaha!"   mga abno ata tong mga 'to, biglang hahagalpak ng tawa.

Tengene. Ba't nga ba tumatawa 'tong mga 'to?

"What's funny?"   nakakapikon eh.

"Pre, Eyn! hindi Eight! Hahahahahahahaha!" 

Lalo pang lakasan ang tawa? Nice. 

"Gusto niyo sumama sakin?"

"Sasama mo kami kala EIGHT? Hahahahahahahahahaha!"  silang tatlo nanaman. Pucha talaga, si Brix pangisi ngisi lang. Kung madaldal lang 'to, mang aasar din yan. Bwisit, big deal ba yun? Magkatunong naman.

"Oo kakain tayo!" 

"Hahahahahahaha! Tara daw kala EIGHT." 

Tapos tumayo sila at naglakad. Ge tawa pa! Masaya kayo eh! Kainis! Ano bang pakealam ko! Eh sa Eight ang alam ko eh.

Nagtataka ba kayo kung ba't kilala nila yung panget na yun? Malamang! Exotic yun. Tsk. Ah basta! Bwisit!

Code Jin Young

Di ko naisip 'to. Pawis na pawis na ko. I mean kami pala. Ba't kasi kami tumawa dun sa "Eight"  eto kaming apat pinapahirapan ni Fierce. 

Ayun si Fierce andon sa loob ng kotse niya tapos kami yung naghihila, si Brix ang swerte, dahil nga tahimik siya, ayun sila ni Fierce yung nasa loob. Take note, wala namang problema sa kotse niya gusto niya lang talaga kami pahirapan, may nakatalli sa bewang namin pati sa leeg, kami lang naman yung naghihila para umandar yung kotse. 

Ang malala may mga nakasabit na cardboard samin.

Sakin ang nakalagay: "Eight years old ako nung maging mama's boy ako. Hanggang ngayon. Ahihihi. I'm shy"  Tsss! Hindi ako mama's boy! Masunurin lang ako. 

Kay Rain ang nakalagay: "Eight ang pangalan ng nangloko sakin! Ako si Nine!" Hahahaha! Mas malala! Parang pang may sira sa utak. Hahahaha!

Tapos kay Dwayne: "Eight years akong mag-iintay sa taong di ata ako kayang mahalin! Magbakla nalang kaya ako?" Hahahahaha! Mas okay na yung sakin kesa sa dalawang 'to! Hahahahahaha!

Peroooo aisht. Nakakahiya, pinagtitingan na kami dito. Di ko pa ata nasasabi sainyo na sikat kami dito. Oo. Hindi lang sa school. Ewan ko. Para talagang kaming tanga dito! Ba't kasi talaga tinawanan namin yun. Wrong move.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon