Point Of View:
-Eyn Krishnel C. Ford-
Ang aga ni Saichi magpunta dito sa Condo, dahil Junior & Senior Prom na mamaya excited siyang mag-isip kung ano bang dapat na itsura namin. Kung ano bang pabango at style ng buhok ang dapat meron kami. Ugh. Hindi ko alam pero parang hindi ako excited.
Dapat diba sulitin ko 'to kasi once in a lifetime experience lang 'tong JS. Haaay. Siguro apektado lang talaga ako sa mga nangyayari sakin nitong nakaraang buwan. Malapit na rin kaming magtapos ng highschool. Isang buwan na lang. Dapat masaya ako diba?
Isa lang naman ang hinihiling ko eh, na sana malaman na ni Jillian lahat. Para okay na ulit kami, para wala na kong kahati, para wala ng nahihirapan, para happy na lahat. Kaso hindi naman fairytale 'tong buhay ko eh, realidad 'to na nagpapakita na may mga bagay talagang hindi nakakamit ng simpleng hiling lang.
Pero sa loob ng isang buwan? Dapat diba sapat na 'yon? Masyado na ata akong naabuso. Oo may sakit si Jillian, pero kung nasasaktan siya ng pisikal, ako emosyonal. Sobrang sakit, na halos sumuko na ako pero pinipilit ko pa ring lumaban.
Paano kung kailangang pumili ni Fierce saming dalawa ni Jillian? Kung ako ang pipiliin niya, edi sobrang saya. Pero pano kung hindi? Pano kung marealize niya na mas mahal siya ni Jillian, na mas kailangan siya ni Jillian? Paano ako? Lalaban pa ba ako? Sa tingin ko hindi na. Pag dumating kasi yung time na kailangan niyang pumili, pipillin niya naman ako kahit gano kahirap ang sitwasyon diba? Yun eh kung mahal niya ako. Pero pano kung hindi? Shit. Siguro kahit gaano rin kahirap, kailangan kong sumuko.
Tao lang din ako. Nasasaktan. Napapagod.
Pero sana, kung mangyari nga 'yon. Sana ako. Sana ako ang piliin niya at hindi si Jillian. Sana ako. Pero kung hindi talaga, sige susuko na ko.Shet. Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Hindi naman niya kailangang pumili eh.
Haaay. Eyn, mag-enjoy ka na nga lang muna. Bwisit naman kasi eh.
"Cut if off girl! Ano ba? Tulala ka diyan habang ako halos maubusan na ng hininga katatawag sayo? Mygahd. Don't tell me hanggang mamaya sa party ganyan ka? Nako nako, bestfriend wag ka ng umattend kung ganyan ka lang!"
"So-sorry naman! Oh ano na? Pipintahan mo na ba ang mukha ko? Go sagow na!"
Inismidan niya ako. Bwisit talaga 'tong bestfriend ko. Oo, hapon na ngayon. Malapit ng mag seven o'clock. Yun kasi yung start ng JS Prom namin. Sana maging masaya. Valentines pa naman ngayon. Andon kaya si Jillian? Sabi kasi pwede daw ang outsiders. Haay. Oo malamang andon, kaya nga nagpasama siya kay Fierce kagabi diba? Shit naman. Ihahanda ko nalang ulit ang sarili ko.
"Hoy bestfriend! Minemake-upan na kita at lahat tulala ka pa din? Wag na nga nating ituloy 'to!"
"Galit agad. Game na. Seryoso na."
Tapos nantirik na naman ang mata ni Saichi. Tinawanan ko nalang. Oo siya ang magmemake up sakin at sa sarili niya. Magaling siya magmake up. Nagagawa niyang magmukhang tao ang mga mukhang hayop. Lols. Ang hard lang. Oh well just saying.
Buti nalang may pakinabang si Dwayne. Susunduin niya daw kami ni Saichi. Nalungkot ako bigla. Kung sana hindi dumating si Jillian, edi may susundo din sakin. Edi sana may escort din ako ngayong JS Prom. Kaso tulad ng sinasabi ko hindi ako si Cinderella, na may Prince Charming.
Pakiramdam ko tuloy ako yung dakilang extra.
Extra na sumisira sa magandang lovelife nung dalawa.
Ano ba naman Eyn!
"Ow shit! Bestfriend ano ba? Ulit ulit! Sumasala na yung make-up oh!"
Nag peace sign nalang ako sakanya. Ano ba yan. Bat kung ano ano kasi nasa isip ko.
BINABASA MO ANG
Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]
RomantikBakit sa lahat ng gago, sa'yo pa?