Chapter 48

440 5 1
                                    

Point Of View:

- Eyn Krishnel C. Ford -

Nagpapaulit ulit pa rin sa isip ko yung eksenang nakita ko kahapon. Alam ko para sakin 'yon eh. Dapat matuwa ako diba? Pero bakit ganon? Bakit ang lungkot. Ang lungkot na malamang nagexpect ako na para sakin 'yong paghahandang 'yon pero hindi pala.

Bakit kung kailan gusto ko na ipagtapat kay Fierce lahat, dadating pa siya?

Ang tapang ko noon, nung dumating si Ate Shiyin na akala ko girlfriend ni Fierce.

Pero bakit ngayon, bakit ngayong ex niya 'tong kaharap ko bakit parang nanghihina ako.

Hinang hina na ako.

Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang bawat araw na makikita ko silang magkasama.

Dapat ako 'yon diba? Dapat ako ang kasama niya.

Ako ang girlfriend diba?

Ex niya lang naman 'yon diba?

Pero bakit ganito yung pakiramdam ko. Pakiramdam ko, talong talo ako.

Ang sakit sakit.

Sobrang sakit. Hindi ko alam, ayoko mang pumasok ngayon. Kailangan ko pa rin ipagpatuloy 'to.

Isa pa, si Folex.

Hindi siya pumuntang Japan.

Mas pinili niyang samahan ako dito. I should be thankful right?

Hanggang ngayon, nandito pa rin siya sa condo. Nakatulog ako, matapos ang pag-iyak ko kagabi. Akala ko pag naiyak ko lahat okay na ako kinabuksan. Pero bat parang mas sumasakit.

Pag nakikita ni Folex na naiiyak ako, magjojoke siya sakin. Hindi ko pa rin magawang tumawa.

Nandito kami ngayon sa school, inihatid ako ni Folex.

"Babu, please. Ayoko ng iiyak ka. Be strong. Stay strong, for me please.."   kita ko yung hope sa mukha ni Folex.

"I'll try babu. I'll try."

Tapos sinarado ko na yung pinto ng kotse niya. Yung ngiti ni Folex, yun yung nagpapalakas sakin ngayon.

Ayoko munang makita si Fierce. Hindi muna ngayon. Ayoko muna, kasi masasaktan lang ako.

Pero sadyang ang unfair ng mundo.

Bakit naman kung kailan hinhiling kong wag muna siyang makita, eh makikita ko talaga siya. Shit. Hindi na naman ako makahinga.

May bonus pa eh.

Kasama niya yung ex niya. Bakit ako ganito. Pakiramdam ko tutulo nanaman yung luha ko. Pero ako ang girlfriend diba. Bakit hindi ko magawang ipagmalaki sa kanila 'yon? Naiinis na ko.

Siguro iiwas muna ako. Iiwas na lang muna ako, kasi kapag sumabak ako sa gyera ngayon, panigurado talong talo ako.

Talong talo ako.

Tama, iiwas na ko. Iiwas ako.

"Hi! You're the girl yesterday right? How are you? Okay kanaba?"

Shit. Ano, iisnabin ko ba? Aalis nalang ba ako? Oo aalis nalang ako. Deadma.

"Ahmmm. Oo, ako nga. O-okay na ko."    Bakit hindi ako umalis? Bakit hindi ko sila nilampasan? Bakit hinayaan kong tignan ang daliri nilang nakapulupot sa isa't isa.

Fierce, ako ang girlfriend mo. Tulungan mo naman ako. Please.

"Glad you're good. Wanna have lunch later? I don't take no for an answer eh."    Why is she asking me questions like this? Nananadya ba siya.  Fierce.. ikaw, bakit hindi ka maka-imik.

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon