'ETO ANG totoong nangyari:
SUMMER VACATION, before 2nd year college…
*buzz*
Busy ako sa harap ng lapptop habang naghahanap ng fanfic na mababasa nang may nag-buzz sa YM ko. Tiningnan ko kung sino 'yon. It was Roma, one of best friends from high school.
pinkshuMiiGoddess: sis!
Na-reply ako agad…
seravyYuyumiiyu: sis! Kmusta? Imishuu!
pinkshuMiiGoddess: ok Lan sis. Ikw? misyaatOo!
seravyYuyumiiyu: ah, ok Lan sis. Bksyon niu na? let’s go out of tOwn!
pinkshuMiiGoddess: ahm, can’t. busy diz summer. But we can meet for some ultra-choco milkshake!^^
seravyYuyumiiyu: ay, sayang. Cge, you’re free on wikend? Sunday, on d’same coffeeshop?
pinkshuMiiGoddess: Ok… I’ll seeyaa!^^
Sunday came. Nag-meet kami ni Roma sa favorite coffee shop namin. Secrets & Sweets. It was a cozy place and we like it there kahit hindi kasing sikat ng Starbuckz at Seattle’s Best.
“So how’s your life?”
Ang tanong na ito ni Roma ang umpisa ng pagkahaba-habang chikahan namin ng maghapon na 'yon. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga chosen courses namin, kung gaano kahirap at stressing ang college life., 'yong ibang interests namin at ibang mga pinagkakaabalahan. Kamusta kaya 'yong mga high school classmates namin? Saan kaya sila nayon?... Then napunta ang usapan sa topic na LOVELIFE…
“So how’s your lovelife, sis?” tanong ni Roma.
“Lovelife? Uhhh… Wala,” sagot ko.
“What?!”
Napatinin sa amin halos lahat ng mga costumers pati mga crew ng coffee shop dahil sa ingay ni Roma. Nahiya kaming bigla.
She cleared her throat and regain composure na parang walang nangyari. “Anyway,” pagpapatuloy ni Roma. “What do you mean ‘wala’? ‘Wala na,’ ‘wala pa?’”
“Wala… pa.”
“Wala pa? You mean Monti’s still the first and the last?”
“Uhm, yeah.”
“Grabe. Second year high school pa 'yon, ah. Magse-second year college na tayo, Cassie. Ilang taon na ba noong nag-break kayo?”
“Four years, two weeks, and six days,” sabi ko. Talagang calculated ko pa. Hindi naman ako magaling sa Math. Pero hindi ko lang maiwasan ang mga araw na lumilipas…
“So wala ka pang balak makipag-date?”
“Wala. Studies muna ako—“
“Ano’ng wala? Hindi pwede.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit naman?”
“Do something,” Roma told me. Hindi ko na siya magets. “Hindi pwedeng wala kang lovelife. Hindi pwedeng ako lang ang may kwentong pag-ibig. Hindi pwedeng hindi ka masaya. Hindi. Pwede!” Now she was hysterical.
“Sino naman ang may sabi na hindi ako masaya? I know you’re concerned for me, sis, but believe me. I am happy.”
Tumaas ang kilay ni Roma. Ayaw yata maniwala sa akin. “Parang galing naman sa ilong mo, sis.”
“Bakit, narinig mo bang nagsalita ang ilong ko? Hindi madaldal ang ilong ko.”
“Corny mo, sis. Anyways, lets go back to the topic.” Buong arte na winasiwas niya ang kamay nya. Like she was swatting a fly. “Gawan natin ng solusyon ang problema mo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/660379-288-k472003.jpg)
BINABASA MO ANG
SILLY SECOND CHANCES [complete book1]
Teen FictionSilly Second Chance (Book 1): A Silly Start "Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?" "Why would I?" "To make it up to me?" "NO WAY!" "Di 'wag. Di tayo bati!" "Uy, joke lang... gusto mo haranahin na kita ngayon.." And this is how our...