Chapter 20 (part 2)

687 25 16
                                    

---

 "HEY, I'M BACK."

Napalingon kami ni Monique kay Mon na kasama pala si Jesse. Ang bilis ng oras.Hindi namin namalayan na alas-dose na pala. Kung anu-ano na rin ang napag-usapan namin ng bago kong best friend, si Monique.

Tahimik at expectant na pinanuod ko si Jesse na lumapit sa girlfriend niya. Mukha namang hindi nakahalata ang dalawa na audience nila ako. Jesse casually makes his way to Monique tilts his head down to hers, and...

Biglang nawala sila sa paningin ko. Tinatakpan na pala ni Mon ang mata ko.

"Hey! Ano ba kayong dalawa?" narinig ko na reklamo ni Mon. "May bata rito, o. Tapos kung anu-anong censored na bagay ang ginagawa niyo r'yan."

Tinanggal ko ang kamay ni Mon sa mukha ko. Nakita ko na lang na nakangisi sa amin ang magkaakbay na sila Monique at Jesse.

"Bakit hindi mo rin i-try kung naiinggit ka sa 'min, dude?" pabirong tanong ni Jesse.

Nagkatinginan kami ni Mon. Even in the dim light, kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Binawi ko agad ang tingin ko dahil bigla akong nailang. Just thinking the two of as kissing... Waaaah!

"What? Don't tell me hindi pa kayo naghahalikan ni Cassie? Diba naging kayo na no'ng high school pa lang kayo? Tsaka may four months na rin kayong nagkabalikan, diba?"

"Shut up, Jesse." Hinawakan na ako ni Mon sa kamay at marahang hinila na niya ako patayo. Ni hindi siya makatitig sa 'kin nang ibulong niya na hayaan ko na lang daw si Jesse na mang-asar.

Aw, ang cute. Marunong rin pa lang mailang  at mahiya si Mon sa ibang tao? At isa pang bagay, talagang wala siyang sinabi tungkol sa past namin kahit sa mga kaibigan niya. Maybe he really has decided to forget our ugly past  and he wants a brand new start.

"I can't believe this. Santo ka pala pagdating kay Cassie, dude?" patuloy lang sa pangungulit si  Jesse. Sumenyas rin siya sa 'kin ng "thums up".

"Sabi ko tumahimik ka na, diba? Subukan mo pang magsalita, Jesse, itutulak kita sa hagdan."

Hindi na mapuknat sa pagkukulitan sila Jesse at Mon habang pababa na kami ng hagdan at pabalik sa party. Kami na lang ni Monique ang nagsabay. Nakasunod sa 'min sila Ate Kisha at Ate Mimi na mabilis nagising nang sinabi namin na twelve midnight na. Mukhang 'yon lang talaga ang signal na hinihintay nila bago sila bumaba.

At naintindihan ko na kung bakit. Biglang nagbago ang buong party hall. Ang pagpatak pala ng alas-dose ang hinihinay ng lahat. Wala na ang sobrang ilaw sa dance floor at ang naka-on na lang ay ang mga black lights, making an enchanting sight as the glow-in-the dark designs and neon lights glimmer on the wall. Bubbles are drifting everywhere, and colorful heart shape balloons occupy the corners. Halos wala nang nakaupo na estudyante. Everyone is having great time dancing and singing and drinking.

IT'S  TIME TO PARTAYYYY!

Kumuha si Monique ng inumin sa bar at inabot ang isa sa 'kin. Hindi ko 'yon tinanggap.

"Oh, you don't drink? Sorry." Inabot niya ang inumin sa katabi niya. "Jesse, sa 'yo na lang 'to. Cassie doesn't drink."

Tinanggap naman 'yon ni Jesse pero sumimsim lang siya at ibinaba ang baso sa bar counter. "Baby dear, sayaw tayo."

"Sure, baby."

And so, naiwan kaming dalawa ni Mon na nakaupo lang sa bar.

"How come the party turned out this way nang maghating-gabi na?"usisa ko kay Mon na nanunuod lang sa mga partners na nasa dance floor.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon