Chapter 8

677 20 12
                                    

[A/N:] ano'ng petsa na, busy bee? *smile*

ahe, may naka-chat ako knina, isa ring mka JPOP! so this is a welcome chaptee for you! *smile*

pavote po! ENJOY!

_______________________________

“WHAT ARE you doing here?”

I try to smile before looking up at Mon, trying to look sweet enough as he walks to me. “Hey,” bati ko sa kanya.

“Hey.” Ang cool lang ng expression niya. Parang wala akong nakita. Parang wala akong dapat ikainis ngayon… “What are you doing here, Cassie?” ulit niya. Umupo siya tabi ko.

“Hmm?” Nilingon ko siya. “Wala naman. Naisip ko lang na dalhan ka nito.”

Inabot niya ang box na binigay ko. He smiles—but only for the briefest of seconds— when he opens the box and sees the doughnuts inside.

“You like it?” tanong ko. “Cute, 'no?"

Tumingin siya sa 'kin. “Nakakahinayang naman yatang kainin 'to.”

“E, 'di ipa-frame mo kung gusto mo.” I don’t know how I can manage to response to him normally. How I can even banter with him. Kanina lang, feeling ko sasabog na ako sa inis no’ng nando’n pa siya sa table ng mga chuwariwariwaps. Ngayon, okay na 'ko.

 Siguro dahil katabi ko na siya ngayon?

Kinurot niya ang ilong ko. “Buti pumasok sa isip mo na puntahan ako rito?” sabi niya.

“Sana nga hindi na lang kita naalala. Kaya lang no’ng nakita ko 'yang mga Domu-kun, ikaw una kong naalala.”

“Wuuu. 'Miss mo 'ko, 'no?”

Well, I do. Pero hindi ako aamin sa kanya. I just watch him eat as I try to weigh the situation.

Tatanungin ko kaya siya tungkol sa narinig ko kanina? Siguro hindi na muna. Okay naman na ang atmosphere between us ngayon, eh.

“'Oy, 'wag mo muna ubusin si Domo-kun. Picture-an muna natin 'yan,” sabi ko habang ina-adjust ang camera sa harap niya.

Nag-pose naman agad si Mon with his supermodel-smile, holding the Domo-kun doughnuts near his smiling lips. After five shots, tinago ko na ang phone ko. Tapos pinanuod ko ulit siyang kumain.

“Diba may subject ka pa ngayon?” tanong niya habang ngumunguya.

“Yeah,” sagot ko sa kanya. “Pero hindi nagpakita 'yong prof namin, eh. Anyway, busy lahat ng profs for finals at busy naman lahat sa department namin para sa shool festival, especially sa acquaintance party next week. Mamaya may department meeting kami.”

“So I won’t see you at lunch?”

“About that…” Tiningnan ko ang ankle boots na suot ko. Naapakan 'to kanina ng classmate ko kaya may konting dumi. Pinagpagan ko muna 'yon bago nagpatuloy. “Sabi ng mga classmates ko sasabay raw silang mag-lunch. Okay lang ba?”

“No.”

“Ang sungit nito.”

“Kung gusto mo silang kasabay mag-lunch, 'di sumabay ka. May kasabay rin naman ako.” Tinuro niya ang mga barkada niya na nasa table ng mga chuwariwaps.

Madaya, sabi ko sa isip ko. I have feeling na gusto rin sana magpaalam na makisabay sa lunch ng mga kaibigan niya. Nauna lang talaga akong nagsabi. At gusto na naman akong asarin ni Mon kaya siya tumanggi sa akin.

“Oo na,” nakalabi na sabi ko. “Magpakabusog kayo.”

He chortles like he won in a game. Sabi ko na nga ba, pinagti-trip-an ako ni Mon. “Kayo rin,” asar pa niya.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon