[A/N:] nakakaloka... talagang hindi ako nagparamdam the whole valentine week! heha... bittah! anyway, namiss ko watty!
anyway, this chaptee is "didikited" to Marmel... ang nagtsaga magkwento sa ken sa comment box ng FB ng Heavenly Forest. pati nagbigay ng way para madownload ko yun. kaya lang praning ako, kea ndi ko na dinownload.. heha ..SALAMAT! uhm, tuloy ang chikahan! *LOLs*
salamat sa pagbasa nito, naloloka na ako sa mga pinagsusulat ko... so ENJOY READING!
________________________________________
TONIGHT FEEL ko magpaka-detective.
Tatlong oras na ako’ng nagkakalikot sa facebook profile ni Monti. Hindi ko alam ang account password niya— hindi ko rin naman hiningi dahil: una, AYOKO NGA, 'no; at panaglawa, 100 percent sure na hindi rin naman 'yon ibibigay sa 'kin ni Mon. Anyway, I respect his privacy and I know the bounderies of where I can put my hands on in this relationship we have. Kahit nga mga parents ko hindi alam ang passwords ng account ng isa’t isa.
Kaya ngayon, hanggang timeline at photo albums niya lang ang pwede kong ma-check. Nahihiya na nga ako sa ginagawa ko. Wala naman akong issue-etchoz kay Mon. Sabi ko nga, I don’t have a bad feeling about what I’ve heard this morning sa usapan nila Samurai-girl at ng mga friends niya. Kaya lang… curious lang talaga ako. And FREAKING OUT!
Kahit na hindi dapat…
So far, may mga nakita at nabasa na akong intriguing…
May mga comments sa box ni Mon na naka-tag at follow kay Samurai-girl. But they were not intriguing enough for me. All were simply banters. Just some trivial chats. Napansin ko lang na kahit ang paraan ng pagsasalita ni Samurai-girl, hindi ko gusto— ang FLIRTY kasi. Para siyang isang dakilang may-crush na pahalata kay Mon.
Anyway, may isa pa akong na-discover: Matagal na palang nasa friend list ko si Samurai-girl. mutual friend namin siya namin ni Monti. Hindi ko kasi chini-check 'yong mga ina-accept ko kaya ngayon ko lang nalaman. Hassel lang kasi. At tsaka nand’yan lang naman lagi ang Unfriend at Block User botton…
So, 'ayon nga. Matagal ko na palang “friend” si Samurai-girl. Which means, matagal na pala siyang may access sa profile ko. Hindi ko naman siya in-add, so that means she was the one who sent a friend request to me. I wonder what she wants to see in my profile. Ayokong maging suspicious na tao… pero naisip ko na hindi naman niya ako ia-add dahil lang gusto niya. Syempre meron siyang motive, diba? Ako nga nag-a-add ng mga artista, writers and singers dahil feel ko magpaka-paparazzi nila. I mean, may motibo ako pag nag-a-add ng friends, malamang siya rin meron.
Ia-unfriend ko ba si Samurai-girl? Wala naman siyang ginagawa sa 'kin na masama. So… hindi na lang yata. Although I don’t feel good about her having access on my profile, hahayaan ko na lang… muna.
In any case, sabi ko nga, hindi naman intriguing at threatening enough ang existence ni Samurai-girl. Pero meron akong nakitang user na nakaka-curious. Actually, that’s an understatement. NAKAKA-INTIMIDATE is the right word for her…
Ni Yao Hei is her user name.
It doesn’t sound familiar to me. Wala siya sa friend list ko, so profile picture niya lang ang nakita ko. Her face isn’t familiar to me either. Pero mukhang magkakakilala sila nila Samurai-girl at Mon pati ng barkada nila. Apparently 'yong mga posts at comments ni Ni Yao Hei ay kino-comment-an at sinasagot nila Samurai-girl at ng lahat sa barkada ni Mon. Even Monti... May mga nabasa rin akong comments and posts niya sa wall ni Mon. At hindi 'yon kapareho ng kay Samurai-girl na puro pa-cute lang. Ni Yao Hei’s words seem to have meaning to Monti.
BINABASA MO ANG
SILLY SECOND CHANCES [complete book1]
Teen FictionSilly Second Chance (Book 1): A Silly Start "Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?" "Why would I?" "To make it up to me?" "NO WAY!" "Di 'wag. Di tayo bati!" "Uy, joke lang... gusto mo haranahin na kita ngayon.." And this is how our...