[A/N:]Ang chaptee na 'to ay “dinididikit” ko kay Ate nhezjhaien. Yep. Para sa 'yo etech ate! Dahil sa ikaw ay maraming tanong at naniniwala ako na “marunong ang nagtatanong!” LOLs at sa 'yo ko rin natutunan ang salitang “isang-gabi” nakakatuwa! ENJOY!
SO… WHAT’S happening now?
Tahimik lang ako habang pinapalipat-lipat ko ang tingin ko kila Mon, Ate Kisha at Ate Mimi. Magkakatapat kaming apat sa isang mesa rito sa students’ office ng building namin. Ate Kish has that victorious smile on her lips… And I’m thinking, just what does that mean?Sa pagkakangiti niya, halos nakaka… inis na siyang tingnan.
Si Ate Mimi naman, alanganing nakangiti, alanganing nakangiwi ang expression niya. Habang si Mon na nakaupo sa tabi ko ay wala pa ring imik mula nang maupo kami rito. Nagbubuno lang sila ng tingin ni Ate Kisha.
Uhm, ano ba talaga ang nangyayari? Sa hitsura namin ngayon, para kaming magkalaban sa korte na nagkaharap-harap— at so Mon ang “lawyer” ko.
“So, ano ba ang pag-uusapan natin, Mon?” tanong ni Ate Kisha na nakangisi na ngayon. Annoying. Pssshu…
“Don’t tell me wala kang clue, Ate?” balik-tanong naman ni Mon.
Gano’n ba talaga ka-close si Mon at si Gov ng department nila? Ang arrogant ng pagkakasagot ni Mon pero parang wala lang 'yon kay Ate Kisha.
“Wala, eh.”
“Huh,” Mon scoffs. “This is exactly what you did last year.”
“You mean 'yong kay Helga? C’mon, Mon. Magkaiba sila ng case ni Cassie…”
Uhm, Helga who? I’m urging to ask.
Hindi agad nakasagot si Mon. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Ate Kish. Or… hindi niya gustong marinig ang pangalang Helga? Ooopsy. Hihilain ko na ba palabas si Mon? Sa hitsura niya ngayon, parang nagtitimpi na lang siya na batukan si Ate Kish.
“Let’s not talk about it,” sa wakas ay sagot ni Mon. “Basta, hindi kami sasabak ni Cassie sa kahit anong pictorial o contest na binabalak niyo. I had done you a favor last year, Ate Kish. Kaya please… leave us… leave Cassie alone. She doesn’t have to suffer all these stress also. Kata-transfer niya lang dito, kung anu-ano na ang pinapagawa niyo sa kanya.”
Napatunganga na ako nang tuluyan. Really? Mon actually pleads. I can’t believe I’m hearing this! At para pa sa ikatatahimik ng mundo ko, huh? Hindi ko maintindihan completely kung ano ba talaga ang nangyayari, but I actually feel happy that Mon’s standing for me.
Pero… “She doesn’t have to suffer all these stress also,” sabi ni Mon kanina. ALSO. Ibig-sabihin meron din naka-experience ng lahat ng panggugulang ni Ate Kish at Ate Mimi last year. Sino? Si Helga?
Sino ba kasi 'yang Helga na 'yan? Iiiiisssshhhh! I BLOODY WANNA KNOW WHO SHE IS!!!
Kaya lang, sino ang tatanungin ko? Si Mon? Susungitan lang niya ako at sasabihan ng “ususera” 'pag tinanong ko siya. Lalo’t mukhang ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol sa kung sino mang Helga 'yon. At ano naman ang idadahilan ko? I feel so curious about that Helga-girl? Ususera nga ang dating ko 'pag gano’n. But, hey! “Marunong ang nagtatanong,” diba?
At wala ba akong karapatan malamang kung sino man siya? In the first place, dinugtong ni Ate Kish kanina ang pangalan ko sa Helga na 'yon, meaning we have common denominator…
Was she Mon’s girlfriend last year? Si… Ni Yao Heiba at Helga e iisa?
Nararamdaman ko na may tutulo nang luha sa kaliwang mata ko. Naku! Hindi ako pwedeng umiyak ngayon. Napaka-irrelevant no’n sa nangyayari at pinag-uusapan naming apat ngayon. Magtataka lang sila Ate Mimi, Ate Kish at Mon… Pero naiiyak talaga ako. Baliw na yata ako. Basta naiisip ko si Ni Yao Hei, ganito ang nagiging reaction ko.
BINABASA MO ANG
SILLY SECOND CHANCES [complete book1]
Teen FictionSilly Second Chance (Book 1): A Silly Start "Are you sure you want to do 'guy stuff'? To COURT ME?" "Why would I?" "To make it up to me?" "NO WAY!" "Di 'wag. Di tayo bati!" "Uy, joke lang... gusto mo haranahin na kita ngayon.." And this is how our...