Chapter 13

663 21 8
                                    

[A/N:] for  ro1ro2ro3, with lab..naks, heha basta tiz' for u! *smile*

_________________________________

“GREAT,” sarcastic na bulong ko. Tapos lumingon-lingon ako paligid. Halos lahat ng babae na dumadaan dito sa hallway e masama ang tingin sa 'kin. So, sino ngayon ang suspect sa paglagay ng kung anong pula at gooey na bagay dito sa handle ng locker ko? Gross!!!

Apat na buwan na akong nandito sa university na 'to, bakit ngayon lang may nambu-bully sa 'kin!

Ah, oo nga pala. Dahil sa nangyari kahapon, no’ng in-announce ni Mon sa isang fan niya— at malamang narinig din 'yon ng iba pang mga nakapila na JUMPers sa labas ng studio— ang “'Girlfriend here” habang tinuturo ako. Psshhu.

No’ng tinanong ko si Mon kahapon, pagkatapos ng photo shoot, kung bakit 'yon ang sinagot niya ro’n sa isang fan na sumigaw ng “Mary Me,” ang sabi niya:

“What else do you think I should have answered?”

O-ha? Nagtatanong lang naman ako, sinungitan pa 'ko. Psshhu. Pero, ano nga ba ang dapat niyang isagot? Alangan namang “Yes, I’ll marry you.” Eh, hindi naman niya papakasalan 'yon girl, natural. Kung one big, fat, irritated “NO” naman ang sinagot ni Mon, baka ma-offend naman 'yong babae. Ayaw pa naman ni Mon ng nakaka-offend ng ibang tao… Maliban sa 'kin na gustong gusto niya asarin lagi.

Hay. Imbes na natutuwa ako na sinisigaw ni Mon sa buong mundo na girlfriend niya nga raw ako, naiinis lang ako— naiirita, naaabala, at NABU-BULLY!

Sinarado ko na lang ulit ang locker ko bago pumunta sa washroom. Habang naglalakad, nararamdaman ko ang masasamang tingin sa 'kin ng mga babae sa paligid. Hindi ko na lang sila sinubukan sulyapan. Sana lang walang biglang mambato sa 'kin ng kung ano, o kaya magtapon ng Slurpee sa mukha ko.

Nasa banyo na ako. Tinapat ko agad sa gripo ang kanang kamay ko. Hayyy. Ang hirap tanggalin ng malagkit na something na 'to. I wonder what’s next after this…

Hate messages on my timeline and spam on my e-mail? Prank calls on my phone? Dead cockroaches in my locker? Grease on my bag? Spray paint on my things? Wet paint on my armchair? Chalk dust on my face? Sana none of the above…

May narinig akong nagbubulungan malapit sa 'kin.

“Uy, si Miss Cassie nandito.”

“Talaga? Uy, siya nga!”

“Tara, lapit tayo.”

Oh, no. Naghanda na ako. Here it goes— the second on many more bullying to come on the next days, months, and years of my dear school life. Pumikit ako at napadasal. Sana makayanan ko 'to…

“Ate Cassie, hello po!”

I open my eyes. Sa harap ko, nakita ko sa salamin ang dalawang nakangiting babae. They look happy ang exited seeing me. Tiningnan ko sila sa tabi ko. Oo nga, hindi naman sila mukhang mambu-bully.

“H-hello…” alanganing sagot ko.

Lumapad ang ngiti nila. “Hello po. Ako po si Riza, siya naman po si Maira. Mga first year po kami, AB English. Fan niyo po kami!”

“Ah…” Oo ng pala. Kung meron man magandang bagay na naidulot 'yong sinabi ni Mon kahapon sa photo shoot, 'yon ay ang pagkakaroon ko ng instant fans. Not that I need one. Thankful lang ako na kahit na marami na ang galit sa 'kin dahil sa nangyari kahapon, meron pa ring mga gusto ako. Nadamay pa nga ako sa photo shoot nila Mon kahapon. May mga nagpa-picture din kasi na gusto kasama ako ng JUMP!, o kaya kaming dalawa lang ni Mon. Kumita rin tuloy ako nang wala sa oras.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon