Chapter 5

715 23 9
                                    

so, 'eto na po ang fifth chaptee, and feel ko na namang mag-"didikit" sa isa 'kong idol, si ate Tonee!

i'm having the same dilema that she had the time i met her here in Wattpad world-- silent readers.

I think i hafto make a note for you here, Silent Readers. Uh, feel good to make yourselves known. i want to thank you directly on your profiles, ee *smile*

------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

“OH, CD bakit nandito ka pa?” my mom asks using the nickname that she gave me.

Tumayo na ako at sinalubong siya sa low-fence gate ng bahay namin. Ang sakit na ng puwet ko! Halos 30 minutes akong nakaupo sa  front porch namin sa paghihintay kay Mama.

“'Ma, kanina pa kita hinihintay. Sa’n ka ba nangapit-bahay? Mapapaalam na ako.”

 “Bakit hinintay mo pa ako? Napagpaalam ka naman na ni Monti kahapon.”

Yep. Kaapon nga, kaya pala ang aga namin umalis sa school ni Monti ay para dumaan sa amin at ipaalam niya ako sa mama ko. Para lang mag… miryenda sa kanila ngayon. Oo. Mag-snack. Pumayag naman agad si Mama. Pero sa tingin ko kahit hindi na ako ipagpaalam ni Mon, papayag naman si Mama. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang i-exaggerate ni Mon na parang ang ipapaalam niya e hindi na niya ako ibabalik sa pamilya ko. And guess what? Ang mahiwagang Hershey’s, kay Mama binigay ni Mon.

He-he. Nakahingi rin lang ako.

“Wala naman,” sagot ko kay Mama. “Gusto ko lang magpaalam sa 'yo.”

“Wow naman. Nagpapa-cute ang unica hija ko.'Wag ka nang ma-effort; cute ka naman na talaga.” Inakbyan niya ako. “Susunduin ka ba ni Monti?”

“Yes, 'Ma. Pero do’n sa harap ng subdivision niya ako dadaanan.”

“Gano’n? Sa bagay. Ikaw nga naman ang nanliliaw, kaya dapat hindi ka na sinusundo.”

YES. Alam ng mama ko ang setup namin ni Mon. I just can’t keep a asecret from her, eh. At least, not any more.

“Sige, umalis ka na nga. You take care, okay?” paalala sa 'kin ni Mama.

“Opo. Bye-bye.” I kiss her on the cheek before riding a tricycle.

Sa bukana lang ng subdivision nila Mon ako bumaba. Siguro nagtaka rin 'yong tricycle driver. Pwede naman akong magpahatid hanggang kila Mon, pero dito pa ako bumaba. Ewan ko ba naman kasi kay Monti. Bakit hindi na lang ako padiretsohin sa bahay nila. Balak na naman niya siguro akong iburo dito sa waiting shed.

 

Mon, I’m hirr n… I text bago ko kinuha 'yong iPod niya sa bag ko. Makikinig muna ako ng music habang hinihintay siya. Nilabas ko ulit 'yong phone ko para sana mag-tweet. Pero nakita ko 'yong icon ng Facebook kaya do’n muna  ako nag—login.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon