Chapter 11

592 22 4
  • Dedicated kay Millescent Santayana
                                    

[A/N:] so, this one's for ate milles.. uhuh, i know we just met.. but i think (can feel it) we'll have that kind of friendship that'll last, as in FOREVAH!! hehe pagkalat mo 'to ate, ha? *LOLs* and also for ate annamae, na ginawa akong shield at front man sa paghu-hunting nmin sa mga src fafas.. isa lang kasi ang pwedeng ilagay na dediction.. so pasensya if pic lang ni ate milles nandito..

gusto ko rin magpasalamat sa mga bagong nag-fan sa kin, ay! i'll do my best for you shushiis (yeah, that's how i wanna call you guys) and my "didikaysyon" din kau sa susunod ^^

enjoy readin'! *warm smile from my heart*

_____________________________________________

Three days later…

NATAPOS NA ang exam week at lumipas na rin ang weekend.

Pero hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataon makausap si Mon. At nasira lahat ng nilista ko na trip sa school fest:

      1)       maglibot around the university kasama si Mon;

      2)       bumili ng something para sa 'kin at sa kanya na cute and matching. Like, cellphone strap, or keychain maybe;

     3)       sumigaw ng “DAISUKI!” habang nagpapa-picture kami;

     4)       and have good, REALLY good time in the entire week.

    5)       Magpahuli sa mga operators ng chain booth, at i-spend ang isang buong araw with Mon as our consequence…

At lalo na ang makausap siya nang maayos at open tungkol sa aming dalawa, sa feelings ko na hindi ko na maintindihan, at tungkol kay Ni Yao Hei … Pero nararamdaman ko na na malabong mangyari lahat 'to.

Nagsimula na nga ang school festival kaninang umaga. Late akong dumating sa school dahil hindi ako sinundo ni Mon. Nawala sa isip ko na hindi na pala niya ako sinusundo. Buti na lang walang classes ngayong linggo dahil sa event…

Nitong weekend, wala rin akong na-receive kahit isang text galing kay Mon. Buti na lang nag-invite 'yong pinsan ko manuod ng sine tapos nag-biking kami no’ng sumunod na araw; hindi ako naburo sa bahay. Ano kaya ang pinagkakaabalahan ni Mon? In four months, ngayon lang nangyari na wala kaming trip sa weekend. Anyway, nag-enjoy naman akong kasama ang pinsan ko.

Sana pala sinama ko ngayon ang pinsan ko rito sa school. Nakaka-bore mag-isa habang nakatanaw lang sa mga booths mula rito sa rooftop ng department building namin: Nandito lang ako sa building namin

since nag-start ang event. Tumulong ako sa message booth namin mga Mass Com students earlier this morning. Pagkatapos ng shift ko, dumiretso na ako sa rooftop. Dito na rin ako nag-lunch with my seniors and some classmates na hindi nakatoka sa booth.

Ngayon nga, tatlong oras na yata ako rito sa rooftop. Nakatanaw lang ako sa buong school— sa mga labas-pasok na estudyante sa gate, sa mga booths ng ibang departments na nakahilera sa school grounds, sa mga enjoy na enjoy na bisita… sa mga nagdi-date. Ang daming tao. Lahat masaya… Ako lang yata ang senti rito habang pinapakinggan ang mga sweet messages at pagbati ng kung sino-sinong estudyante na may nalalaman pang codenames sa mensahe nila na pinadala via SMS or facebook post sa page ng Mass Com department at ini-air sa buong school sa mga speakers na nakakabit sa bawat hallway ng mga buildings.

May mga narinig na akong bumati sa 'kin. Pero wala 'yon kumpara sa mga bumati kay Monti. LANDSLIDE ANG DAMI NG BUMATI SA KANYA! Naiintindihan ko na ngayon ang ibig-sabihin ni Mon no’n nung pinagmayabang niya sa 'kin namarami siyang fans dito sa university.

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon