Chapter 10

699 20 14
                                    

[A/N:] maiksi lang ang chaptee na 'to, but i hope you'll still enjoy..

i "didikit" this one to maj, ang bago kong "ka-loka" heha^^

___________________

LET’S TALK wen i hav tym

Message 'yon ni Monti. Kahapon, after lunch break, nag-text ako sa kanya na dadaanan ko siya sa building nila para sabay na kaming umuwi. Pero may tinatapos pa raw sila ng blockmates niya kaya mag-isa na naman akong umuwi kahapon.

Kagabi naman, I texted him if he could come earlier to fetch me today so we could have time to talk; sabi niya, hindi raw niya ako masusundo ulit. Kaninang lunch break, sila Liza ulit ang kasabay ko. Hindi na naman pwede si Mon. Wala na siyang sinabi na dahilan. Pero sinabi niya na baka gagabihin sila nila Ehro sa pagtapos ng group project. Mag-isa lang ako sa dulo ng bus kaninang uwian. Ulit.

Lately, nasasanay na naman akong mag-isang umuwi gaya ng dati, bago pa ako mag-transfer sa school namin ni Mon ngayon. Ang weird ng feeling… Annoyingly weird!

Dahil do’n, wala na naman akong gana ngayong gabi. Pero naisip ko baka magtaka na si Mama kung hindi na naman ako maghahapunan kaya kumain na rin ako kahit ilang subo lang. Ngayon naman na nakakain na ako, hindi ako makapag-concentrate sa pagre-review for my three remaining exams for the last two days of exam week. Hindi kasi ako mapakali; gusto ko nang kausapin si Mon— although hindi ko pa alam kung ano ang mga sasabihin ko.

I texted him earlier before dinner. I told him I want to talk to him tomorrow. At ang reply niya nga ay: let’s talk wen i hav tym

I wonder when he will have time. Sana sa weekend na lang. That time, tapos na ang finals; hindi na kami busy. By next week, school festival na. I want to have good time with Mon sa school fest at hindi puro stress. Ito ang first school festival ko since I transferred, kaya nga sana okay na lahat by next week.

I’m so excited for the school festival, especially for the acquaintance night. But I gotta clear things out with Monti first...

--

THURSDAY NA. Mag-isa lang ako ngayong naglalakad palabas ng subdivision at papunta sa bus stop. Hindi pa nagti-text si Mon until now. Wala pa nga siguro siyang time. Maybe he really needs that and space. I just don’t know what for, but that’s what my instinct says. And maybe I, too, need some space… time whatsoever. Kaya t-in-ext ko si Mon kanina bago umalis sa bahay na huwag na muna niya akong sunduin. At 'wag muna kami magkita hanggang bukas. Anyway, busy din naman sa department namin para sa school fair next week, at siguradong gano’n din sa department niya.

Gusto kong bawiin 'yong sinabi ko na 'yon sa message ko. Pero baka magtaka si Mon. Hayyy, naguguluhan na ako sa dami ng iniisip ko. Kailangan ma-divert ng attention ko. Kaya nga naglakad ako ngayon.

Malamig ngayong umaga pero okay lang, marami naman akong nakikita at nakakasalubong. Katulad ng mga nagjo-jogging, namo-morning walk kasama ng pet dog nila at naglalako ng taho. Nadaanan ko rin 'yong private clinic kung sa’n lagi akong sinusugod ni Mama no’ng bata pa ako kasi madalas akong madapa, mahulog at matamaan ng kung ano-anong binabato ng mga kalaro ko sa playground. Pati 'yong bakery ng Tito ko, favorite fishball-an namin ng mga pinsan ko, at 'yong videoke-restaurant na pinupuntahan namin tuwing summer kung sa’n inaabutan pa kami ng hating-gabi na magpipinsan. Marami pa akong ibang nakikita. At masaya sa pakiramdam na binabati ako ng mga kapit-bahay namin.

Na-realize ko tuloy, na-miss ko 'to— the bright morning light, the warm greetings of my neighbors, the good feeling walking brings. May mga na-miss din pala ako sa simpleng pagsakay ng tricycle sa umaga. Sa susunod sasabihin ko kay Mon, maglakad-lakad naman kami minsan…

SILLY SECOND CHANCES [complete book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon